"But.... But Mom, ano pong gagawin ko dun? Saan ako titira? Di ba binenta na natin ang mga bahay natin sa Cebu at Davao?" Natilihan ako sa pahayag ng aking magulang. I never see this one coming. Ang plano ko ay maghahanap ng trabaho pagkatapos kong makapagpahinga ng ilang linggo. Hindi ko akalain na may plano na pala silang ganito. Pero bakit naisipan nilang pabalikin ako sa Pinas? "Madali kang makakahanap sa Pinas anak, kung trabaho lang din naman ang hanap mo." sagot sa akin ni Mommy. "Anyway, three months ka lang din naman doon. We'll see kung makakaya mo bang mag-isa or kung magbubunga ba ito ng maganda." dagdag pa nito. Naningkit ang mata ko. Bakit pakiramdam ko may ibang kahulugan ang mga salita ni Mommy ngayon? "Di ba anak, balak mong magtayo ng Art

