Kabanata 25

2418 Words
“Ambrose!” Narinig ko ang pagsigaw ni Alana nang makita niya kung paano ako nabuwal sa aking kinatatayuan nang dahil sa labis na pagod na aking nararamdaman. Ako naman ay hindi makatingin sa kaniya sapagkat habol ko ang aking hininga sapagkat tila ba naubos ang aking lakas nang dahil sa aking mga ginawa. Naririnig ko ang nagmamadaling yabag ni Alana papunta sa akin, ngunit hindi ko iyon pinansin sapagkat sinusubukan ko pa ring pakalmahin ang aking sarili. Sinusubukan ko pa ring gawing normal ang aking paghinga sapagkat tila ba ang aking mga ginagawa kani-kanina lamang ay sapat na upang maging ganito ako ngayon. Ilang araw na kasi ang lumipas matapos na’ming mapagpasiyahan na kami ay manatili muna sa bayan nina Linnea, at sa mga araw na lumipas na iyon, sinusubukan ko ang lahat nang aking makakaya upang maibalik ko na ang aking mahika sa akin. Ilang araw na rin akong naririto sa parte ng bayan na ito na walang masyadong tao ang dumaraan o di kaya naman ay nananatili, sapagkat hindi ko nais na maging sagabal sa kanila, ngunit sa mga araw na nagdaan na ‘yon, wala pa ring nangyayari sa akin. Hindi pa rin bumabalik sa akin ang aking kapangyarihan, kahit na ano pa ang aking gawin – kahit na ano pa ang aking gawing pilit. Hindi ko alam kung ano ba dapat talaga ang aking mga hakbang na gagawin kaya naman ginawa ko ang mga bagay na sa tingin ko ay makatutulong sa akin, ngunit hindi iyon nagtagumpay at mas lalo lamang akong nahihirapang ibalik ang aking mahika sa akin. Walang nangyayari sa aking mga ginagawa upang maibalik ko na ang aking kapangyarihan, ngunit nakatulong iyon upang ako ay mas lumakas – upang ako ay mas lalong maging handa sa mga maaaring mangyari – ngunit kahit na sa gayon pa man, alam ko na sa aking sarili na kailanman ay hindi ito magiging sapat. Kailanman ay hindi magiging ayos lamang sa akin kung ako ay mas lalakas pa, sapagkat wala rin namang magagawa iyon kung hindi ko magagamit ang aking mahika. Walang magagawa ang pagpapalakas ko, kung hindi ko rin naman mapo-protektahan ang mga taong naging malapit na sa aking puso – hindi ko magagawa ang aking mga dapat na gawin kung hindi ko rin naman magagamit ang aking mga mahika. “Hindi ba’t mas makabubuti muna kung ipagsabukas mo na lamang ang iyong pagsubok, Ambrose?” nag-aalalang tanong sa akin ni Alana, ngunit ako ay kaagad na umiling habang iwinawasiwas ko ang aking mga kamay na para bang sinasabi ko na hindi ko gagawin ang bagay na iyon. Umiling pa ako sa kaniya, bago ako determinadong tumingin sa kawalan at sinabing, “Kaya ko pa,” ngunit hinihingal na ako at alam kong sinasabi ko lamang iyon dahil hindi ko nais na sayangin ang araw na ito para lang sa wala. Hindi ko nais na may araw na daraan na wala man lang akong ginawang kahit na ano upang mapagtagumpayan koi to. Hindi ko nais na isipin na daraan ang isang araw na hindi ko nasusubukang gamiting muli ang aking mahika – kahit na hindi ko rin mawari kung papaano ko ba talaga muling maaalala at magagamit ang aking mahikang taglay. “Ambrose, sa tingin ko ay sinasabi mo lamang iyan ngunit hindi ako naniniwala!” Muntikan na akong mapaigtad nang marinig ko ang bigla na lamang pagsigaw na para bang siya ay galit na galit – ang unang beses na ginamit niya ang ganoong beses sa akin – at hindi ko na kailangan pang tumingin sa kaniya upang mahinuha ko na matalim na ang kaniyang titig sa akin. “Ngunit hindi pa ako nakakakalahating araw