"Kuya lalabas lang kami ni Jess, pupunta lang kami sa library. Kailangan namin mag aral dahil final exam na namin next week" pagmamadaling paalam ni Avi sa kuya nya.
"Malapit ng dumilim uh, bakit di na lang kayo dun sa kwarto nyo? Delikado na sa labas" sagot ng kuya nya habang naglalaro pa rin ito ng mobile games nito.
"Kuya di kami makakapag focus dito, ang ingay ingay nyo kaya ni Kuya Warren, sge na bye" lumabas agad ako bago pa ako mapigilan ni kuya.
Syempre kunwari lang na yun yung main reason bakit sila sa library mag aaral ngayon, ang totoong rason talaga ni Avi ay iniiwasan nya si Warren dahil pa din sa nangyare noong nakaraang gabi.
Nagfocus agad kami ni Jess sa pagre-review, at di na namin namalayan na pasado alas otso na pala at malapit ng magsara ang library.
"Miss, magsasara na po kami maya maya." Imporma sa kanila ng librarian.
"Ah okay po Miss, salamat po" tugon naman ni Jess.
"Ano Avi, uwi na tayo? Malalim na din ang gabi baka hinahanap ka na ng kuya mo at baka hinahanap na din ako nila Mommy" sabi ni Jess habang nag aayos na ito ng gamit.
"Oh sge tara na" inayos ko na din ang mga gamit ko.
Paglabas namin ni Jess ng library laking gulat ko ng makita namin si Warren sa labas. Pag minamalas ka nga naman oh, iniiwasan ko nga to eh tapos andito at mukhang sinusundo kami.
"Oh Kuya Warren, anong ginagawa mo dito? Manghihiram ka ba ng libro?" Inosenteng tanong ni Jess, palibhasa di nito alam ang mga sinabi sa kanya ni Warren nung nakaraang gabi, at wala syang balak sabihin dito dahil tutuksuhin lang sya nito ng walang patid.
"Ah susunduin ko sana kayo at ihahatid na din sa bahay nyo, gabi na kasi baka mapano pa kayo sa daan" sabay kamot nito sa batok.
"Si Jess na lang ihatid mo Kuya, magkaiba ang daan ng bahay namin ni Jess at doon din ang daan pauwi sainyo para makauwi ka na din" pagtangi ni Avi sa alok nitong paghatid sa kanya.
"Hindi mamsh, okay lang. Ikaw na lang ihatid ni Kuya Warren, kaya ko naman eh saka baka inutusan ni Kuya Zen yan." kung pwede ko lang isigaw dito sa babaeng to na iniiwasan ko si Warren ginawa ko na, pero dahil walang alam tong babaeng to pinigilan ko ang sarili ko.
"Okay lang talaga na ikaw ang ihatid, para din di na matagalan sa paguwi si Kuya Ren, sge bye ingat kayo uh" sabay lakad ko ng mabilis paalis sa harap nila.
"Sigurado ka mamsh?" Rinig kong sigaw ni Jess. Nag okay sign na lang ako sa kanila, ng hindi lumilingon sabay lakad ulit g mabilis.
ALAM kong iniiwasan ako ni Avi dahil sa nangyare kagabi kaya nga sinundan ko sya dito sa library para makausap ko sya. Ang sabi ko kay Zen uuwi na ako, di nya alam sa library ang punta ko pero haist.
"Ahm Kuya Warren, okay lang kung di mo mo ihatid nagtext si Kuya Khyle nasa may kanto daw sya sinusundo ako, salamat na lang" pagpapa alam ni Jess.
"Sge ingat kayo Jess" habol ni Warren. Mabilis naman nyang sinundan si Avi, paniguradong di pa ito nakakalayo.
Di kalayuan ay natatanaw na nya si Avi na mabagal na naglalakad habang nakatingin sa buwan. Mabagal lang ang ginawa nyang paghakbang para di sya mapansin n dalaga.
Maya maya lang ang may napansin syang mga kalalakihan na nakatambay di kalayuan sa dinadaanan ni Avi, agad syang nagduda ng pasimpleng sinundan ng mga ito si Avi na walang kamalay malay.
