Chapter 40 Trisha’s PoV “Patay na ang anak natin! Kasalanan mo! Kasalanan mo ‘yon! Pinatay mo siya!” Hindi ko na napigilan ang pag bulsok ng damdamin. Ilang taong dinala sa aking puso ang bigat. Noong araw kasi na ‘yon, noong binigay ko ang virginity ko kay Raven, nakatanggap ako ng sandamakmak na text, missed calls, at voice messages na hindi ko nasagot dahil nakapatay ang cellphone ko at buong magdamag kong kaniig si Raven. Nakalimutan ko lahat. Pati na si Mama Len. Tapos na ba ang program, Nak? Nasaan ka na, Anak? Sabi mo pagkatapos ng grad ball, uuwi ka na? Saan ka na, Anak? Wait kita sa garden. Nak, gabi na? Hindi pa rin ba tapos grad ball? Nak, magreply ka kahit isa. Nak, sunduin na kita. Bawat thirty minutes ay mayroon siyang text sa akin at may missed call. Napakara