dito,” bulong ko sa kaniya, ngunit tila ba hindi niya iyon nagustuhan sapagkat naramdaman ko ang mahinang pagbatok niya sa akin, na para bang nais niyang magising ako sa katotohanan. Doon lamang ako napatingin sa kaniya at handa na sana akong tignan siya nang masama, ngunit napaiwas muli ako ng tingin nang makita ko kung gaano katalim ang kaniyang tingin sa akin. Doon pa lang sa mga tingin niyang iyon, alam ko nang hindi ko na talaga maipipilit pa ang aking nais na gawin sapagkat alam kong gagawa at gagawa siya ng paraan upang mapatigil lamang niya ako sa aking ginagawa. “Kung gusto mo namang magkasakit ka at hindi na makagalaw pa, sige!” Tuluyan na talaga akong napaigtad nang muli siyang sumigaw sa akin nang pa-galit, at hindi ko na sinubukan pang tumingin sa kaniya sapagkat alam ko nang nakatatakot ang tingin na makikita ko sa kaniyang mga mata. “Pilitin mo ang iyong sarili at tignan na’tin kung anong mangyayari sa iyo nang dahil sa mga pinaggagagawa mo.” Napa-labi ako nang marinig ko ang mga sinasabi ni Alana. Alam ko naman kasi na tama siya nang sabihin niyang magkakasakit talaga ako nang dahil sa aking mga ginagawa, ngunit nais ko talagang madaliin ang pag-alala ko sa aking mahika upang tuluyan ko na iyong magamit sa mga susunod pang mga araw. Gusto ko pa sanang ipilit ang aking nais, ngunit wala na akong nagawa pa nang hilahin ako ni Alana papalayo sa lugar na iyon – na para bang alam na niya na hindi ako makapapayag na basta-basta na lamang kami aalis nang wala akong nagagawang kahit na ano upang muling sumubok kung magagamit ko na ba talaga ang aking mahika. “Hindi ko nais na hilahin ang walang malay mong katawan hanggang sa tahanan ni Linnea sapagkat kahit na malapit lamang ang lugar na ito sa kaniyang tahanan, alam ko na mahihirapan pa rin ako kung gagawin ko iyon.” Nagpatuloy sa pagsasalita at pagsasabi sa akin si Alana ng mga salitang parang lumalabas lamang sa aking kabilang tainga sapagkat nais ko pa rin talagang mas tumagal pa sa lugar na iyon upang subukin kung may magagawa pa ba akong bagay para sa aking kapangyarihan – kahit na tila ba nagawa ko na talaga ang lahat para sa aking sarili. Muli akong napa-buntong hininga habang nagpapatuloy si Alana sa pagsasalita ng mga bagay na alam ko nang dapat kong pakinggan, ngunit hindi ko magawang pakinggan siya sapagkat puno ang aking isipan ng mga bagay na maaari ko pang gawin upang magamit ko nang muli ang aking kapangyarihan. Gusto ko talagang malaman kung paano ko na iyon magagamit sa lalong madaling panahon, sapagkat sa mga sinasabi pa lamang nina Linnea at Alana sa akin, alam ko nang marami talagang naghihintay na panganib sa aming lahat. Alam ko nang ang mga panganib na iyon ay malulutasan lamang kung gagamitin ko ang aking kapangyarihan. Ngunit, mukhang hindi talaga naaayon ang lahat sa akin sapagkat kahit na ano talaga ang aking gawin, wala pa ring nangyayari sa akin. Hindi ko nararamdaman ang mga bagay na sinasabi sa akin nina Alana nitong mga nakaraang araw, na para bang mararamdaman ko talaga na may kapangyarihang dumadaloy sa aking dugo at iyon ang indikasyon na ako talaga ay tuluyan nang nakagagamit ng aking mahika. Araw-araw kong pinakikiramdaman ang aking sarili, kung nakararamdam ba ako ng bagay na katulad noon, ngunit kahit na ano ang aking gawin at kahit na ano man ang aking pilit, parang wala talaga at hindi ko mawari kung bakit nagiging ganoon ako – kahit na ginawa ko naman na ang lahat ng