Sa hapag-kainan ay wala kaming imikan habang kumakain. Magkaharap kaming dalawa ngunit pakiramdam ko ay parang nag-iisa lamang ako. Ni ang sulyapan ako ay hindi niya ginagawa. Natural lamang itong kumakain at binabalewala ang presensya ko. Tanging ang tunog mula lamang sa mga kubyertos namin ang gumagawa ng ingay. Tumikhim ako. Nakakabingi ang katahimikan. "Salamat sa pagpapatira mo sa akin dito ha." "You're welcome." he answered without looking at me. Lumabi ako. Ang cold niya talaga. Nasaan na yung Ian ko noon na laging nakaalalay sa akin? Ang Ian ko noon na laging nakamata sa bawat galaw ko? Ang Ian ko noon na gustong gustong hinahawakan ako at halos ayaw ng bumitaw? Bakit ngayon, ni pagtapon ng sulyap ay hindi niya ginagawa sa akin! "Ang ganda ng baha

