Sypnosis
Umiikot lang ang buhay ni Zeckiah sa school, bahay at library. Kaya di na nakakapagtaka kung isa lang ang bestfriend nya at tatlong tao lang ang kilala nya sa loob ng campus, yun ay ang bestfriend nya, ang kuya nya at ang bestfriend ng kuya nya. Maraming gustong makipag kaibigan sa kanya pero alam naman nya ang hidden agenda ng mga ito at yun ay ang mapalapit sa kuya nya at sa bestfriend ng kuya nya.
Wala pa sa plano nya ang "love" kasi naniniwala sya na may right time para dyan. All she need to do now is to focus on her studies para ng sa ganun ay matupad nya ang mga pangarap nya at maging proud sa kanya ang kanyang mga magulang.
Pero nagbago ang plano nyang iyon ng may hindi inaasahang nangyare sa buhay nya. Umamin lang naman ang bestfriend ng kuya nya sa kanya na may gusto daw ito sa kanya, di nya alam kung paniniwalaan nya ito dahil lasing si Warren ng umamin ito.
Mukha din namang di totoo dahil kinabukasan ay parang walang maalala si Warren. Nakikita nya sa mukha nito habang kumakain sila na wala itong maalala sa pinagsasabi nito sa kanya nung nagdaang gabi. That's why she decided to forget that night.
Kinagabihan ay kinausap sya ni Warren privately, di sya umaasa na io-open up nito yung tungkol sa confession nung nakaraang gabi. Pero laking gulat ang naging reaction ni Zeckiah pagtapos magbitaw ng salita ni Warren. Hindi gulat dahil sa sinabi ni Warren, kundi gulat dahil sa naging reaction ng puso nya sa sinabi nito.
"Kalimutan mo na lang kung ano man yung mga sinabi ko sa'yo nung nakaraan, pasensya ka na Avi dala lang ng kalasingan ko yun kaya kung ano anong pinagsasabi ko" yan ang huling sinabi ni Warren bago ito umalis sa harap nya.
Di makagalaw si Zeckiah sa kinatatayuan nya, di nya maintindihan bakit nakaramdam ng sobrang sakit ang puso nya ng marinig ang huling sinabi ni Warren.
Ginawa lahat ni Zeckiah para maiwasan ang lalake, pero hanggang kelan kaya makakaya ni Zeckiah ang umiwas?
Pano kung si Warren na mismo ang gumawa ng paraan para matigil na ang pag iwas nya dito?
Pano kung sabihin ni Warren na totoo lahat ng inamin nya dito?
Pano kung umamin si Warren na matagal na nyang gustong ibunyag ang "Hidden Love" nya para kay Zeckiah?
Ano kaya ang gagawin ni Zeckiah?
#UnangPahinaSakitAgad
#HiddenLove