sa tingin ko ay makatutulong sa akin. “Wala ka ba talagang ideya kung paano kong muli maibabalik ang aking mahika?” pabulong na tanong ko kay Alana, na nakapagpatigil sa kaniyang paghila sa akin bago siya napatingin sa aking gawi. Napa-buntong hininga siya at muling naglakad, habang hawak-hawak niya ang aking braso na para bang natatakot siya na tatakbuhan ko siya kung hindi niya gagawin ang bagay na iyon sa akin. Umiling-iling pa nga ito bilang pagsagot sa aking tanong, na inaasahan ko na ngunit hindi ko pa rin mapigilan ang aking sarili na manlumo at mapa-buntong hininga. “Hindi ko rin alam kung papaano mo maibabalik ang iyong mahika,” sabi niya at naririnig ko sa kaniyang boses na para bang nakokonsensiya siya na wala siyang ideya kung paano ko maibabalik ang aking mahika – na naging dahilan upang humugot ako ng malalim na hiniga at tawagin ang kaniyang ngalan. Muli siyang napatingin sa aking gawi nang may nagtatanong na tingin, kaya naman minabuti ko nang bigyan siya ng tipid na ngiti at sinabi ko sa kaniya, “Gagawa tayo ng paraan upang muli ko nang magamit ang aking mahika,” na para bang nais kong pagaanin ang kaniyang loob, at mukhang nagtagumpay naman ako roon sapagkat nakita ko kung paano unti-unting sumilay ang ngiti sa kaniyang mga labi. “Huwag kang mag-alala at hindi ako susuko hanggang sa hindi ko nalalaman ang lahat.” Nakita ko ang panunubig ng kaniyang mga mata, at nais ko sanang punasan iyon ngunit para bang nawalan na talaga ako ng lakas nang dahil sa aking mga pinaggagagawa sapagkat hindi ko na maitaas nang maayos ang aking braso – kaya naman mas minabuti ko na lamang ang mas lalo pang palaparin ang aking ngiti habang nakatingin sa kaniyang mga mata. “Nakagagalak talagang malaman na hindi ka nagbago kahit na hindi mo maalala ang iyong nakaraan,” wala sa sarili niyang sambit sa akin, na mas lalo ko pang ikinangit at ikinailing habang hindi na ako nagkomento pa. “Ngunit, Ambrose…” Napatingin akong muli sa kaniya nang marinig ko na para bang nagbago ang tinig ng kaniyang boses, at hindi ko na kailangan pang malaman na ako ay pagagalitan na naman niya nang dahil sa hindi ko pagtigil sa aking ginagawa, kahit na alam ko nang kailangan ko nang tumigil sapagkat nawawalan na ako ng lakas. “Sana naman ay alam mo kung kailan ka titigil, at kung kailan kailangan mo munang magpahinga,” nangungusap ang kaniyang boses nang sabihin niya ang bagay na iyon sa akin, at hindi ko maiwasang makonsensiya sapagkat alam kong nag-aalala siya sa aking kalagayan. “Sana naman ay huwag mo masyadong puwersahin ang iyong sarili, dahil baka mas maging malala pa ang iyong sitwasyon.” Tumango na lamang ako sa kaniya, sapagkat alam ko na may punto naman talaga siya nang sabihin niya ang mga bagay na iyon. Alam ko na kailangan ko ring magpahinga upang hindi na muling mangyari ang bagay na katulad nito sa mga susunod na araw – nang sa gayon ay hindi na sila mag-aalala pa na baka may masamang mangyari sa akin. Sa tingin ko rin ay makatutulong naman talaga na ako ay magpahinga paminsan-minsan, sapagkat alam ko rin sa aking sarili na nakapapagod ang aking mga ginagawa. Alam ko na hindi madali ang aking mga kailangan na gawin, kaya naman sa tingin ko ay mas makabubuti kung pakikinggan ko na lamang siya at hindi na pipilitan pa ang bagay na alam ko namang hindi rin maganda para sa akin. “Nangangako ako na hindi na muling mangyayari ang bagay na ito,” sambit ko sa kaniya, at labis akong