Mula sa maliit na distansya ay may kanya-kanyang mundo ang apat na tahimik na naglalambingan. May isa’t kalahating oras pa bago lumubog ang araw, wala silang ibang ginawa kundi ang maupo habang si Hazel ay panay nguya sa binili sa kanya ng binata. Laking pasasalamat niya na hindi na ‘to nangulit pa matapos niyang sabihin ang kanyang gusto at hayaan ‘to na magbayad para sa kanya. Siguro ay naapakan niya ang ego nito dahil ayaw niyang magpalibre pero minsan na sinabi nito sa kanya na ayos lang ang kanyang gusto. “Linggo ngayon, walang pasok ang mga nasa opisina at mga studyante kaya wala din traffic. Paano kung mag-inom na muna tayo d’yan,” sabay turo sa bar na kakaunti pa lamang ang tao dahil masyado pang maaga para mag-inom. “Kami na ni Joshua ang bahala sa gagastusin, malakas ka naman a

