M I L L E R “Third floor, sir.” “Yes… Thank you.” Sumakay na ako ng elevator paakyat. She did not have to tell me which floor is it dahil nakalagay na rin naman ito sa key card na binigay niya sa akin. What is he up to this time? Axel Wesley, I mean. Kung may kailangan siya he could have gone to my house. Or just randomly pop out of nowhere like last time. Hindi ko tuloy maiwasan na isipin na baka may nangyaring masama sa kanya. At sa pagkakataon na ‘to ay hindi na niya kaya pa na bumangon at maglakad para puntahan ako. Bumuntong-hininga ako. Naisip ko lang kasi kung bakit kailangan kong mag-alala sa kanya? Then, I thought that being worried about him is just natural since he is my new source of income now. Ang unfair naman kung bibitinin niya ako bigla pagkatapos niya akong pangakua

