Kabanata 43

2643 Words
Muling bumalik si Olympus sa kaniyang mga kalakal at ipinagpatuloy niya ang kaniyang pagtitinda, habang kami naman ay nagpaalam na mananatili muna sa isa sa mga kainan na nakita na’min sa bayan na iyon na hindi kalayuan sa kinaroroonan ng pinagtitindahan ni Olympus. “Mamaya ko sasabihin sa inyo ang kinaroroonan ng inumin na iyan,” naaalala kong sinabi niya sa a’min kanina noong pinagtatawag na siya ng mga taong nais pang bumili sa kaniya. “Kinakailangan ko na kasing bumalik sa a’king puwesto at kailangan ko pang ubusin ang a’king mga nakalakal nitong mga nakaraang buwan.” Agad din naman kaming pumayag sapagkat wala na rin naman kaming magagawa kung hindi nag sumunod na lamang. Doon na rin na’ming napagpasiyahan na magpalipas na lamang ng oras sa kainan na ito habang hinihintay na’min siyang matapos – para na rin makapagpahinga kami kahit na papaano at maibalik na’min ang a’ming tunay na lakas. Hindi rin naman na’min alam kung hanggang anong oras mananatili si Olympus sa kaniyang pagtitinda, kaya naman hindi na rin kami nagdalawang isip pa at dito na lamang talaga nagpalipas ng oras. Mukhang pabor din naman iyon kay Demetrius, na ngayon ay kain na naman nang kain na para bang wala siyang kabubusugan. Napansin na din iyon ng a’ming mga kasama, ngunit wala namang sumita sa kaniya… Maliban na lamang kay Alana na inis na nakatingin sa kaniya habang patuloy pa rin siya sa pagsubo ng pagkain kahit na may laman pa naman ang kaniyang bibig. “Hindi ka ba puwedeng maghinay-hinay man lang sa iyong pagkain?” naiinis na tanong ni Alana sa kaniya, at hindi ko maiwasan ang mapa-buntonghininga sapagkat alam ko nang magtatalo na naman silang dalawa kahit na nasa ganitong sitwasyon kami sa ngayon. “Nagugutom ako, Alana,” sabi naman ni Demetrius sa kaniya na punong-puno pa ng pagkain sa bibig, na alam kong mas lalo pang kaiinisan ni Alana. “Huwag kang magulo diyan.” Pinigilan ko ang a’king sarili na mapa-kamot sa a’king ulo sapagkat alam kong mas lalo lamang nainis si Alana sa kaniya nang sabihin niya ang bagay na iyon. Alam ko na mas lalo lamang hindi mapipigilan ang pagsasagutan nilang dalawa. Mukhang ganoon na rin ang nahinuha ng iba pa na’ming kasama sapagkat narinig ko ang malakas na pagbuntonghininga noong dalawa habang tahimik lamang sila sa kanilang kinauupuan, na para bang sinasabi nilang hindi nila nais na pumagitna sa nalalapit na pagsasagutan nitong dalawang ito. “Mauubusan tayo ng pera nang dahil sa kakakain mo,” sarkastikong sabi sa kaniya ni Alana, ngunit hindi naman siya pinansin ni Demetrius at nagpatuloy pa rin ito sa pagkain – na alam kong hindi na magiging maganda ang kahihinatnan nitong pagtatalo nilang dalawa. Napailing na lamang akong muli at hindi na lamang sila pinansin sapagkat alam ko naman nang hindi naman magtatagal at mananahimik din ang dalawang iyon. Alam ko na hindi magtatagal at tatahimik din kami – ipinagdarasal ko na lamang na sana ay hindi ganoong katagal ang kanilang pagtatalo sapagkat hindi ko na alam pa ang a’king gagawin. Ngunit, imbis na isipin ko iyong pagtatalo nilang dalawa, mas pinili ko na lamang isipin ang mga sinabi ni Olympus sa a’min kanina. Mas pinili ko na lamang pagtuunan ng pansin ang mga salitang sinambit sa a’min ni Olympus kanina.  Base pa lamang sa kaniyang mga sinabi at sa kaniyang mga kinilos noong nalaman niya ang tunay na pakay na’min sa bayan na ito, alam ko nang hindi talaga basta-basta lamang nakikita ang inumin na iyon. Hindi naman sa hindi ko inaasahan na may magsasabi sa a’min nang ganoon, ngunit hindi ko pa rin maiwasang makaramdam na para bang hindi talaga ganoong magiging madali ang mapagtagumpayan ang lahat ng pina-plano na’miin. Napatingin akong muli kay Alana, na hindi pa rin natigil sa pakikipagsagutan kay Demetrius, at hindi ko maiwasang makaramdam ng kalungkutan habang pinagmamasdan