Suklay dito, pulbo’t lipstick doon. Halos mapuno ang buong comfortroom sa kanilang lahat, nahihiya na tuloy pumasok ang ibang studyante dahil sa kanila. ‘Kahit gaanoman ka-excited ang lahat ay hindi maaring lumabas ng school na haggard’, iyon ang kasabihan ng mga babae na nakilala niya sa college na mas pinoproblema pa ang magkaroon ng bagong foundation kesa magkaroon ng isang pad na papel. “Hindi ka ba mag-aayos?” tanong ni Cherryl kay Hazel ng mapansin na ito lang ang hindi nag-aayos sa kanilang lahat. Sampo silang magkakaibigan, lahat ay malapit sa kanya kahit madalas na tahimik sa isang sulok. Karamihan din sa mga ito ay may pareparehas na pinagdaraanan na problema mas lalo sa financial maliban kay Cherryl na mukhang walang problema sa buhay. Ano pa ba ang kanyang proproblemahin kun

