Sakit agad ng ulo ang una kong naramdaman pagkamulat ko sa aking mga mata. Ano ba ang nangyari? Hindi pamilyar ang lugar na kinalalagyan ko ngayon. Agad ang pagbangon ng kaba sa aking dibdib at napatuwid ako ng upo. Hinihila ko ang aking dalawang kamay na nasa aking likuran ngunit hindi ko ito mahila. Nakalitaw na kasi ang aking hita at ang manggas ng aking dress ay nahulog na sa aking balikat. Pero kahit anong pilit kong hila at piglas ay hindi ako makawala. Nakagapos ang mga kamay ko sa poste ng kama! Nasa ibabaw ako ng isang hindi kalakihang kama. Sumibol ang takot sa puso ko. Sino-sino ang mga kumuha sa akin? Ano ang intensyon nila? Nasaan ako? Hindi ko matantya ang oras. Mukhang nasa isang rest house ako malayo sa siyudad ng Davao. Madilim pa sa labas at kita k

