M I L L E R “Huy! Ang lalim naman ata ng iniisip mo?” bulaga sa akin ni Dan. Matatapos na ang shift niya at trenta minuto na ang lumipas nang matapos ang akin. Hindi nga lang ako umuwi kaagad dahil kumain na muna ako. May mga pagkain pa rin kasing natira sa kusina namin kaya kumain na ako habang hinihintay na matapos si Dan. And now that his shift is over and he just got out from the dressing room, nadatnan niya akong nakatulala sa gilid ng front desk ng club. “Inaantok lang ako. You misunderstood it,” I lied. “Kung ganun, bakit hindi ka na lang nauna?” aniya. Bakit nga ba hindi? Maybe because I wanted to stay away from Axel for as long as possible? “Oh. I forgot about that,” pagsisinungaling ko ulit. “Tsk.” Pinitik lang ni Dana ng kanyang dila at nagsimula nang maglakad palabas ng

