* * * Red Mansion. Sa kabila ng itim nitong kulay at madilim nitong aura ay tinatawag pa rin na Red Mansion ang mansyon na pinamamalagian ng libo-libong mga bampira at ng kanilang Supreme. Libo-libo. Bago pa man nangyari ang pantratraydor ni Ronaldo sa sariling kapatid ay may libo-libong bampira ang mansyon na ito. Alpha, beta, at gamma. Magkaiba man ang kanilang mga antas at abilidad ay lahat sila ay mapayapang namamalagi rito. Naging tuluyan ito ng maraming dayuhan na bampira na bumibisita sa bansa. At pati na rin ng mga bampira na inaabuso ng mga tao at nawalan ng mahal sa buhay at tahanan. Ngunit nang sumiklab ang pagtatangka ni Ronaldo sa Supreme ay nahati ang mga bampira. Si Ronaldo ay isang ambisyosong bampira. Hangad niya ang lahat ng kapangyarihan sa mundo ngunit hindi siya an

