Kabanata 10

1586 Words
Parehas kaming napatigil ni Alana at parehas kaming nagkatinginan sa isa’t-isa sapagkat hindi namin inaasahan na rito kami dadalhin ni Demetrius nang yayain niya kami sa kaniyang tahanan. Hindi ko inaasahan na ganito ang aming madadatnan sa oras na marating namin ang lugar kung saan siya nakatira. Halos kasing laki lamang iyon ng tahanan ni Alana, ngunit napakarami ng sira ng tahanan ni Demetrius. Ang bintana nito ay puno ng butas at nakatagpi lamang ng mga kahoy na alam kong inaanay na rin. Ang pinto ng bahay niya ay mayroong ding butas at tila ba babagsak na ito kung hindi magdadahan-dahan ang taong magbubukas nito. Alam ko na kahit hindi ko pa nakikita ang loob noon, alam ko na ganoon din ang makikita ko. Alam ko na kung hindi man sira ang mga gamit na madadatnan namin sa loob ng kaniyang tahanan, hindi maganda ang kondisyon nito sapagkat tila ba naranasan din ng parte ng bayan na ito ang hagupit ng labanan na nangyari sa mundong ito. “Halina na kayo at pumasok sa aking tahana,” narinig kong sambit ni Demetrius na nakapagpa-gising sa aking isipan, at doon ko lamang napansin na nakatitig na siya sa aming dalawa ni Alana. Mukhang napansin niya na napatigil kaming dalawa nang makita namin ang kalagayan ng kaniyang tahanan. Mukhang napagtanto niya na para bang nagdalawang isip kaming dalawa ni Alana na pumasok sa kaniyang tahanan, kaya naman inaaya na niya kami na pumasok na talaga sa kaniyang tahanan. “Pasensiya na,” paghingi ko ng paumanhin sa kaniya, bago ko kinuha ang atensiyon ni Alana upang senyasan siya na pumasok na sa tahanan ni Demetrius dahil mukhang hinihintay talaga niya kaming dalawa na gumalaw sa aming kinatatayuan. “Paumanhin,” sambit pa ni Alana nang mahinuha niya ang nais kong iparating, bago siya nauna nang maglakad – na nakapagpangiti kay Demetrius na para bang nakahinga siya nang maluwag na nais pa rin naming pumasok sa kaniyang tahanan kahit na hindi ganoong kagandahan ang itsura ng tahanan niyang iyon. “Pagpasesnsiyahan niyo na lang din na hindi malinis ang inyong madadatnan sa inyong pagpasok sa aking tahanan.” Tumawa pa siya na para bang nais niyang pasiyahin kaming dalawa ni Alana, ngunit nang makita niya na para bang hindi naman nagbago ang ekspresiyon sa mukha naming dalawa, kaya naman tinigil niya ang kaniyang pagtawa bago siya umaktong para bang napapaubo siya. “Hindi ko na kasi napagtuunan ng pansin ang aking tahanan sapagkat napakarami ng nangyari sa aming bayan.” Muli akong napatigil nang marinig ko ang lungkot sa kaniyang boses, ngunit muli akong naglakad nang maramdaman ko ang paghawak ni Alana sa aking braso at nang tumingin ako sa kaniyang gawi, nakita ko na napailing siya na para bang nais niya akong pigilan sa nais kong itanong kay Demetrius. Agad ko namang nakuha ang nais niyang iparating, kaya naman hindi na lamang ako umimik pa at sumunod na lamang kay Demetrius nang makita kong tuluyan na niyang nabuksan ang pinto ng kaniyang tahanan makalipas ang ilang minuto na sinusubukan nitong buksan ang pinto nito. “Huwag kayong mahihiyang tumuloy sa aking tahanan,” sabi pa sa amin ni Demetrius, kaya naman tuluyan na kaming pumasok ni Alana sa kaniyang tahanan nang walang sinasabing kahit na ano. Nang makita na niya na parehas na kaming nasa loob ng kaniyang tahanan, agad niyang isinara ang kaniyang pinto at agad niyang hinanap ang tanging ilaw na tumatanglaw sa kaniyang tahanan. Matapos niyang masindihan ang ilaw na hawak-hawak niya, doon ko lamang narinig ang hiyawan ng mga tao sa labas ng kaniyang tahanan – na nakapagpatigil sa akin sapagkat tila ba labis ang hinagpis ng mga taong iyon. Hindi iyon katulad noong mga hiyawan na naririnig ko sa paligid ni Demetrius kanina. Hindi iyon katulad ng sigawan na para bang nasisiyahan sila sa kanilang nakikita. Ang katotohanan ng niyan, iyon ay para bang silang nagtatangis, naghihinagpis, at nangangailangan ng tulong nang kung sino man ang makaririnig. Akmang tatayo ako upang tignan kung ano ba talaga ang nangyayari, ngunit muli akong napatigil nang hawakan ni Alana ang aking kamay kaya naman agad akong napatingin sa kaniya nang may nagtatanong na kislap sa aking mga mata. Bahagya siyang umiling sa akin na para bang sinasabi niya na hindi ako maaaring lumabas, bago niya ipinaliwanag sa akin kung bakit – bago niya isiniwalat ang dahilan kung bakit nagkakagulo ang mga tao sa labas ng tahanan ni Demetrius. “Ito ang sinasabi ko sa iyo nang sabihin ko na may mangyayaring hindi maganda sa oras na dumilim na ang buong paligid.” May seryosong ekspresiyon sa kaniyang mukha habang nakakuyom ang kaniyang mga kamao na para bang pinipigilan lang din niya ang