“Hazel, dito!” malayo pa lang ay dinig na ng dalaga ang pagtawag sa kanya ng kaibigan habang turo-turo ang bakanteng upuan sa tabi nito. Bago siya sumagot ay dumapo ang kanyang tingin sa madalas niyang pwesto tuwing araw na ‘yon, may ibang nakaupo—isa din sa kanilang kaibigan na masayang-masaya na kausap kay Cherryl. Kaya’t ng muling magtagpo ang tingin nila ni Bianca ay dumiretso siya dito at doon pumwesto. “Ang aga mo ata?” tanong niya dito. Marami na ang tao sa kwarto, kumukuha ng litrato kasama ang mga kaibigan, at ang iba ay may kanya-kanya ng mundo. Minsan lang pumasok ang lahat ng maaga, wala naman kasing pumapasok na professor kaya isang himala ang makita silang lahat kahit hindi pa kompleto. “Naala ko na ikaw ang mag-attendance habang wala pa si Pres kaya pumasok ako ng maag

