Panay ang asikaso sa kanya ng binata na tipong kulang na lang ay ito na ang magsubo para hindi na siya gumalaw pa. Hinahayaan niya lang ito kahit sa loob-loob niya ay naiilang na siya sa ginagawang pag-aalaga at pagsisilbi sa kanya. Hindi siya sanay, madalas ay siya ang gumagalaw para sa sarili at minsan lang makaramdam ng sobra-sobrang pagsisilbi pero hinayaan niya lang ito dahil katulad ng sinabi nito ay minsan lang silang magkita. “Saan ang sunod na gusto niyong puntahan?” tanong ni Cherryl sa kanilang dalawa. Naglalakad na sila ngayon sa parke, tapos na bisitahin ang unang lugar na kanilang nausapang puntahan, iyon nga lang ay kailangan na magbago ng plano dahil ang iba ay hindi bukas sa araw na kanilang pagpunta. “Ikaw, saan mo gusto mapunta?” baling sa kanya ni Joshua. “Maganda

