Hindi mapakali at panay ang sulyap sa salamin, tinignan kung komportableng tignan ang sarili suot ang pulang bestida na humahapit sa kanyang katawan at takong na hindi kataasan. Noong bata pa lamang si Hazel ay mahilig siya magsuot ng bestida, sumali sa pageant sa kanilang lugar, at magsuot na matataas na mga sapatos ngunit nagbago ang lahat nang iyon ng unti-unti siyang mamulat sa kahirapan. Tandang-tanda niya pa kung paano sila iwan ng ama, umalis ito dahil sawa na daw ito sa kanila at walang katapusan na pagtatalo ng mga magulang. Ang pang-araw-araw nila ay nasa kanya nakasalalay, kailangan niyang maghanap buhay upang may maibigay sa ina pambili ng bigas, at ang halagang dose pesos ay may kalahating kilo na ng bigas. Magmula ng wala silang makuhang supporta mula sa ama ay tinigil niya