ko siya – hindi ko maiwasang makaramdam ng tila ba mabigat na damdamin sa loob ng a’king puso. Hanggang kailan ko kaya siya paghihintayin? Hanggang kailan kaya niya makakayang hintayin ako na mapagtagumpayan lahat ng pina-plano na’min? Hanggang kailan ko siyang paasahin na maaari na’min itong mapagtagumpayan? Hanggang kailan ko siya kailangang paramdamin ng labis na kalungkutan? Alam ko na sinabi ko sa kanila na hindi na’min kailangang magmadali, ngunit sa tuwing mapababaling ako sa kinaroroonan ni Alana, at sa tuwing sumasagi sa a’king isipan ang mga bagay na ginawa niya para sa planong ito, hindi ko maiwasang isipin na kailangan ko na talagang maaalala ang lahat – na kailangan ko nang gumawa ng hakbang, kahit na alam kong sa sitwasyon na’min ngayon, wala pa rin kaming laban sa kahit na sino man. Nagising ang a’king diwa nang unti-unting mapatingin si Alana sa a’kin nang may kunot sa kaniyang noo – para bang nagtataka siya kung bakit ganoon na lamang ako makatingin… para bang hindi niya mawari kung bakit mayroon akong ganoong ekspresiyon sa a’king mukha. “May dumi ba sa a’king mukha?” tanong pa niya sa a’kin, kaya naman umiling-iling ako upang sagutin siya – para na rin magising nang lubusan ang a’king diwa sapagkat tila ba hindi ko pa rin maiwasang mag-isip nang ganoon. Humingi na lamang ako ng paumanhin sa kaniya, bago ko sinapo ang a’king ulo na para bang hindi ko na mawari pa kung papaano ko ba aalisin ang lahat nang ito sa a’king isipan – na para bang hindi ko alam kung papaano ko mapagtutuunan nang pansin ang nangyayari sa ngayon. “Masama ba ang pakiramdam mo, Ambrose?” may pag-aalalang tanong ni Alana sa a’kin, na naging dahilan upang mapatayo siya sa kaniyang kinauupuan at lumapit sa a’kin upang mas lalo pa niya akong matignan. Agad ko namang iwinasiwas ang a’king kamay na para bang sinasabi ko na ayos lamang ako, upang hindi na rin siya mag-alala, pati na rin ang mga kasamahan na’ming nararamdaman ko na ang titig ngayon.  “Ayos lamang ako,” sagot ko sa kaniya, bago ako tumingin sa kaniyang mga mata at ngumiti upang hindi na siya mag-alala pa sa a’kin. “May bigla na lamang pumasok sa a’kin isipan kaya naging ganoon ako. Pasensiya na,” muli akong humingi ng paumanhin sa kaniya, sa kanila, ngunit tila ba hindi pa iyon naging sapat sapagkat nakikita ko pa rin ang pag-aalala sa kaniyang mukha. Hindi pa rin sila naniniwala na wala lamang iyon, at alam ko na hindi na lamang si Alana ang magtatanong kaya naman hinanda ko na ang a’king sarili sa kung ano man ang kanilang mga sasabihin – naghanda na ako ng mga palusot na maaari kong masabi sa kanila – ngunit mukhang hindi ko na rin naman iyon kailangang gawin sapagkat ang taong hinihintay na’min ay nakarating na sa kinaroroonan na’min. “Paumanhin kung natagalan ako sa a’king pagbalik,” sambit ni Olympus sa a’ming lahat, at mukhang hindi niya napansin ang mga nagtatanong na tingin nina Alana sa a’king gawi. “Natagalan ako sapagkat may isang mamimili na pinipilit ang kaniyang gusto, kahit na hindi ko naman maaaring payagan iyon.” Napatigil lamang siya sa kaniyang pagsasalita nang mapagtanto niya na may kakaiba sa hangin sa paligid na’ming lahat. Doon siya nagtatakang tumingin sa a’ming lahat, na para bang hindi niya mawari kung bakit tila ba nagbago ang ihip ng hangin sa a’ming paligid. “May… nangyari ba?” hindi niya siguradong tanong sa a’ming lahat, na naging dahilan upang mapahinga ako nang malalim sapagkat alam ko na hindi rin naman siya sasagutin ng mga kasamahan ko. Mukha ring hindi ako hahayaang makatakas ng mga ito sa kanilang mga tanong, kaya naman mas minabuti ko na lamang ang kausapin si Olympus upang kahit na papaano ay hindi lamang sa a’kin nakatuon ang kanilang mga pansin.  “Wala lamang iyon, Olympus,” sabi ko sa kaniya, bago nauna na akong tumayo habang nakatingin pa rin sa kaniya. “Maaari na ba tayong pumunta sa iyong tahanan upang mapag-usapan na’tin ang iyong nalalaman tungkol sa inumin na iyon?” suhestiyon ko, sapagkat nais ko na talagang tanggalin ang pag-aalala ng mga kasama ko ngayon.  Tinitigan ako nang mabuti ni Olympus, na para bang maging siya ay hindi naniniwala sa a’king sinasabi, ngunit imbis na magtanong siya nang tungkol sa mga nangyari, mas pinili na lamang niya ang tumango at tumayo na rin sa kinauupuan niya kani-kanina lamang. “Sundan n’yo na lamang ako papunta sa a’king tahanan,” sambit niya, kaya naman agad akong tumango sa kaniya bago ako muling tumingin sa a’king mga kasamahan at yumukod nang kaunti upang humingi muli ng paumanhin.  “Hindi ko sinasadyang pag-alalahanin kayo,” sabi ko sa kanilang lahat, bago ko sila tinignan isa-isa at binigyan sila ng ngiti. “Huwag kayong mag-alala at wala lamang talaga iyon. Hindi na ninyo kailangan pang mag-alala nang ganiyan.” Nakita ko na hindi pa rin talaga nila nais na pakawalan ako at hayaan akong gawin ang nais ko mang gawin, ngunit wala na rin silang nagawa pa kung hindi ang tumango at napipilitan silang pumayag sa mga sinabi ko. “Pumunta na lamang tayo sa tahanan ni Olympus.” Si Linnea ang nagsabi ng bagay na iyon bago siya nauna nang sumunod sa dinaanan ni Olympus kanina, at ang iba naman na’ming mga kasama ay napipilitan na ring sumunod sa kaniya. Naging tahimik lamang ang a’ming paglalakad hanggang sa tuluyan na kaming makarating sa kinaroroonan ng tahanan ni Olympus. Doon lamang nabasag ang katahimikan na namayani sa a’ming lahat nang sabihin sa a’min ni Olympus na pumasok na sa kaniyang tahanan. Alam ko na nararamdaman niya ang tensiyon sa paligid na’min, kaya naman malaki talaga ang pasasalamat ko na hindi man lang siya nagsabi nang kahit na isang salita tungkol doon. Mukhang nais niya kaming bigyan ng distansiya, at iyon ang nakikita niyang paraan upang gawin iyon. “Maupo na lamang kayo dito,” sambit sa a’min ni Olympus nang tuluyan na kaming makapasok sa kaniyang tahanan, habang nakaturo siya sa isang mahabang upuan na naroroon sa loob ng kaniyang tahanan. May kalakihan din ang tahanan niyang iyon, ngunit hindi iyon kasing laki ng tahanan ni Linnea na umaabot ng tatlong palapag. Simple lamang ang bawat dekorasyon na naroroon, at masasabi mo talagang hindi laging naroroon ang may-ari ng tahanan na iyon sapagkat walang masyadong gamit sa paligid at mayroong mga dumi ang mga kagamitan na nasa a’ming paligid. “Pagpasensiyahan n’yo na lamang ang mga dumi sa a’king tahanan sapagkat hindi pa talaga ako nakapaglilinis magmula noong muli akong nakarating muli sa bayan na ito.” “Ayos lamang sa a’min ito,” sagot naman ni Alana sa kaniya, kaya naman agad na ngumiti si Olympus sa kaniya at tumango bago ito pumunta sa silid na sa tingin ko ay ang kaniyang kusina para siguro kumuha ng maibibigay niya sa a’min. Hindi pa man lumilipas ang ilang mga minuto, muli na siyang nakabalik nang may dala-dalang maiinom na’min, kahit na kagagaling pa lamang na’min sa kainan na iyon. Nagpasalamat na lamang kami sa kaniya, bago na’min siya hinintay na magsalita tungkol sa inumin na iyon. “Maaari ko ba muling makita ang liham na ipinakita n’yo sa a’kin kanina?” sabi niya sa a’min, kaya naman agad kong inabot sa kaniya ang liham na palagi ko nang dala-dala magmula noong ibigay sa a’kin iyon ni Alana. Matagal niyang inobserbahan ang liham na iyon nang may seryosong tingin sa kaniyang mukha, na para bang hindi niya nais na magkamali sa oras na sabihin niya kung ano ang kaniyang nalalaman dito. “May ideya ka ba tungkol sa inumin na iyan?” tanong sa kaniya ni Linnea, na mukhang hindi na makapaghintay na matapos ni Olympus na obserbahan ang liham na iyon. Mukha namang hindi siya pinansin ni Olympus sapagkat patuloy pa rin ito sa pagtingin sa liham na iyon, bago siya nagsalita na sa tingin ko ay kinakausap lamang niya ang kaniyang