Hinintay na’ming umalis ang mga taong nakapaligid sa kaniya, nagbabaka sakali na may alam siya tungkol sa tunay na pakay na’min kaya kami napunta sa lugar na ito, ngunit mahigit isang oras na ang nakalilipas matapos na’ming mapagdesisyunan na hintaying umalis na ang mga taong iyon, hindi pa rin nauubos ang mga taong nakapaligid sa kaniya.
Sa tingin ko pa nga ay mas lalo lamang dumami ang mga taong nakapaligid sa kaniya habang tumatagal na kami ay naghihintay na matapos ang kaniyang pagtitinda. Hindi rin naman kami makalapit sa kaniya sapagkat nawawalan kami ng tiyansang gawin ang bagay na iyon – sapagkat lagi kaming nahaharang ng mga taong pilit na pinagsisiksikan ang kanilang sarili upang makita ang kaniyang mga kalakal.
“Nakapapagod pala itong ginagawa na’tin,” narinig ko na sabi ni Demetrius, at hindi ko maiwasang sumang ayon sa kaniya sapagkat isang oras na rin kaming naghihintay at hindi pa kami sigurado kung ilan pang oras ang kailangan na’ming gugulin upang makausap lamang ang taong iyon na nagngangalang Olympus.
Hindi pa kami nakapagpapahinga sapagkat agad kaming dumiretso sa paghahanap ng kasagutan sa kinaroroonan ng inumin na iyon. Hindi na rin kami nagkaroon ng pagkakataon na maghanap ng matutuluyan sapagkat nais munang maghanap ng a’king mga kasama ng tungkol sa kinaroroonan ng inumin na iyon.
Alam ko na hindi naging madali ang a’ming paglalakbay papunta sa bayan na ito, at hindi rin kami nagkaroon ng sapat na pagkakataon na magkaroon ng sapat na tulog. Hindi pa rin nila lubusang nababawi ang kanilang lakas na ginamit nila noong nakipaglaban sila sa mga kawal na iyon sa bayan ni Linnea.
Nais ko sanang sabihin sa kanila na maghintay pa kami ng ilan pang mga minuto para sa lalaking iyon na si Olympus, ngunit nang humarap ako sa a’king mga kasamahan, tila ba umurong ang a’king dila at nagdalawang isip ako kung iyon ba talaga ang mas mainam na gawin sa ngayon.
Nakikita ko kasi ang pagod sa kanilang mukha habang pinagmamasdan nila ang patuloy na pagdami ng mga tao sa parte ng bayan na iyon, at kahit na pilit nilang itinatago ang kanilang tunay na nararamdaman, alam ko na napapagod na talaga sila at kinakailangan na nilang magkaroon ng sapat na pahinga.
Napa-hinga na lamang ako nang malalim bago ako muling humarap sa kanila upang kunin ang kailang atensiyon, at hindi naman ako nabigo na gawin iyon sapagkat halos sabay-sabay silang bumaling sa a’king gawi nang may nagtatanong na tingin – na para bang hindi nila mawari kung bakit tila ba bigla na namang nagbago ang kinikilos ko.
Hindi naman na sila nagtanong kung bakit bigla ko na lamang kinuha ang kanilang atensiyon at naghintay na lamang sila ng a’king mga sasabihin – na naging dahilan upang mapahinga ulit ako nang malalim sapagkat may pagdadalawang isip pa rin sa a’king isipan kung ito ba talaga ang pinaka mainam na gawin sa ngayon.
Nais ko kasi talagang tanungin si Olympus sa kaniyang mga nalalaman tungkol sa inumin na iyon – kung mayroon man talaga siyang nalalaman tungkol doon – ngunit alam ko rin sa a’king sarili na mas kailangan ng mga kasamahan ko na magpahinga ngayon.
Wala rin naman kasing katiyakan kung hanggang kailan ba magkukumpulan ang mga mamimili na iyon sa paligid ni Olympus, at baka mas lalo pa kaming matagalan sa a’ming paghihintay kung pipilitin pa na’ming makausap siya sa araw na ito.
At kagaya ng sinabi ko kanina, wala rin namang katiyakan na mayroon siyang alam tungkol sa inumin na iyon. Walang katiyakan na ganoon lamang kadali para sa a’min ang malaman ang kinaroroonan ng inumin na iyon.
