Chapter 7
Raven's Pov
“Sarap ng sx natin kagabi. Tamang tama, dalawa lang tayo ngayon,” bulong ko sa tenga ni Trish nang dalawa na lang kami sa bahay naiwan.
Kinabig niya ang balikat ko para bigyan ko siya ng daan. Ngunit hindi ako nagpatinag. Nanatili lang ako sa aking kinatatayuan at imbis na payagan siyang makalusot ay hinablot ko ang pulsuhan niya.
“Saan ka pupunta?” malumanay kong tanong.
“Sa impyerno!” hiyaw niya sabay bawi ng kanyang pulsuhan.
“Galit na galit?” pang uuyam ko sabay ngiti ng nakakaloko.
Isang malutong na sampal tuloy ang natikman ko. Bagamat ito naman talaga ang gusto ko, ang magalit siya, hindi pa rin maibsan ang nag uumapaw kong galit.
Muli kong hinablot ang pulsuhan niya at wala siyang nagawa nang kinaladkad ko siya papuntang kama. Nang marating namin ang queen size bed ay walang awa ko siyang tinulak kaya siya ay napahiga. Agad akong pumatong sa kanya para hindi na siya maka- kawala sa akin.
Alam niyang malakas ako, mas agresibo kaya hindi na siya nanlaban pa.
“Hindi naman masyadong makapal ang pagmumukha mo, at ikaw pa talaga ang galit–”
“Bakit hindi!” sigaw niya at tinulak ako. Kapwa na kami naka-upo at sa sobrang galit niya sa akin ay sinampal na naman niya ako.
Sesegundahan na naman niya ng isang sampal at hindi na ako nakapag timpi pa. Bago pa lumapat ang palad niya sa aking pisngi ay hinuli ko na ang pulsuhan niya.
“Pinagbigyan na kita. Sumosobra ka naman yata. Do not cross the line–”
Nanggagalaiti ang aking tono sa galit.
“Masakit ba? Kulang pa ‘yan.”
Hindi ko nagustuhan ang sinabi niya kaya pumaibabaw ako sa kanyang kandungan. Kinulong ang mga hita niya sa pagitan ng mga hita ko pagkatapos ay mahigpit na kumapit sa magkabila niyang balikat.
“Bakit mo ba ‘ko sinasaktan? Bakit ikaw pa ang galit? Ano bang atraso ko sa’yo? Huh! Bakit! Bakit si Trish pa!”sigaw ko at kung pwede ko lang sana siya saktan ng pisikal.
“Hindi mo alam? Pwes, mabaliw ka sa kakaisip!”
Natigilan ako sa sinabi niya. Ano bang ibig niyang sabihin? I looked into her eyes intently. “Wala akong idea. Why won't you tell it straight to my face now?”
Napa irap lang siya. Walang balak na sagutin ang tanong ko.
“And whatever your b*llsh*t reason is, kailangan ba, ganito ang ganti niyo sa akin? Kung may atraso man ako, you could have just file a case against me. Ipahuli mo ako sa pulis, rot me in jail. But not like this. Ano ba kasing putanginang ginawa ko sa inyo!”
Napipikon na ako sa kanya. Wala man lang siyang ni isang sagot sa dami ng sinabi ko. She's just glaring at me. Nababaliw na ako sa titig niyang parang ang sama ng tingin sa akin. I don't know what's going on with her mind. Nakaka frustrate. Ano ba kasing kasalanan ko?
“Bakit ba ayaw mong magsalita? Kasi wala naman. Wala naman talaga akong kasalanan. You just hate me for no apparent reason.” Pinilit kong maging kalmado kahit na nanggigigil na 'ko. Nafu-frustrate. “Alam mong mabuti akong tao, wala akong inaagrabyado. Wala akong tinatapakan. Ano ba talagang problema mo sa'kin?”
“Bahala ka–”
Tinulak niya ang dibdib ko at hindi naman ako papayag ng gano'n na lang. “Sige kung ayaw mong sabihin, let your body do the talk.”
Dahil kapwa naman kami nasarapan sa ginawa namin kagabi, muli, hindi namin mapigilan ang tawag ng laman. Sa hindi inaasahan, may nangyari ulit sa amin at hindi ko iyon pinagsisisihan. Mukhang si Trish din naman. Hindi na siya nanlaban pa. Ang malakas niyang ungol ang matibay na ebidensya.