Sinundan nya lang ang mga ito at matalas ang tingin nya, ni di nya nagawang kumurap dahil sa pag aalalang baka bigla na lang may gawin ang mga tarantado kay Avi.
Naging mabilis ang naging kilos ni Warren ng makitang biglang hinablot ng isang lalake si Avi. Dahil sa medyo may kalayuan ang distansya nya kay Avi, naabutan nyang sira na ang damit ng dalaga at balak na itong halikan ng tarantado.
MANGHANG mangha si Avi sa bilog na bilog na buwan. Mabagal lang ang ginagawa nyang paglakad dahil sa totoo lang ayaw nya munang umuwi at gusto nyang makapag isip isip muna.
Napansin ni Avi na parang may sumusunod sa kanya pero di nya pinahalatang napansin nya iyon. Tuloy lang sya sa pag lakad, sa pag aakalang baka taong pauwi na galing trabaho na nakatira dito sa loob ng village nila.
Maya maya pa ay bigla na lang may humablot sa braso ni Avi, nilukob ng matinding kaba at takot ang dibdib nya dahil hindi nya kilala ang tatlong lalake na nasa harap nya ngayon na pumipilit sumira ng damit nya.
Walang nagawa si Avi kundi ang umiyak ng umiyak dahil napunit na ang damit nya at pinipilit syang halikan ng isa sa mga lalake.
Panay ang iyak at salag ni Avi sa lalake, di nya namalayan na may bunubogbog na pala sa dalawa pang lalake. Nang may humila sa lalake na nasa ibabaw nya agad na gunapang si Avi papunta sa sulok ng kalsada at doon niyakap ang sarili at umiyak ng umiyak.
Walang kamalay malay si Avi na bugbog sarado na yung tatlong lalake.
"Riri okay ka lang? May masakit ba sayo? Sinaktan ka ba ng mga lalakeng yun? Sabi ko naman kasi sayo eh ihahatid na kita, ang tigas kasi ng ulo mo ayan tuloy" agad na nag angat ng ulo si Avi, isang tao lang ang tumatawag sa kanya ng ganun, si Warren lang at di nga sya nagkanali dahil nakita nya si Warren sa harap nya na puno ng pag aalala at galit ang mata.
Agad na napayakap si Avi kay Warren, hindi nya inaasaban na si Warren ang magliligtas sa kanya sa ganitong sitwasyon. Walang salita na lumabas sa bibig ni Avi, tanging hagulgol lang ang maririnig sa kanya. Nanatili namang nakayap sakanya si Warren at inaalo sya hanggang sa marinig nila ang mga police na paparating. Agad na dinakip ang tatlong lalake.
"Sir, pwede ko po ba kayong mahingan ng statement about sa nangyare? Pati po sana si Ma'am" ani ng pulis, pero di nag angat ng tingin si Avi, patuloy pa din sya sa pag iyak.
"Sir, pwede po bang bukas na lang? Di po kasi makapag salita itong kasama ko dahil sa trauma na dulot ng nangyare, pangako bukas ng umaga pupunta kami sa presinto nyo Sir kasama ang abogado namin" rinig nyang sabi ni Warren sa pulis.
"Sge Sir, dalhin na po namin itong mga to sa presinto." Narinig nyang umalis na ang mga pulis.
"Riri, okay ka na ba? Kaya mo na bang maglakad, kailangan na nating umuwi dahil nag aalala na sila Tita sayo" huling rinig ni Avi bago sya tuluyang kainin ng dilim.
Dahil sa sobrang pagod sa pag iyak, di namalayan ni Avi na nakatulog na pala sya.
"RIRI, tara na uwi na tayo." Pilit na tinitignan ni Warren si Avi, nakita nyang nakatulog na ang dalaga kaya hinubad nya ang suot nyang jacket at dahan dahang isinuot sa dalaga sabay buhat dito at naglakad na pauwi.
Pagkarating nila Warren sa bahay nila Avi, agad na sinalubong sya ng mga magulang nito na sobrang nag aalala. Agad nya itong tinawagan kanina pagkatapos nyang bugbugin ang tatlong tarantado.