Atsaka… atsaka, kung si Alana nga ay walang ideya kung saan na’min makikita ang inumin na iyon, ano pa kaya ang isang tao lamang na nakita lamang na’min sa bayan na ito? Ano ba ang magagawa ng pagtatanong na’min sa kaniya, kung maging si Alana na pinagkatiwalaan ko ng liham na iyon ay walang ideya tungkol sa kinaroroonan ng inumin na iyon?
Hindi naman sa minamaliit ko si Olympus, sapagkat sa pagkakasabi pa lamang ni Linnea sa a’min kanina, nahihinuha ko na na isa talga siyang kilalang mangangalakal sa lugar na ito. Nahihinuha ko na na hindi lamang siya basta-basta isang tao lamang sa bayan na ito, ngunit hidni pa rin talaga mawala sa a’king isipan ang pagdududa kung mayroon talaga siyang masasabi tungkol sa inumin na iyon.
“Sa tingin ko ay maaari pa na’ting ipagpa-bukas ang balak na’tin sa bayang ito,” sambit ko sa kanila, na naging dahilan upang kumunot ang kanilang noo na para bang hindi nila mawari kung bakit ko bigla na lamang nasabi iyon.
“Bakit naman kailangan pa na’ting ipagpaliban ang a’ting balak, Ambrose?” tanong sa a’kin ni Alana na para bang hindi talaga niya mawari kung bakit tila ba bigla na lamang ako nagdesisyon nang ganito. “Hindi ba at mas mainam na kung magtatanong na tayo sa kaniya ngayon?”
Napa-buntong hininga na lamang ako nang sabihin niya ang bagay na iyon, sapagkat katulad din niya, ganoon din ang nasa isipan ko kanina… kanina noong hindi ko pa napapansin ang pagod sa mga mukha ng a’king mga kasamahan.
“Oo nga at mas mainam iyon,” sagot ko sa kaniya, bago ko pinasadahan ng tingin ang mga mukha nilang lahat, “ngunit wala tayong katiyakan kung kailan pa siya matatapos sa pagtitinda ng kaniyang mga kalakal.”
“Maaari naman na’tin siyang matapos, kagaya na lamang ng ginagawa na’tin sa ngayon,” suhestiyon naman ni Mireya sa a’min, ngunit kaagad akong umiling sa kaniya sapagkat buo na talaga ang a’king isipan na pagpahingahin muna silang lahat.
“Sa tingin ko ay hindi na kaya ng inyong katawan na maghintay pa nang ganoong katagal.” Muli akong napatingin sa kanilang lahat at doon ko napansin na tila ba sila ay napatigil nang dahil sa a’king mga sinabi.
Hindi naman ako nagpatinag sapagkat kahit na nais kong matapos na agad ang lahat nang ito, mas pipiliin ko pa rin ang kaligtasan ng lahat at magagawa ko lamang iyon kung mas pipiliin kong pagpahingahin muna sila kaysa naman pilitin pa nila ang kanilang sarili – na baka magkaroon ng resulta na magkakasakit silang lahat at hindi ko maaaring hayaan iyong mangyari.
Umiling-iling ako upang ipakita kay Mireya hindi ako sang-ayon na mas lalo pa itong patagalin at nakita ko kung papaano mas lumalim ang gatla sa noo niya, na para bang labis na rin siyang nagtataka kung bakit bigla na lamang ako nagdesisyon nang ganito.
“Kahit na naisin ko mang maghintay pa ng ilan pang mga oras, sa tingin ko ay hindi na iyon magiging maganda para sa a’ting lahat.” Seryoso ang a’king mga tingin habang nagpapaliwanag ako, sapagkat alam ko na hindi naman sila agad na papayag sa a’king mga sinasbai. “Pagod kayo at walang katiyakan kung hanggang kailan tayo maghihintay. Wala rin tayong sapat na tulog at pahinga, at hindi na’tin alam kung ano ang mangyayari kung ipagpapatuloy pa na’tin ito.”
“Sinusuhestiyon mo bang ipagpaliban muna na’tin ang pakikipag-usap sa kaniya?” tanong ni Linnea sa a’kin, kaya naman napatingin ako sa kaniyang gawi bago ako unti-unting napatango sa kaniya.