nakahinga nang maluwag nang makita ko na napangiti siya matappos kong sabihin ang bagay na iyon. “Pasensiya na, Alana,” paghingi ko pa ng paumanghin sa kaniya, sapagkat naramdaman ko kung paano siya nag-alala sa akin kanina. Umiling-iling siya na para bang sinasabi niya na wala lamang sa kaniya iyon. “Tayo na lamang ay pumasok na muli sa tahanan ni Linnea upang ikaw ay makapagpahinga.” Inalalayan niya ako sa aking paglalakad sapagkat wala pa rin akong sapat na lakas upang maglakad nang ako lamang. “At nang sa gayon, sa mga susunod na araw ay hindi na muling mangyayari ang bagay na katulad nito sa iyo.” Tumango na lamang ako at tahimik na sinasabayan ang kaniyang paglalakad. Hindi na kami muling nag-usap hanggang sa makarating kami sa tahanan ni Linnea, na mayroon na namang napaka-raming tao sa harapan noon. Kinailangan pa nga na’ming hawiin ang mga taong iyon para lamang makadaan kami, at nakaani iyon ng maraming mura at kung anu-ano pang mga reklamo mula sa mga taong matiyagang nakapila sa harapan ng kaniyang tahanan – ngunit hindi na’min iyon pinansin sapagkat normal na lamang sa amin na makakita at makarinig ng ganoong mga bagay mula sa mga taong nakapaligid sa tahanan ni Linnea. Nang mapagtagumpayan na’ming makalagpas sa mga taong iyon, agad na tumayo si Demetrius, na mukhang sinamahan si Linnea ngayon sa harapan ng tahanan nito, at sumunod naman doon si Linnea, kahit na mayroon pa itong kinakausap na sa tingin ko ay isa sa mga mamamayan ng bayan na ito. “Ano ang nangyari?” sabay na tanong ng dalawa, kaya naman nagkatinginan kami ni Alana, bago ko hinayaan na siya na lamang ang magsalita at magpaliwanag kung ano ang nangyari sapagkat alam ko nang pagagalitan lamang ako nitong dalawang ito kung ako ang mangunguna sa pagpapaliwanag kung ano ang tunay na nangyari. Habang sinasabi ni Alana kung bakit akay-akay niya ako ngayon, nakita ko na ang pagkunot ng noo ng mga kasamahan na’min, na para bang hindi nila nagustuhan ang aking ginawa. Nakita ko pa nga kung paano ako binigyan ng matalim na tingin ni Linnea, na naging dahilan upang muntikan ko na akong mangilabot sapagkat para bang para iyon sa tingin na ibinigay sa kain ni Alana. Nakita ko rin kung paano napailing si Demetrius, at bumulong pa ito ng, “Alam ko nang mangyayari ang bagay na ito,” kahit na naririnig naman na’min siya nang maayos at sa tingin ko rin ay nais din niya iyong iparinig sa aming mga kasamahan sapagkat napatingin sina Alana at Linnea sa kaniyang gawi. Nagkibit balikat lamang ito nang makita niya na para bang pinag-aaralan siya ng dalawang babae na kasama na’ming dalawa, at si Linnea naman ay napailing nang dahil sa kaniyang ginawa bago ito huminga nang malalim at humarap muli sa aking direksiyon. Tumingin siya sa aking mga mata, bago niya sinabi ang mga bagay na sa tingin ko ay labis talagang makatutulong sa akin upang mapadali ang aking paggamit muli ng aking mahika – ang mga bagay na naging dahilan upang para bang magningning ang aking mga mata sapagkat nakita ko iyon bilang aking pag-asa, pag-asa na akala ko ay hindi ko na makikita pa. “May kakilala akong makatutulong sa iyo upang magamit mo na muli ang iyong mahika,” sambit niya na nakapagpangiti talaga sa akin. “Siya ang isa sa pinaka magaling na gumamit ng mahika sa lugar na ito, at sa tingin ko ay makatutulong talaga siya sa iyo upang maalala mo nang muli ang iyong kapangyarihang taglay.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD