Napagkasunduan na’min ni Linnea na pupuntahan na’min ang taong kaniyang sinasabi sa oras na ako ay talagang nakapagpahinga na, sapagkat alam niya na hindi pa talaga ako ayos noong umuwi kami ni Alana sa kaniyang tahanan.
Pipilitin ko pa sana siya na makakaya ko namang kausapin ang taong kaniyang sinasabi, ngunit nang marinig ko na sumang ayon silang lahat sa kaniyang mga sinabi, hindi na lamang ako nagsalita pa at nagpaubaya na lamang. Hindi na ako nakipagtalo pa sa kanilang dalawa at hinayaan na lamang sila sa kanilang napagkasunduan.
Isang araw din nila akong pinagpahinga bago sila pumayad na talagang makakaya ko na at hindi ko na kailangan pa ng kahit na ano pa mang suporta, ngunit kinailangan ko pang mangako sa kanila na hindi na muli mangyayari ang bagay na nangyari noong nakaraang araw at agad kong sasabihin sa kanila kung nararamdaman ko nang para bang napapagod na ako sa aking mga pinaggagagawa.
Nais ko sanang sabihin sa kanila na hindi na ako bata upang paalalahanan pa ako nang ganoon, ngunit hindi ko na rin sinabi iyon sapagkat alam ko namang matatalo lamang ako sa tatlong iyon. Alam ko na pangangaralan lamang nila akong lahat, kaya naman mas minabuti ko na lamang ang sumang ayon sa kanilang mga sinasabi para hindi na kami magtatalo-talo pa.
Sa ngayon, hinihintay ko na lamang si Linnea na makababa mula sa kaniyang silid upang makita ko na kung sino ang taong sa tingin niya ay makatutulong sa akin. Nais din na sumama ni Demetrius, na kaagad namang pinayagan ni Linnea sapagkat sa tingin niya ay wala namang mali kung sasama siya sa amin – sa tingin niya ay ayos lamang kung si Demetrius ay malalaman din kung sino ang taong kaniyang binabanggit.
Si Alana naman ay magpapaiwan sa tahanan ni Linnea upang siguraduhin na walang mangyayari na kahit na ano sa loob ng kaniyang tahanan. Nais pa sana nitong sumama sa amin, ngunit sinabi ni Linnea na mas makabubuti kung may maiiwan na isa sa amin upang masigurado na’min na walang kung sino man ang makapapasok sa kaniyang tahanan – sapagkat marami pa rin ang nagagalit sa kaniya nang dahil sa kaniyang mga sinasabing pangitain para sa mga taong ito.
Wala nang nagawa pa si Alana kung hindi ang pumayag sapagkat alam din naman niya ang panganib na kinahaharap ng kaniyang kaibigan, at sinabi na lamang niya sa amin na sana ay talagang mapagtagumpayan na’min ang aming pakikipag-usap sa taong iyon upang mas mapadali pa ang aming mga kailangan na gawin – upang tuluyan ko nang malaman kung papaano ko muling magagamit ang aking mahika.
Ilang minuto pa ang aking hinintay bago ko nakita na pababa na ng hagdanan si Linnea – na may kalmado pa ring ekspresiyon sa kaniyang mukha na para bang hindi na talaga mababago iyon.
Si Demetrius naman ay lumabas na ng kusina na para bang naramdaman niya na sa wakas ay nakababa na rin si Linnea mula sa kaniyang silid – at hindi ko na kailangan pang magtaka kung ano ang ginawa ni Demetrius sa kusina sapagkat nakita ko na para bang ngumunguya pa siya, na nakapagpailing sa akin ngunit wala na akong sinabi pa sapagkat normal na lamang sa amin na makita siyang ganoon.
Kaya naman imbis na pagtuunan ito ng pansin, mas pinili ko na lamang na hintayin si Linnea na makarating sa aking kinaroroonan, habang si Alana ay tumabi sa akin na para bang nais niyang makita na umalis kami bago niya gawin ang mga bagay na kailangan niyang gawin ngayong araw na ito.
Nang makarating si Linnea sa aming kinaroroonan, ipinalibot niya ang kaniyang tingin na para bang nais niyang makita na kami ay handang-handa na sa pagkausap sa taong tinutukoy niya noong nakaraang araw pa.
“Hindi ko maipapangako na magiging madali ang pakikipag-usap sa kaniya,” sambit niya sa aming lahat – na inaasahan ko na sapagkat alam ko nang wala naman talagang magiging madali sa mga bagay na aming mga ginagawa. “Ngunit kahit na iyon na nga ang maaaring mangyari, alam ko rin naman na hindi na’tin hahayaan ang pagkakataon na katulad na ito upang malaman na’tin kung makatutulong ba talaga siya sa muling paggamit ni Ambrose sa kaniyang mahika.”
“Ipinapanalangin ko na sana ay mapagtagumpayan ninyo ang inyong pakikipag-usap sa taong iyong tinutukoy,” sabi ni Alana sa aming lahat, at kami naman ay tumango lamang sa kaniya sapagkat alam na’min sa isa’t-isa na iyon din ang nais na’min na mangyari – iyon din ang aming inaasahan upang mapadali ang aking paggamit ng aking nakalimutang mahika.
“Kung gayon ay sa tingin ko’y kailangan na na’ting umalis upang agad na’tin siyang makita at makausap.”
Nauna nang lumabas si Linnea sa kaniyang tahanan, at sumunod naman sa kaniya si Demetrius na tahimik lamang, hanggang sa kami na lamang dalawa ni Alana ang natitira sa loob ng tahanan ni Linnea.
Tumingin ako sa kaniya, kaya naman binigyan niya ako ng isang tipid na ngiti, bago niya sinabi sa akin, “Mag-iingat kayo roon,” kaya naman hindi ko na napigilan ang aking sarili na guluhin ang kaniyang buhok – na para bang nangangako ako na mapagtatagumpayan na’min ang aming balak.
“Ikaw rin ay mag-iingat dito sa loob ng tahanan ni Linnea,” sabi ko sa kaniya, bago ako lumayo sa kaniya at tuluyan nang lumabas ng tahanan ni Linnea nang hindi na hinihintay pa ang iba pang mga sasabihin ni Alana sa akin.
Mukhang wala na rin naman siyang importanteng sasabihin kaya mas minabuti ko na lamang na sundan na sina Linnea upang mas maaga na’ming makauusap ang taong kaniyang tinutukoy – ang taong sabi niya ay makatutulong sa akin upang muli ko nang maalala ang aking mahika, ang kapangyarihan kong taglay na dati ay inaakala ko ay wala sa aking sarili ngunit nang makita ko ang pangitain na iyon, alam ko na importante iyon at alam kong kailangan ko iyon upang makatulong sa akin sa mga susunod pang mga araw.
Tahimik lamang kaming naglalakad habang si Linnea ang nauuna upang malaman na’min ang daanan papunta kung nasaan man ang taong kaniyang tinutukoy. Pinaghahandaan ko na rin ang aking mga sasabihin upang mapapayag kong talaga ang taong iyon, at para na rin hindi ako maging sagabal kay Linnea, at habang ginagawa ko iyon, ang dalawa kong kasama ay tahimik lamang na nagmamasid sa mga dinaraanan na’min.
“Maraming salamat sa iyong mga nagawang tulong sa amin, Linnea,” sabi ko sa kaniya makalipas ang ilang minuto sapagkat nais ko talagang sabihin sa kaniya ang mga bagay na iyon – dahil alam ko nang napakaraming bagay na ang nagawa niya para sa amin, para sa akin.
Umiling siya sa akin, bago siya bumaling at tumingin sa aking mga mata at sinabing, “Ginagawa ko ang mga bagay na ito sapagkat alam ko naman na hindi iyon mauuwi sa wala. Ikaw ang tinadhana, Ambrose, kaya alam ko na wala lamang ang aking ginagawa kumpara sa mga bagay na magagawa mo para sa mundong ito.” Ngumiti siya nang kaunti sa akin, bago sumeryeso ang kaniyang mukha. “Atsaka, hindi pa na’tin sigurado kung papayag siyang talaga kaya naman ipagpaliban mo muna ang iyong pagpapasalamat sa akin.”
Nang dahil sa kaniyang mga sinabi, naging alerto ako at hindi ko napigilang magtanong sa kaniya ng, “Hindi ba talaga madaling kausapin ang taong tinutukoy mo, Linnea?”
Mukhang napaisip naman si Linnea nang dahil sa aking tinanong sa kaniya, bago siya napahinga nang malalim na para bang hindi niya alam kung sasabihin niya sa amin ang dahilan o hindi, ngunit sa huli, mas pinili niyang sabihin ang mga bagay na naging dahilan upang sabihin niya na baka hindi makakapayag ang taong kaniyang tinutukoy.
“Hindi naman sa ganoon, ngunit masasabi kong mahihirapan tayo sapagkat matagal na panahon na magmula noong huli ko siyang nakita na gumamit ng kaniyang mahika.”
Napatigil ako nang marinig ko iyon mula sa kaniya at hindi ko na napigilan pang magtanong sa kaniya, “Ano ang dahilan kung bakit hindi na niya nais pang gamitin ang kaniyang mahika?”
Alam ko kasi kung gaano kahalaga para sa mga tao rito ang mahika na taglay nila. Alam ko na parang isa iyong parte ng kanilang buhay na hinding-hindi pwedeng mawala – na para bang doon naka-depende ang kanilang buhay – kaya naman hindi ko maiwasang magtaka at magulat na may mga taong katulad pala nila.
Muling napa-hinga nang malalim si Linnea bago siya nagpatuloy sa kaniyang paglalakad. “Sa tingin ko ay hindi dapat ako ang magsasabi ng tunay na dahilan, sapagkat para bang nanghihimasok na ako sa kaniyang buhay.”
Natahimik ako nang sabihin niya iyon sapagkat agad ko nang nahinuha kung ano ang kaniyang nais na sabihin. Alam ko na nais niyang sabihin na napaka-personal ng rason ng taong iyon kaya naman hindi niya nais na manggaling mismo sa kaniya ang tunay na dahilan kung bakit tila ba hindi nito gustong gamiting muli ang kaniyang mahika.
Hindi na ako muling nagtanong matapos noon at sinundan ko na lamang siya nang tahimik. Ganoon na lamang din ang ginawa ni Demetrius hanggang sa tumigil si Linnea sa isang kainan na pamilyar sa akin – ang kainan kung saan ko nakita si Demetrius noong nakaraang araw at nakakita kami ng pag-aaway sa pagitan ng babaeng iyon at no’ng lalaking pilit na hinawakan ang babaeng tinutukoy ko.
“Nandito na tayo,” sabi ni Linnea sa amin, na labis na’ming pinagtaka sapagkat alam kong parehas na’ming inakala ni Demetrius na isang tahanan sa bayan na ito ang aming pupuntahan, ngunit tila ba nagkamali kami sapagkat naririto kami sa harapan ng kainan na aking tinutukoy. “Halina kayo at pumasok sa loob ng kainan na ito upang makausap na na’tin si Mireya.”
Muli akong napatigil nang marinig ko ang pangalan ng taong aming dapat na kakausapin. Hindi ko mapigilan ang aking sarili na mapatingin kay Demetrius sapagkat alam kong iisa lamang ang aming iniisip.
Mireya? Hindi ba’t iyon ang ngalan ng babaeng iyon na basta na lamang para bang binalian ng buto ang lalaking pilit na humawak sa kaniya noong araw na iyon? Hindi ba’t siya ang babaeng iyon na hindi man lang kumurap habang kinakausap niya ang lalaking iyon?
Alam ko na malaki ang tiyansa na siya ang taong tinutukoy ni Linnea, at hindi ko mapigilan ang aking sarili na magtaka kung bakit ang isa taong katulad niya, na sinasabi ni Linnea na isa sa pinaka magaling na gumamit ng mahika sa bayan na ito, ay nananatili sa lugar na katulad ng nasa harapan na’min ngayon.
