* * * “The Supreme is waiting for you, Gerald,” pagpapaalam ni Axel sa kanang kamay ng leader ng mga alpha vampire. Mansyon na dalawang beses ang laki ng kay Axel at may halos dalawang ektaryang bakanteng lupain sa likod na siyang pinag-eensayuhan ng kanilang mga alpha vampires. Ang tawag sa mga mandirigma nilang mga bampira. Hindi kagaya ng mansyon ni Axel na maliwanag at malungkot, ang mansyon na ito ay malaki at nakakatakot. Napuno ng itim na tinta ang paligid at mapupulang rosas na tila ba nalalanta na. Imbes na puting ilaw ay dilaw ang kanilang gamit na mistulang apoy na ginto. May tatlong palapag ang mansyon. Mula una hanggang ikalawang palapag ay ang lugar para sa lahat. Habang ang ikatlo naman ay ang palapag para sa silid at opisina ng kanilang pinuno na kung tawagin ay Supreme.

