* * * “My Lord,” ani ni Axel sa likod ng pinto ng silid ng Vampire Supreme. Malayo man ay rinig pa rin ng Supreme ang boses ni Axel sanhi ng matalas nitong pandinig. “Come in, Archer,” tugon ng Supreme. Archer, ang dating pangalan ni Axel ilang daang taon na ang nakaraan. Isa ito sa tatlong pangalan na papalit-palit niyang gamitin. Archer, Ace, at Axel. As sa bawat henerasyon ay may iba’t iba silang personalidad at propesyon. Ngunit iisa ng sekreto, at ito ang pagiging bampira. Hindi na nagpaligoy-ligoy si Axel sa kanyang pagpasok at kaagad na nagbigy ng impormasyon, “I have talked with the clan leader in Central Visayas. But, he still refused to help us.” “Ano raw ang kanyang rason?” tanong ng Supreme. May matalas na dulo ng mga mata at makapal na kilay si Maximilian. Ang kanyang la

