Chapter 39 Raven’s PoV “Oo pero alam mo ba. . . Rav, nabuntis mo ‘ko ‘non—” Parang huminto ang oras at tumigil ang mundo nang marinig ko iyon mula kay Trish. Hindi ko yata mapaniwalaan ang sinabi niya. “No way, Trish. may . . . may anak tayo?” Bago ko pa matapos ang itatanong ay nauna pang tumulo ang mga luha ko. Hindi ko mapaniwalaan. Parang panaginip; malungkot, masayang panaginip. Hindi niya ako masagot. Agad akong bumangon at hinarap siya. “Bakit ba? Ano bang nangyari? Just fvcking tell me, Trish.” Gustuhin ko man maging kalmado pero tumataas ang dugo ko. I’ve never been so frustrated like this before. “Meron,” sagot niya. Iyon lang. Lalong nagpatindi ng kagustuhan kong marinig pa ang tungkol sa anak namin pero ayaw niyang magsalita. Napakuyom na lang ako ng kamao at huming