Tumango lamang si Demetrius sa akin, na para bang nais niyang sabihin na tignan na lamang na’min kung tama ba ang aming nahinuha nang marinig na’min ang ngalan ng taong aming balak na puntahan ngayon, at ganoon din ang ginawa ko sa kaniya, bago ko muling itinuon ang aking tingin kay Linnea, na ngayon ay nagpapalinga-linga sa kabuuan ng kainan na iyon na para bang may hinahanap siyang tao – at sa tingin ko ay si Mireya ang taong nais niyang hanapin.
“Linnea?”
Napatigil lamang sa paghahanap si Linnea nang may tinig na tumawag sa kaniya, at naging dahilan upang sabay-sabay kaming mapalingon sa gawi ng tinig ng boses ng babaeng iyon, at kahit na nahinuha ko nang iisang tao lamang ang Mireya na binabanggit ni Linnea at ang babaeng nakita na’min noong araw na iyon, hindi ko pa rin mapigilan ang magulat sapagkat hindi ko inaasahan na siya ang taong aming sadya para ngayon araw.
Nagtatanong ang tingin nito habang inisa-isa niya kaming tignan, bago niya itinuon ang kaniyang tingin kay Linnea – nang may kunot sa kaniyang noo na para bang hindi niya mawari kung bakit naririto kami ngayon sa kaniyang pinapasukan.
“Ano ang ginagawa mo rito?” tanong nito na para bang hindi niya nais na makita ito.
Hindi naman nagpatinag si Linnea habang kalmado itong tumingin sa kaniya. “Maaari ka ba na’ming makausap?”
Muli siyang tumingin sa aming gawi ni Demetrius, bago siya tumingin muli kay Linnea na hindi pa rin inaalis ang kaniyang tingin sa babaeng nasa harapan na’min ngayon na nagngangalang Linnea.
Alam ko na pinag-aaralan niya at nais niyang malaman kung bakit nais na’min siyang makausap, at alam ko rin na pinag-iisipan niya kung papayag ba siya sa aming gusto, na labis kong ikinakaba sapagkat tila ba hindi niya talaga nais na makausap kami ngayon – hindi niya nais na makita si Linnea ngayon.
Ilang minuto pa siyang nakatingin lamang sa amin, bago ito bumuntong hininga at sinabi sa aming sundan siya – na agad naman na’ming ginawa sapagkat hindi na’min alam kung magbabago ba ang kaniyang desisyon o hindi.
Tinungo na’min ang likuran ng kainan na iyon, kung saan may isang mumunting tahanan sa gilid na napag-alaman kong bahay na tinutuluyan niya ngayon. Pinapasok niya kami roon, bago kami umupo sa mga upuan na naroroon habang siya ay nasa aming harapan.
“Ano ang nais n’yong sabihin sa akin?” tanong niya, na para bang hindi na niya nais pang malaman ang aming ngalan o kung ano pa mang tungkol sa amin at nais na lamang niya na diretsahan na lamang na’ming sabihin ang aming pakay.
Ngunit kahit na sa gayon pa man, hindi pa rin kinaligtaan ni Linnea na ipakilala kaming dalawa ni Demetrius sa kaniya, bago niya sinabi ang aming pakay. Inisa-isa niya ang mga nangyari nitong mga nakaraang araw, nang hindi niya sinasabi ang tunay na dahilan kung bakit nangyari iyon, at nang matapos siya, tumingin siya sa mga mata ni Mireya at basta-basta na lamang sinabi sa kaniya ang tunay na’ming pakay.
“Nais kong tulungan mo siya upang muli niyang magamit ang kaniyang mahika, Mireya,” sambit niya na para bang nais niya itong tumango at pumayag sa aming gusto, ngunit alam ko nang hindi magiging ganoong kadali ang magiging pag-uusap na ito. “Iyon ay kung payag ka na tulungan mo kami sa aming problema sa ngayon.”
Nakita ko kung paano napatungo si Mireya na para bang pinag-iisipan niya nang mabuti ang mga sinabi ni Linnea sa kaniya, at hindi naman kami nagsalita habang hinihintay na’min ang kaniyang sagot – kung papayag ba siyang talaga sa aming nais na gawin.
Hinintay na’min ang kaniyang sagot, ngunit ilang minuto na ang lumipas at hindi pa rin siya nagsasalita.
Hindi siya sumagot, na labis kong ikinabahala.