M I L L E R As soon as I sent him the reply asking when we will meet, the anonymous number immediately responded wanting to meet on a Sunday night. In a fancy restaurant at dinner time. Judgmental na kung judgmental, akala ko na magkikita kami sa isang normal na restaurant lang o kaya sa isang parke. Ang mas malala pa nga ay naisip ko na posible rin na magkita kami sa isang bodega. Sa isang madilim at tagong lugar. Yes, I find my own father untrustworthy to the point na iniisip ko na kaya niya akong gawan ng masama. Nakaya nga niyang iwanan sa akin ang milyon-milyon niyang pagkakautang. Sa saglit na sandali ay kung saan-saan na napunta ang isipan ko. Hindi pa nga ako nakakarating sa mismong restaurant ay para bang gusto ko ng umatras. Konting negatibong marka lang ay pwede kong paikut

