May kahabaan ang pila sa unang araw ng pagbubukas ng enrollment para sa i-kalawang semester ng taon. Mahapdi at nakakapaso ang tirik na araw ngunit hindi iniinda ng karamihan na nagtyatyagang pumila katulad ni Hazel kasama ang mga kaibigan. Kalahating araw na silang naghihintay, mabagal ang proseso katulad ng kanilang inaasahan. Nasa huling parte na sila ngunit inabutan pa sila ng tanghalian bago matapos ang papel na kanilang pinasa. Ngayon, panay reklamo na ang lahat ng kanyang mga kasama. Abala si Hazel sa pakikipagpalitan ng mensahe, gusto niya na matapos ang lahat dahil may lakad pa siya kasama ang manliligaw. Walang alam ang mga kaibigan sa kanilang pagkikita pero kaya-maya ay may balak na siyang sabihin ang lahat. "Magkikita pala kayo ngayon ni Joshua hindi mo manlang na sabi sa a

