* * * May bagong imbensyon na naman si Paolo. Sabi nga nila, mas madaling maging masama kaysa maging mabuti. Ganito rin ang kondisyon pagdating sa Siyensya. Mas madali ang gumawa ng bagay na makakasira sa iba. Hindi kontento si Paolo sa ginawa niyang mga potion. Masyadong mabagal ang epekto nito at napakaraming proseso pa ang dadaanan bago masawi ang bampira. Halimbawa na lang dito si Axel. Dalawang uri ng nakamamatay na kemikal na ang nasa kanyang katawan, at humihinga pa rin siya. “It’s such a pain in the ass. Do we really have to wait an hour or even months before we could kill anyone?” ito ang mga salitang lumabas sa bibig ni Ronaldo noong bumisita siya sa mansyon ni Paolo. Hindi rin ito lingid sa kaalaman ng mananaliksik. Alam niyang masyadong mabagal ang epekto ng mga imbensyon

