“Ayos lang ba? Hindi ba masyadong makapal ang kilay ko?” Tanong ni Hazel sa pinsan. “Hindi ah? Sakto lang naman, maganda tignan.” Sagot nito habang inaayos ang mga gamit na nakakalat sa mesa. Muli niyang sinulyapan ang sarili sa maliit na salamin. Maaga pa pero nasa apartment na siya ng pinsan, hindi dahil sa inutos ng ama kundi para magpatulong maglagay ng kolorete sa mukha. Wala talaga siyang talento sa pag-lalagay ng kolorete kahit nga ang kulay ng foundation na babagay sa mukha niya ay hindi niya alam, “Saan mo nga pala nakilala ang boyfriend mo? Infairness ah, mukhang mabait at magalang.” Komento ng pinsan bago inayos ang buhok. “Seryoso ka naman ba ngayon?” “Hindi naman ako mag-aadjust na magpunta sa kanila kug hindi ako seryoso sa kanya,” matamis ang ngiti sa labi. Basta talag