"Zeckiah? Zeckiah baby, what happen to you? Sobra kaming nag aalala sayo" bungad ni Tita Daya sa kanila.
"Ahm tita, nakatulog po si Avi sa sobrang pagod siguro at sa kakaiyak." Saad nya dito.
"Naku iho, salamat at buti na lang nailigtas mo si Avi, asan na pala yung mga tarantadong muntik ng gumahasa sa anak ko?! Gusto ko silang makita!" Galit na sabi ni Tito Ambrose.
"Nasa presinto na po tito, sabi ko sa mga pulis na bukas na po ng umaga kami pupunta ni Avi sa presunto para sa pagbibigay ng statement." Sagot nya dito.
"Salamat talaga iho uh, kung wala ka dun siguradong may masama ng nangyare kay Avi, sge ihatid mo na sya sa kwarto nya" agad na umakyat papuntang kwarto ni Avi si Warren.
Dahan dahang inilapag ni Warren si Avi sa kama nito. Pinakatitigan nyang mabuti ang dalaga, agad na nakaramdam ng galit si Warren ng makita ang jacket nya na suot ni Avi dahil naalala na naman nya ang ginawa ng mga tarantado dito.
"Sorry Riri, medyo nahuli ako ng pagdating. Kung hindi lang ako nahuli edi sana di umabot sa pagpunit ng damit mo at sapilitang paghalik sayo ang ginawa ng mga tarantadong yon" mahinang sabi ni Warren habang malumanay na hinaplos ang pisngi ni Avi gamit ang likod ng palad nito.
Agad na napatayo si Warren ng makarinig ng katok mula sa labas ng kwarto ni Avi. Nakita nyang pumasok mula doon si Zen.
"Pare, salamat sa pagtulong sa kapatid ko uh, di ko alam anong gagawin ko sa sarili ko kung may nangyareng masama kay Avi, buti na lang nandun ka" sabay tapik nito sa balikat nya.
"Wala yun pre, kapatid mo si Avi kaya parang kapatid ko na din sya. Buti na lang talaga at agad akong bumalik dahil babalikan ko sana yung earphone ko dito na naiwan ko" pagsisinungaling ko, although naiwan ko talaga yung earphone ko dito sa bahay nila pero hindi yun ang main reason bat ko naabutan si Avi at nasagip mula sa mga tarantadong yun.
"Oo nga pala, pinapatawag ka nila mama sa baba. May sasabihin daw sayo" agad na lumabas sa kwarto ni Avi at bumaba sa kusina.
Nilapitan agad nila sila Tita Daya na nakaupo sa hapagkainan kasama si Tito Ambrose at Ate Zekailah. Umupo sila ni Zen sa bakanteng upuan.
"Warren, salamat ulit sa pagsagip sa anak namin uh. Tatanawin naming malaming utang na loob ito sayo" pagbasag ni tita sa katahimikan.
"Tita, wala po yun. I treated Avi as my little sister kaya it's my responsibility din po to protect her. Ginawa ko lang po ang dapat" sabay ngiti ko sa kanilang lahat.
"Oh sya, dito ka na magpalipas ng gabi. Natawagan na namin ang mga magulang mo at nasabi na naming dito ka magpapalipas ng gabi. Baka kasi mamaya eh may mga kasama pala yung mga lalakeng yun at abangan ka pag uwi mo. Mas mabuti ng nakakasigurado tayo." Paliwanag ni Tita sa kanya.
"Sge po Tita, salamat po. Excuse me po, tawagan ko lang po sila Mommy." Tango lang ang tanging sagot ng mga ito sa kanya, agad naman syang lumabas sa kusina at dumiretso sa sala para tawagan ang mga magulang nya.
Agad na umakyat patungong guest room si Warren, kung saan sya madalas na lumalagi pag dito sya natutulog sa bahay nila Zen. Nadaanan nya ang kwarto ni Avi, kaya sinilip nya ang dalaga kung tulog pa ba ito. Nang makitang tulog pa ito, ay umalis na sya agad at dumiretso sa kwarto nya para magpahinga.