“Iyon na nga ang a’king sinasabi.”
“Ngunit, wala tayong ideya kung hanggang kailan siya mamamalagi sa bayan na ito.” Napatingin kaming lahat kay Demetrius nang bigla na lamang siya nagsalita nang ganoon. “Mangangalakal siya, at nasisigurado ko na hindi siya namamalagi sa iisang lugar nang gaoong katagal.”
Natahimik naman kaming lahat nang sabihin niya iyon – napapaisip kung ano ba talaga ang mainam na gawin sa mga oras na iyon, sapagkat ako rin ay hindi naisip ang bagay na iyon nang sabihin kong mas piliin na lamang na’min ang magpahinga kaysa ang kausapin siya.
Akmang magbabago na naman ang a’king nasa isipan, ngunit bago ko pa man iyon gawin, napatingin muli ako sa kanilang lahat at doon lamang nabuo ang a’king desisyon. Doon lamang ako naging desidido kung ano ang kailangan na’ming gawin.
“Mag-iisip tayo ng ibang paraan upang makahanap ng impormasyon tungkol sa inumin na iyon,” sabi ko sa kanila, kaya naman agad silang napatingin sa a’kin na para bang hindi pa rin sila kumbinsido sa a’king naging desisyon. “Hindi ko hahayaang may masamang mangyari sa inyo nang dahil lamang sa ganito. Mas mahalaga na may lakas tayo bago tayo muling gumalaw at magpatuloy sa a’ting mga plano.”
Muling namayani ang katahimikan sa a’ming lahat. Ang tanging ingay lamang na naririnig na’min ay ang mga taong nagkakagulo pa rin sa mga kalakal na dala-dala ni Olympus sa bayan na ito. Wala ni isa sa a’min ang nagsasalita, na para bang pinag-iisipan na’min nang mas mabuti kung ano ba talaga ang susunod pa na’ming mga hakbang – iniisip kung ano ang mas mainam na gawin sa sitwasyon na’min ngayon.
Napa-baling muli sina Alana sa a’king direksiyon, at mukhang mayroon na silang sagot sa a’king suhestiyon, ngunit bago pa man nila masabi kung ano ang kanilang desisyon, naputol na agad ang kanilang mga akmang sasabihin nang dahil sa isang tao na bigla na lamang lumapit sa a’ming gawi – nang hindi man lamang na’min namamalayan.
“May kailangan ba kayo sa bayang ito?” biglang tanong ng taong iyon, at nang mapatingin kami sa gawi ng tinig ng lalaking iyon, doon lamang na’min nahinuha kung sino ang bigla na lamang lumapit sa a’min.
Si Olympus iyon, ang taong balak sana na’ming kausapin kanina ngunit nawalan kami ng pagkakataon sapagkat patuloy pa ring nagpupuntahan ang mga tao sa kaniyang direksiyon. Maging hanggang sa ngayon ay nagkukumpulan pa rin ang mga tao sa kaniyang mga paninda, ngunit hindi niya iyon binibigyan ng pansin at nakatuon lamang ang kaniyang atensiyon sa a’min.
Mukhang napansin niya kami na nakatayo lamang sa gilid na iyon at mukhang iyon ang nakaagaw ng kaniyang atensiyon, na naging dahilan upang mapapunta siya sa kinaroroonan na’min at itanong ang bagay na iyon sa a’min.
Akmang magsasalita ako upang sagutin siya – kahit na hindi ko naman mawari kung ano ba ang nararapat kong sabihin sapagkat kasasabi ko pa lamang kanina na maaari naman na’ming ipagpaliban ang pakikipag-usap sa kaniya – ngunit hindi na ako nagkaroon pa ng pagkakataon sapagkat si Linnea na ang nakipag-usap sa kaniya.
“Sa katunayan, ikaw ang pinunta na’min sa bayan na ito,” sabi ni Linnea sa kaniya, na malapit naman talaga sa a’ming pakay sa lugar na ito. “Nais sana na’ming makapagtanong sa iyo upang malaman na’min ang kinaroroonan ng hinahanap na’ming bagay.”
Nakita ko kung paano makatitig sa kaniya si Olympus, na para bang may malalim itong iniisip. Sa tingin ko ay kinikilala niya si Linnea, at noong napagtanto niya kung sino ba talaga si Linnea, bigla na lamang niyang pinitik ang kaniyang daliri na para bang nahinuha na talaga niya kung sino ang nasa kaniyang harapan ngayon.
“Ikaw ba si Linnea?” tanong pa nito kay Linnea, na unti-unting kumunot ang noo na para bang hindi niya mawari kung papaano siya nakilala ni Olympus. “Si Linnea, ang manghuhula ng bayan ng Rever?”
Tumango si Linnea sa kaniya, kahit na para bang nagtataka siya kung papaano siya nakilala ni Olymppus. Hindi na rin niya naitago pa ang pagtataka sa kaniyang mukha, at alam kong kitang-kita iyon ni Olympus na mukhang wala namang pakialam sa nagtatanong na tingin ni Linnea sa kaniya.
“Oo, ako nga iyon,” sagot naman ni Linnea sa kaniya, nang may pagtataka rin sa kaniyang boses. Napapilig pa ang ulo nito habang nakakunot pa rin ang kaniyang noo. “Papaano mo ako nakilala?”
“Paanong hindi?”
Muntik na kaming mapaigtad nang dahil sa lakas ng kaniyang boses. Sa tingin ko pa nga ay mas malakas pa ang kaniyang boses kaysa kay Demetrius – kay Demetrius na nag-iingay lang naman nang ganoon kung hindi siya nabibigyan ng kaniyang pagkain.
“Kilala ka sa buong Llamante dahil sa iyong angking galing!”
“Ngunit, hindi mo naman ako kilala sa a’king mukha.”
Naka-kunot pa rin ang noo ni Linnea na para bang hindi talaga niya mawari kung papaano siya agad na nakilala ni Olympus kahit na hindi pa man siya nakapagsasabi ng kaniyang pangalan. Maging kami ay nagtataka na rin sapagkat alam na’min na may kakaiba rito kay Olympus – ngunit hindi ko naman nararamdaman na ang ‘kakaibang’ iyon ay isang masamang pangitain.
Nakita ko ang unti-unting pagbabago ng ekspresiyon sa mukha ni Olympus at doon ko nakita ang isang ngiti sa kaniyang labi – isang ngiti na para bang sinasabi nito na alam niya ang lahat at walang makapipigil sa kaniyang alamin ang lahat ng kaniyang nais na malaman.
“Ako si Olympus,” sabi niya sa a’min, ngunit hindi ko naman mawari kung ano ang koneksiyon ng pagpapakilala niya sa kaniyang sarili sa a’ming pinag-uusapan sa ngayon, ngunit mukhang iba ang interpretasyon ni Linnea roon sapagkat nakita ko kung papaano nagbago ang kaniyang ekspresiyon sa kaniyang mukha. “At sa tingin ko ay alam mo na ang ibig sabihin ng bagay na iyon.”
May pagtataka sa a’ming mga mukha, maliban na lamang kay Linnea na ngayon ay seryoso nang nakatingin kay Olympus. Nagpapabaling-baling pa nga kami sa kanilang mga gawi sapagkat hindi na’min mawari kung bakit tila ba nagkakainitan silang dalawa – kahit na normal lamang ang piang-uusapan nila kani-kanina lamang.
Mga ilang minuto pa silang naging ganoon, bago napaiwas ng tingin sa kaniya si Linnea – na para bang sumusuko na ito – bago ito nagpakawala ng malalim na hininga.
“Bakit ko nga ba nakalimutan na ikaw si Olympus?”
Muli siyang tumunghay upang tumingin kay Olympus, na ngayon ay may ngisi na sa kaniyang mga labi na para bang ang mga sinabi ni Linnea ay sapat na upang magkaroon ng ganoong ekspresiyon sa kaniyang mukha ngayon.
“Buti naman at alam mo na ang ibig sabihin noon,” sabi naman sa kaniya ni Olympus, at labis pa rin kaming nagtataka sa lahat ng pangyayari sa pagitan nilang dalawa ni Linnea.
Hindi naman kami makapagtanong sapagkat sa tingin na’ming lahat ay hindi ito ang tamang oras upang magtanong sa kanilang dalawa, at sa tingin din na’min ay maipagpapaliban pa naman ang mga tanong na naiwan sa a’ming mga isipan.
Ang natatanging ginawa na lamang na’min ay kuhanin muli ang atensiyon ni Olympus upang makapagtanong, sapagkat naririto na rin naman siya sa harapan na’min. Palalagpasin pa ba na’min ang pagkakataon na makapagtanong sa kaniya?
Marahan akong umubo upang makuha ang kaniyang atensiyon, at hindi naman ako nabigo na gawin iyon sapagkat doon siya napabaling sa a’king gawi nang may nagtatakang tingin – at mukhang ang tingin sa a’king mukha ay naging sapat na upang mapagtanto niya na nawala na sa kaniyang isipan ang kaniyang tinatanong noong lumapit siya sa a’min.
“Mabalik tayo sa a’ting naunang pinag-uusapan,” sabi niya, kaya naman agad kaming umayos ng tayo upang makapag-usap kami nang mas maayos. “Ano nga ulit ang inyong dahilan kung bakit kayo naririto sa bayan na ito?”
Isa-isa niya kaming tinignan na para bang nais niyang malaman kung sino ang sasagot sa kaniya, kaya naman hindi na ako nagdalawang isip pa at agad na nagsalita – ang iba ko namang mga kasama ay nakikinig lamang sa bawat sinasabi ko kay Olympus.
“Sa katunayan, may hinahanap kaming inumin,” sambit ko sa kaniya bago ko ipinakita ang liham na pinaka tatago ni Alana hanggang sa ibinigay na niya sa a’kin iyon. “Ito ang inumin na sinasabi ko.”
Iniabot ko kay Olympus ang liham na iyon, at agad naman niyang tinignan ang inumin na tinutukoy ko. Ako naman ay nagpatuloy sa pagpapaliwanag kung ano ang dahilan kung bakit kami naririto sa bayan na ito.
“Nagba-baka sakali kami na mayroong may alam sa bayan na ito kung saan ba ang kinaroroonan ng inumin na iyon,” pagpapaliwanag ko sa kaniya, habang pinagmamasdan ko ang emosyon na nasa mukha niya ngayon. “Nais din sana na’ming malaman kung mayroon kang alam tungkol sa inumin na iyan?”
Namayani ang katahimikan sa a’ming lahat matapos kong sabihin iyon. Patuloy pa rin na’ming hinihintay ang sasabihin ni Olympus na tila ba natulos na sa kaniyang kinatatayuan habang patuloy niyang pinagmamasdan ang liham na a’king ibinigay sa kaniya.
“Saan n’yo nakita ang liham na ito?” tanong niya, kaya naman unti-unti akong napatingin kay Alana, na siya lamang makasasagot ng katanungan niyang iyon.
“Nasa a’kin na iyan mula noong una pa lamang, at ngayon lamang ako nagkaroon ng lakas ng loob upang tignan at hanapin ang tunay na nilalaman ng liham na iyan.”
Alam ko na binago niya ang kuwento niya tungkol sa liham na iyon, ngunit hindi ko naman siya masisisi sapagkat alam ko na ginagawa niya iyon upang hindi maging sagabal sa plano na’min kung malalaman niya ang tunay na dahilan.
Nakita ko kung paano huminga nang napaka-lalim si Olympus, na para bang hindi niya mawari ang kaniyang sasabihin. Unti-unti pa niyang iniabot sa a’king muli ang liham na iyon, bago siya nag-iwas ng tingin sa a’ming lahat.
“May alam ako tungkol sa kinaroroonan ng inumin na iyan.”
Unti-unting nagkaroon ng pag-asa sa a’king puso nang marinig ko iyon mula sa kaniya, ngunit may nararamdaman pa rin akong para bang may mali pa rin sa kaniyang mga sinasabi – nararamdaman ko na hindi ganoong kadali para sa a’min ang makita ang inumin na ito.
“Sasabihin ko sa inyo ang kinaroroonan ng inumin na iyan… ngunit sa isang kondisyon.”
“Ano iyon?” agad na tanong ko sa kaniya, habang ang mga kasamahan ko ay hinihintay pa ang kaniyang magiging sagot.
“Sa tahanan ko iyon sasabihin sapagkat ang bagay na ito ay hindi basta-basta dapat malaman nang kahit na sino man.”