Hindi mawala ang malapad na ngiti ni Hazel sa kanyang mukha, nakatanaw sa susunod na jeep na papalapit sa kanilang kinatatayuan. Kasama ang mga kaibigan na kasamang naghihintay, balak na kumain sa labas habang siya ay abala sa pakikipagkita sa binata. "Ganda ng ngiti ni Hazel oh, hindi pa sila niyan pero grabe na kung mag-ayos." Pang-aasar na biro ni Bianca at sinundot-sundot ang kanyang tagiliran. "Ano ka ba? Ganun talaga sa umpisa." Puro kilig at hindi alintana ang magiging kalabasan ng pagkikita nila. "Hintayin ko na muna kayo makasakay bago kami umalis." Pahabol niya. Nais niyang walang ibang makakita kung saan sila lulusot o sasakay. Hindi niya gusto na malaman ng mga 'to kung saan sila magpupunta kahit sinabi niya ang mga plano niya puntahan pagkasama ang binata. "Hintayin na mun