kaniyang sarili na lumabas doon upang gumawa ng bagay na makatutulong sa mga tao roon. “May kaguluhan na nangyayari, kahit saan ka pa man tumingin, kahit saan ka pa mapabaling, ganoon at ganoon pa rin ang iyong makikita.” Napatigil si Demetrius, pati na rin ako, nang marinig naming pareho ang kaniyang mga sinasbai, ngunit alam ko na magkaiba ang aming dahilan kung bakit ganoon ang aming naging reaksiyon nang marinig namin ang mga sinasabi ni Alana tungkol sa nangyayari sa labas ng tahanan ni Demetrius. “Mukhang marami ka ring nalalaman sa nangyayari sa mga bayan na katulad ng aming bayan.” Pagbibigay ng pansin ni Demetrius sa mga sinambit ni Alana sa akin. Mukhang may iba pa itong nais na ipabatid kay Alana, isang bagay na hindi ko rin mawari kung ano ngunit alam ko rin na may nais na ipunto si Demetrius habang binabanggit niya ang mga bagay na iyon kay Alana. Mukhang hindi naman napansin ni Alana na tila ba may ibang kahulugan ang mga salitang sinambit sa kaniya ni Demetrius sapagkat nakita ko ang pagtango niya sa aming dalawa habang nagtatagis ang kaniyang bagang na para bang pinipigilan lamang niya ang kaniyang sarili na sumabog ang kaniyang galit. “Kagaya ng bayan na ito, maihahalintulad mo ang bayan na kinagisnan ko,” pagpapaliwanag ni Alana sa kaniya, at doon lamang umupo si Demetrius na para bang nais niyang marinig ang iba pang sasabihin ni Alana. Ganoon na rin ang aking ginawa. Umupo ako sa malapit nang masirang upuan sa loob ng kaniyang tahanan, at agad naman ding tumabi ni Alana sa akin habang hindi pa rin nagbabagao ang ekspresiyon nito sa kaniyang mukha. “Marami ring kaguluhan ang nangyayari sa lugar namin.” Mas lalong kumuyom ang kaniyang kamao hanggang sa manginig na iyon dahil sa labis na galit na nararamdaman nito. “Noong unang beses ko iyong naranasan, sinubukan kong tignan kung ano ang nangyayari, ngunit pagkalabas ko pa lamang ng tahanan…” Naramdaman ko ang panginginig ng kaniyang katawan na para bang kinikilabutan siya sa kung ano man ang kaniyang nakita, kaya naman agad kong hinawakan ang kaniyang kamay upang siya ay pakalmahin. Mukha namang naging epektibo ang aking ginawa sapagkat narinig ko ang marahang paghinga niya nang malalim na para bang sinusubukan niyang pakalmahin ang kaniyang sarili bago siya magsalitang muli tungkol sa mga bagay na kaniyang nakita noong unang beses niyang naranasan ang bagay na katulad nito. “Doon ko nakita kung gaano na naging masama ang mga tao sa mundong ito,” sambit ni Alana sa aming dalawa na para bang nanginginig pa ang kaniyang boses – na para bang hindi na niya nais pang alalahanin pa ang araw na iyon. Mukhang napansin din ni Demetrius ang hindi pagiging komportable ni Alana sa kaniyang pagku-kuwento, kaya naman minabuti na lamang nito na sumabat sa mga sinasabi ni Alana upang hindi na nito matuloy pa ang kaniyang mga kuwento. “Hindi ko alam ang tunay na mga nangyari sa mundong ito,” sambit ni Demetrius at doon ko lamang nakita kung gaano kaseryoso ang ekspresiyon sa mukha nito na para bang hindi niya inakala na magiging ganito ang lahat. “Ngunit alam ko na kung ano man ang nangyari, hindi iyon maganda sapagkat naranasan at nakita mismo ng aking mga mata ang sinapit ng mga taong malalapit sa akin noon.” Kumunot ang aking noo sapagkat tila ba may kakaiba sa kaniyang mga sinabi, ngunit hindi na lamang ako nagsalita at mas pinili ko ang manahimik sapagkat alam ko na hindi lamang iyon ang kaniyang mga sasabihin – alam ko na hindi lamang doon nagtatapos ang kaniyang mga nais na sabihin. “Nakita ko kung paano namatay ang aking ama nang dahil sa pakikipaglaban.” May galit sa kaniyang boses nang sambitin niya ang mga salitang iyon, kaya naman mas minarapat na lamang namin ni Alana na manahimik at hayaan siyang ipagpatuloy ang kaniyang mga sasabihin. “Nakita ko kung paano nawalan ng buhay ang aking ina nang dahil sa labis na kagutuman.” May kung anong kumirot sa aking puso nang marinig ko ang bagay na iyon mula sa kaniya. May kung anong sakit akong naramdaman sapagkat hindi ko inakala na ganoon ang kaniyang sinapit – hindi ko inaasahan na ang taong labis na nagbibigay ng saya sa mga taong naririto at nararanasan ang kaguluhan ng mundong ito ay isa ring taong nakita at narasan mismo ang masamang dulot ng labanan at kaguluhan na nangyari sa mundong ito. Hindi ko inakalang ang taong labis ang ngiti sa kaniyang mga labi habang nagpapakitang gilas sa lahat ay siya ring isang biktima ng karahasan na patuloy na nangyayari sa mundong ito. “Nakita ko kung paano nawala sa akin ang lahat, at iyon ay dahil sa kaguluhan na patuloy na nangyayari sa mundong ito.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD