Isang umaga, habang kaming apat ay nakain ng umagahan sa hapag kainan sa loob ng tahanan ni Linnea, napagpasiyahan ko na sabihin sa kanila ang aking desisyon kung ano ang aking gagawin sa mga susunod pang mga araw na kami ay pupunta sa iba’t-iba pang mga lugar sa mundong ito.
Ilang araw ko ring pinag-isipan ito nang mabuti sapagkat alam ko na na kaakibat ng desisyon kong ito ang mga bagay na kakailanganin na’ming gawin sa mga susunod pang araw. Ang desisyon kong ito ay labis na makaaapekto sa aming mga kailangang gawin, kaya naman mas minabuti ko na lamang ang pag-isipan ko ito nang mabuti – kaysa naman magsisi ako sa huli.
Hindi rin naman nila ako pinilit na magdesisyon nang mabilisan. Hinintay talaga nila akong sabihin sa kanila kung ano ang aking mga gagawin, at kailanman ay hindi nila ako tinatanong kung ano man ang aking nais na gawin sa mga bagay na aking nalaman.
Kailanman ay hindi nila ako pinilit na magsabi agad kung ano man ang aking mga desisyon, at habang ginagawa nila iyon, si Linnea ay taos pusong pumayag na rito muna kami sa kaniyang tahanan manatili habang hindi pa buo ang aking desisyon. Siya pa nga ang mas lalong nagsabi sa akin na mas makabubuti sa aming lahat kung dito muna kami sa kaniyang tahanan habang hindi pa buo ang aking loob.
Agad din naman na’min iyong tinanggap, sapagkat alam na’min ang kahihinatnan na’min kung pipilitin pa na’min na maghanap ng ibang lugar na matutuluyan. Atsaka, naging malapit na rin kaming lahat kay Linnea at sa katunayan pa nga ay paminsan-minsan kaming natulong sa kaniyang mga kliyente, lalo na si Alana na halos ayaw nang mag-isa lamang si Linnea sa labas ng kaniyang tahanan sapagkat hindi lamang talaga unang beses na mayroong ganoong pangyayari sa kaniyang tahanan.
Hindi lamang iyon ang unang beses na may sumugod sa kaniya, at sa katunayan, apat na beses na atang may nagtangka sa kaniyang saktan siya nitong isang linggo na’ming pananatili sa kaniyang tahanan, kaya naman mas minabuti na lamang talaga na’ming lahat na samahan siya sa tuwing wala kaming gagawin na kahit na ano pa man.
Wala rin naman siyang naging reklamo sapagkat alam niya ang mga bagay na kahihinatnan ng mga nangyayari sa kaniya, at hinayaan na lamang niya kami na gawin ang aming gusto na talagang samahan siya sa kaniyang mga ginagawa – hinayaan na lamang niya kami na sumama sa tuwing may mga taong pumipila sa kaniyang tahanan.
Sa katunayan, bukod sa mga taong bigla na lamang sumusugod sa kaniyang tahanan, wala nang iba pang masamang nangyari nitong mga nakaraang araw. Walang kung ano mang kakaibang nangyari sa aming lahat, ngunit hindi pa rin kami makasisigurado na ganoon pa rin ang mangyayari sa iba pang mga araw.
Hindi kami makasisigurado na walang panganib na mangyayari sa mga susunod pang araw matapos ito, kaya naman sa tingin ko ay kailangan ko na talagang sabihin sa kanila ang aking desisyon. Kailangan ko nang sabihin sa kanila ang mga bagay na nais kong gawin, bago ako lumisan sa bayan na ito – bago na’min muling ipagpapatuloy ang paglalakbay sa mundong ito at muli na’ming hahanapin ang katotohanan.
Mukhang napansin din ni Alana na para bang tahimik ako ngayong umaga, na hindi normal sa akin nitong mga nakaraang araw sapagkat sa tuwing sila ay mag-uusap-usap tungkol sa mga bagay-bagay na kanilang maiisip, ako ay laging nakikisama at nakikisabay sa kanilang tawanan at minsan pa nga ay ako ang nagsisimula ng pag-uusap na iyon, ngunit ngayon, ako ay nananahimik sapagkat hindi ko alam kung magiging tama ba na ito ang aking desisyon.
Narinig ko na tinawag ni Alana ang aking ngalan, kaya naman lumingon ako sa kaniya nang may nagtatanong na tingin, ngunit mukhang mas lalo niyang ikinabahala iyon sapagkat nakita ko ang nag-aalalang kislap sa kaniyang mga mata – nakita ko na para bang nag-alala siya nang dahil sa aking mga inaakto ngayon.
“May problema ba? Parang tahimik ka ngayon.” Binigyang pansin niya ang bagay na alam kong mapapansin talaga niya sapagkat hindi talaga sanay ang mga kasama ko na ako ay nananahimik. “Nagtatawanan at nag-uusap kami ni Demetrius dito, ngunit ikaw naman ay parang isang litrato lamang diyan na hindi nagalaw at nakatulala lamang sa iyong kinakain.”
Napatingin ako sa mga kasama na’min sa hapag kainan na iyon, at doon ko nakita na para bang nag-aalala sila sa aking inaakto. Si Demetrius ay may kunot sa kaniyang noo at si Linnea naman ay may kalmadong ekspresiyon sa kaniyang mukha, ngunit may pag-aalalang kislap sa mga mata nito.
At oo, sina Demetrius at Alana ay nagkasundo na rin sa wakas. Hindi ko alam kung ano ang nangyari, at hindi ko rin mawari kung ano ang ginawa ni Demetrius upang magka-ayos silang dalawa, ngunit noong isang araw na bigla na lamang nitong sinabi kay Alana na nais nilang mag-usap, para bang wala talagang nangyaring hindi pagkakaintindihan sa kanila at sa tingin ko pa nga ay mas lalo silang naging malapit sa isa’t-isa – na aking labis na ipinagpapasalamat sapagkat hindi ko na mawari kung ano pa ba ang aking dapat na gawin upang sila ay magkaayos.
At ngayon, sila ay nakapag-uusap na nang maayos at hindi na sila nagkakasagutan pa – hindi iyong katulad na pagsasagutan dati, dahil ngayon, ginagawa na lamang nilang biro ang pagsasagutan nila at katuwaan na para bang hindi na nila nais pang magalit sa isa’t-isa.
Hindi ko talaga alam kung ano ang bigla na lamang nangyari sa kanila, ngunit kung ano man iyon, ay ayos lamang sa akin sapagkat nakikita ko na mas lalo talaga silang naging malapit sa isa’t-isa. Hindi na sila kailanman nag-aaway, at naging maayos na ang lahat para sa kanilang dalawa.
Muli akong tumingin sa kanilang lahat nang marinig ko na tinawag ni Linnea ang aking ngalan at nakapagpagising sa aking para bang lumilipad na utak. Iyon ang nanging dahilan upang ituon kong muli ang aking atensiyon sa kasulukuyan, habang sinusubukan kong tanggalin sa aking isipan ang aking pagdadalawang isip tungkol sa aking nais na gawin – tungkol sa aking desisyon na alam kong makaaapekto talaga sa aming mga gagawin sa mga susunod na araw.
“May nais sabihin sa amin, Ambrose?” tanong ni Linnea sa akin sa kaniyang kalmadong boses, na para bang nahinuha na niya ang dahilan kung bakit bigla na lamang ako naging ganito – ang dahilan kung bakit bigla na lamang ako nanahimik.
Tumingin ako sa kaniya, at hindi na niya kailangan pang sabihin sa akin na nalaman na niya kung bakit ako naging ganito. Alam ko nang alam na niya kung bakit ako nananahimik, sapagkat nalaman ko noong mga nakaraang araw na iyon ang kaniyang taglay na mahika.
Nalalaman niya ang iniisip ng tao kung ninanais niyang malaman iyon. Nakikita niya rin ang maaaring mangyari sa mga tao na nasa paligid niya, at iyon din ang dahilan kung bakit napakaraming tao ang pumupunta sa kaniyang tahanan. Iyon ang dahilan kung bakit dinadagsa siya, araw-araw, ng mga taong nais na malaman kung ano ba ang mangyayari sa kanilang hinaharap.
Hindi ko mapigilang hindi mamangha nang malaman ko iyon, ngunit ngayon na alam kong may ideya na siya kung bakit ako nagkakaganito at alam kong ginamit niya ang kaniyang mahika sa akin, para bang pinagsisisihan ko nang may nakilala akong katulad niya sapagkat para bang wala na akong mailihim pa sa kanila.
Sinabihan naman niya kami na hindi niya gagawin iyon sa amin, ang pagbabasa ng kung ano man ang nasa aming isipan, kung hindi naman talaga kailangan, na labis kong ipinagpapasalamat, ngunit ngayon ay tila ba sa tingin niya ay kinakailangan niyang basahin ang aking isipan upang malaman kung bakit ako nagkakaganito.
“Sa tingin ko ay kailangan mo nang sabihin sa kanila, sa amin, ang iyong nais na sabihin, Ambrose,” sambit niya, at alam kong sinabi niya iyon sapagkat patuloy pa rin niyang binabasa ang laman ng aking isipan.
Patuloy pa rin niyang binabasa ang akng mga iniisip, na naging dahilan upang sumama ang tingin ko sa kaniya sapagkat nagtatalo pa talaga ang aking isipan kung magandang desisyon ba talaga na ngayon ko sasabihin ang lahat ng aking balak na gawin sa susunod na mga araw na nandito kami sa bayan nina Linnea.
Nagkibit balikat lamang si Linnea na para bang nais niyang sabihin na wala rin naman magbabago kung ipagpapabukas ko pa ang aking pagsasabi sa kanila ng aking desisyon. Para bang sinasabi niya na ganoon din naman ang mangyayari sa mga susunod na araw, kung hindi pa ako magsasabi ngayon.
Napa-buntong hininga na lamang ako sapagkat alam ko nang ganoon talaga ang mangyayari kahit na ano pa ang aking gawin, kaya naman mas mabuti na lang siguro talaga na ngayon na ako magsabi sa kanilang lahat. Mas mabuti na rin siguro na hindi ko na patatagalin pa ang aking pagsasabi sa kanila.
Humugot ako ng malalim na hininga, bago ko sila tinignan isa-isa at sinabing, “Nais kong sabihin sa inyo ang aking desisyon tungkol sa aking mahika, na hanggang ngayon ay wala pa rin akong ideya kung ano iyon.”
Napaayos naman sila nang upo na para bang inihahanda nila ang kanilang mga sarili sa kung ano pa man ang aking sasabihin, at kung hindi seryoso ang aming pinag-uusapan ay baka napatawa na ako sapagkat ito ang unang beses magmula noong nagkaayos na silang lahat na ganoon ang ekspresiyon na makikita sa kanilang mga mukha.
Ito ang unang beses na nakita kong pare-parehas silang may seryosong tingin sa kanilang mga mukha, habang nakatuon ang kanilang mga atensiyon sa akin na para bang nais talaga nilang marinig kung ano man ang aking mga sasabihin – na para bang hindi nila nais na kaligtaan ang bawat salitang aking sasambitin.
Tahimik lamang silang nakatingin sa akin, habang hinihintay nila ang aking mga sasabihin kaya naman mas minabuti ko nang hindi na patagalin pa ang aking desisyon sapagkat alam ko na na roon sila dedepende. Iyon ang magiging basehan kung ano ang kanilang gagawin sa mga susunod pang mga araw.
“Nais kong manatili muna sa lugar nina Linnea hanggang sa maalala ko nang muli ang aking mahika – hanggang sa magamit ko na muli ito,” sabi ko sa kanilang lahat, at nakita ko na hindi pa rin nagbabago ang kanilang mga tingin sa akin. “Nang sa gayon, sa mga susunod na araw ay magiging ligtas tayo. Hindi na na’tin kailangang lumayo pa at mas makasisiguro tayo na walang kahit na ano pa man ang masamang mangyayari.”
Napatango-tango naman ang dalawa na’ming kasama ni Linnea, na para bang iniisip ng mga ito ang aking mga sinabi. Para bang tinitignan nila ang bawat anggulo na maaaring mangyari kung papayag sila sa aking nais na gawin, habang si Linnea naman ay huminga nang malalim at tumukhim na para bang nais niyang makuha ang aming mga atensiyon.