sarili at hindi kami. “Hindi ako pwedeng magkamali,” sabi niya sa kaniyang sarili sa isang mababang boses, ngunit naririnig pa rin na’min iyon. “Ito ang inumin na nakita kong pinaka pino-protektahan ng mga tao sa bayang iyon.” Agad na nakakuha ng a’king atensiyon ang kaniyang sinabi, kaya naman napatingin ako sa a’king mga kasamahan at tumango kami sa isa’t-isa. Muli akong bumaling sa kaniyang gawi, bago ako nagtanong sa kaniya. “Saan ang bayan na tinutukoy mo, Olympus?” Hindi ko talaga maiwasang makaramdam ng kaba sapagkat hindi ko inaakalang ang mismong lugar na kinaroroonan ng inumin na iyon ang kaniyang nalalaman. Hindi ko inaakalang iyon pala ang kaniyang naisip nang una niyang makita ang liham na iyon. Ibinaba niya ang liham na iyon sa mesa na nasa pagitan na’min, bago siya tumingin sa a’kin nang may seryoso pa ring tingin sa kaniyang mukha.  “Makikita ito sa isang bayan na nakatago sa isla na may kalayuan dito,” sambit niya sa a’min kaya naman agad kaming nagkaroon ng interes tungkol sa lugar na iyon na kaniyang sinasabi. “Ang isla na iyon ay may mga mamamayan na nangangalaga ng inumin na iyan, sa isang kadahilanan na hindi ko naman mawari kung ano.” “Paano makararating sa bayan na iyon?” hindi ko mapigilang itanong sa kaniya sapagkat nais ko na talagang makuha ang inumin na iyon sa lalong madaling panahon. “Paano ko makukuha ang inumin na iyon?” Napahinga nang malalim si Olympus na tila ba hindi niya mawari kung itutuloy pa ba niya ang kaniyang mga sinasabi, ngunit sa huli ay sumuko rin siya at ipinaliwanag na sa a’min nang mabuti ang lugar na kaniyang sinasabi sa a’min sa ngayon. “Maaari kayong sumakay ng bangka mula sa bayan na ito patungo sa isla na iyon,” sabi niya sa a’min, na naging dahilan upang magkatinginan kaming lahat – iisa lamang ang nasa isipan at alam kong iisa lamang ang a’ming sasabihin. Pupuntahan na’min ang bayan na iyon kahit na ano man ang mangyari. Susuungin na’min ang lahat, kahit na walang kasiguraduhan kung mapagtatagumpayan ba na’ming talaga ang pagkuha sa inumin na iyon. Hindi kami susuko hanggang sa hindi pa na’min nakakamit ang nais na’ming makamtan. Mukhang napansin ni Olympus ang emosyon na nasa a’ming mukha noong mga oras na iyon sapagkat narinig ko ang malakas na pagbuntonghininga niya, kaya naman napatingin kaming muli sa kaniyang gawi. “Hindi ganoong kadali ang pagpunta sa bayan na iyon, at kung ako sa inyo, mas pipiliinin ko na lamang ang manahimik at huwag na lamang subuking pumunta sa bayan na iyon,” sambit niya sa a’min, kaya naman nagkatinginan kami sa isa’t-isa. “Wala pang kahit na sino man ang nakabalik nang ligtas sa bayan na iyon.” “Hindi kami magpapapigil kahit na ganoon pa man ang maaaring mangyari,” sabi ko sa kaniya sapagkat alam ko sa a’king sarili na hindi kami magpapapigil kahit na ano pa man ang mangyari – kahit na ang ibig sabihin pa noon ay maaari kami muling makaranas ng kaguluhan. “Kung gayon ay hindi ko kayo matutulungan kung tatanungin n’yo ako kung maaari ko kayong tulungan sa pagpunta sa bayan na iyon.” Iyon lamang ang sinabi ni Olympus, bago ito tumayo sa kaniyang kinauupuan at ikinaway ang kaniyang kamay na para bang sinasabi niya na doon na natatapos ang a’ming pag-uusap. Para bang sinasabi niya na hindi na siya sasagot pang muli kung sakaling kami ay magtatanong pa sa kaniya nang tungkol sa bayan na iyon. “Pakisara na lamang ng pinto ng a’king tahanan sa oras na umalis kayo rito.” Tuluyan na siyang pumasok sa ikalawang palapag ng tahanan niyang iyon, at kami namang magkakasama ay naiwan sa baba ng kaniyang tahanan, iniisip kung nangyari ba talaga iyon o sadyang guni-guni lamang na’min iyon.  Iniisip na’min kung bakit tila ba bigla na lamang nagbago ang pakikitungo sa a’min ni Olympus, kahit na hindi pa naman kami nakapagtatanong sa kaniya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD