* * * Hindi pa rin nagigising si Miller. Magdamag nang nasa kanyang tabi si Axel para bantayan siya. Ngunit kahit ilang oras pa man niya ito titigan ay niisang beses ay hindi man lang gumalaw ang nakapikit na mga mata ng lalaki. Sa bawat araw na dumaan ay unti-unti nababawasan ang pag-asa na bitbit ni Axel simula nung araw na bumalik sila sa silid na ito mula sa club na ‘yon. “Hey, it’s been a week. You better up and stop acting weak. It was just… It was just a small knife.” Ito ang sinabi ni Axel kay Miller nung minsang hindi na niya matiis ang damdamin niya. “How ironic for me to say that,” batid niya sa sarili. Napaka-mapanuya naman talaga pakinggan si Axel na mag-alala para kay Miller kung pati siya ay nasa hukay din ang isang paa. Naalis na ang potion sa kanyang katawan sa tulong

