Parang nag-flashback lahat ang nangyari nung gabing iyon. Mahigpit ang kapit ko sa braso ni Ian habang ginigiya niya ako papasok sa malaking french door ng bungalow type na bahay. Napasinghap ako pagdating namin sa sala. May kakaiba sa paligid. Tanda ko ang itsura ng bahay noon. Payak lamang ito at halos walang kasangkapan. Bakit iba ata ang nakikita ko ngayon? "Bakit--" "I renovated the house two days ago. You can still smell the fresh paint, can't you?" Indeed. Naaamoy ko nga ang bagong pintura. Ang sala na natatanawan ko ngayon ay kabaligtaran sa natanawan ko noon. Halos kompleto ng kasangkapan ang sala. Isang kulay itim na sala set na de salamin ang center table. May LED TV, Dvd component, at air conditioner! "You painted the whole house?" "Actually, hind