Nagtagumpay naman siya sa kaniyang ginawa sapagkat napatingin sina Alana sa kaniyang direksiyon, na para bang hinihintay ng mga ito ang kaniyang mga sasabihin at kung papayag ba ito sa aking nais na gawin.
“Sa tingin ko ay maganda ngang gawin ang bagay na iyon,” sambit niya sa amin bilang pagsang-ayon sa aking mga nais na gawin. “Maaari ring dito na lamang kayo manatili habang sinusubukan ni Ambrose na alalahanin ang kaniyang mahika, nang sa gayon ay magiging ligtas talaga kayo sa tiyak na kapahamakan.”
“Ngunit nakasisiguro ba tayong wala ring mangyayari sa lugar na ito?” tanong ni Demetrius sa kaniya, na agad namang sinang-ayunan ni Alana sapagkat alam ng mga ito ang mga maaaring mangyari kung mananatili kaming umaktong para bang walang alam, kahit na hindi naman talaga iyon ang katotohanan. “Alam n’yo naman ang nangyayari sa ibang mga bayan, hindi ba? Maaaring mangyari rin iyon sa bayan na ito kahit na sabihin n’yo pang payapa ang lugar na ito.”
“Masisigurado kong walang mangyayaring masama sa lugar na ito,” sagot ni Linnea sa kaniya, kaya agad na tumuon ang aming tingin sa kaniya. “Nakita ko nang magiging ganito ang desisyon ni Ambrose, kaya naman minabuti ko nang tignan na rin ang magiging kalagayan ng lugar na ito sa mga susunod na araw.”
“At ano ang iyong mga nakita?” Si Alana naman ang nagtanong ng bagay na iyon kay Linnea, kaya naman tumuon ang atensiyon nito sa kaniya nang may kalmadong ekspresiyon sa kaniyang mukha.
“Nasisiguro kong walang kahit na ano pa man ang mangyayari sa loob ng bayan na ito. At walang magtatangkang gumawa ng masama sa mga araw na iyon,” sambit ni Linnea sa kaniya, na naging dahilan upang mapatungo siya na para bang nag-iisip siya kung papayag ba siya sa aking nais na gawin o hindi.
Ganoon na rin ang ginawa ni Demetrius habang ito ay nakatingin sa kawalan, bago ito tumingin sa aking gawi makalipas ang ilan pang mga minuto na silang dalawa ay tahimik lamang na nag-iisip.
“Kung iyan ang iyong nais na gawin, sa tingin ko ay ayos lamang sa akin iyon.” Ngumiti siya sa akin na para bang pinapakita niya sa akin na ayos lamang talaga sa kaniya na kami ay manatili pa sa lugar na ito nang ilan pang mga araw. “Atsaka makatutulong din naman ito sa ating lahat sa mga susunod pang mga bayan na ating pupuntahan sapagkat nasisigurado ko na mas malala pa ang sitwasyon ng mga bayan na iyon kaysa sa bayan na pinanggalingan na’min.”
Matapos sabihin ni Demetrius ang mga bagay na iyon, tumuon na ang aming mga atensiyon kay Alana, na nag-iisang tao na hindi nagsasabi ng kaniyang saloobing tungkol sa mga bagay na nais kong gawin sa mga susunod na araw. Siya na lamang ang hindi nagsasabi kung sang ayon ba siya sa aking balak na gawin o hindi.
Mukhang naramdaman niya ang pagtitig na’min sa kaniya sapagkat tumunghay muli ang kaniyang ulo at ipinalibot niya ang tingin sa aming lahat. Mukhang nahinuha na rin niya kung bakit kami ganoon na lamang makatingin sa kaniya, sapagkat siya ay napabuntong hininga na para bang alam niya na nais na’ming marinig kung ano man ang kaniyang sasabihin tungkol sa bagay na ito.
Huminga siya nang malalim, bago niya sinabing, “Kung sa tingin mo, iyan ang mas makabubuti para sa iyong sarili, ayos lamang sa akin iyon.” Lumaki ang aking ngiti nang marinig ko iyon mula sa kaniya, at nakita ko ang pagtuon niya ng pansin sa akin. “Basta’t nais ko lang na malaman mo na ginagawa ko ito sapagkat alam kong magiging malaking tulong sa atin ang iyong kapangyarihan.”