Pagkatapos ng nag aalab naming pagtatalik, mabilis na pumunta si Trish sa shower room para linisin ang sarili. Alam kong ayaw niyang mahuli kami ni Zebbie. Habang nagbibihis siya ay naka-upo lang ako sa gilid ng kama at pinapanood siyang magbihis.
“Bakit ka nagmamadali? Natatakot kang mahuli tayo ni Zeb? Di ba ito naman ang gusto mong mangyari? Di ba ito talaga ang plano mo? Why change of mind?” tanong ko habang nakangisi.
“Magbihis ka na. Darating na si Zeb,” iyong lang ang sinabi niya.
“Sino ba talaga ang pinaghihigatihan mo? Ako o si Zeb?”
“Dalawa kayo,” diretsahang sagot niya. Alam kong totoo yun. Sige lang. Mukhang may plano pa siya at gusto pa niyang makipaglaro. Pagbibigyan ko siya. Umalis na ako ng guest room at nagpunta ng kusina. Magluluto ng tanghalian dahil tanghali na at naka-ilang rounds din ako kay Trish kaya nakakapagod at nakaka gutom.
Binuksan ko ang ref para kumuha ng mga sangkap na lulutuin. Punong puno ang ref. Saganang sagana ang pamumuhay ni Zeb, mukhang hindi nawawalan ng pagkain sa mesa. Of course, well-provided ko si Zeb. Mas sinuportahan at ginastusan ko pa si Zeb kaysa sa pamilya ko.
Imbis na manggalaiti na naman sa galit ay idadaan ko na lang sa pag kain. Inilabas ko ang chicken. Yun lang. Isa lang sana ang lulutuin ko pero kasama ko nga pala si Trish kaya apat na ang lulutuin ko. Apat dapat.
Nagsimula na akong gumawa ng batter ng crispy fried chicken. Habang nagpi-prito ako ay dumating si Trish. Alam kong naamoy niya ang fried chicken na niluluto ko.
“Kain,” yaya ko.
“Bibili na lang ako,” sagot niya.
“Bakit pa? Apat naman itong niluto ko. Halika na. Umupo ka na, samahan mo 'ko kumain.
Bagamat nahihiya siya ay umupo siya sa parihabang mesang kasya ang apat. Nakita niyang wala pang nakalatag na mga plato at kubyertos. Tatayo na sana siya nang pinigilan ko siya. “Ako na,” ang sabi ko.
Ako na ang naghanda ng lahat at nagsimula na kami kumain. Tahimik lang siya. Tahimik kaming kumakain ni Trish ng fried chicken. Ang tunog lang ay ang langitngit ng balat sa bawat kagat ng pinagmamalaki kong crispy fried chicken na alam kong paborito niya.
Naka-yuko lang siya, mariing nakatitig sa pagkain na para bang nilulunok niya ang sama ng loob kasabay ng bawat subo. Napansin kong nangingilid ang luha sa kanyang mga mata, pinipigilan niyang pumatak, pero ramdam kong mabigat ang dibdib niya sa bawat subo.
“Trish…” mahinahon kong tawag. Kahit naman sagad hanggang buto ang galit ko sa kanya, naawa pa rin ako. Alam ko kasi ang pinagdaanan niya sa buhay.
Pero nawala ang simpatya ko nang bigla siyang napatingin sa'kin, galit ang mga mata.
“Yan! Ganyan! Kaya ako galit na galit sa'yo!” sigaw niya, sabay tayo, iniwan akong tulala.
Hindi ko maintindihan. Ano'ng nagawa ko? Bakit kasalanan ko na naman? Ano ba talaga ang nagawa ko?
Napatingin na lang ako sa natirang fried chicken na may kagat niya. . .
Hindi niya yata nagustuhan ang lasa.
Kinagabihan, hindi ako makatulog. Hindi dahil sa gabing gabi na ay wala pa rin si Zebbie. Wala naman akong pakialam sa kanya, lustayin niya ang pera ko, last na niya 'yan.
Hindi ako makatulog dahil kay Trish na nasa loob ng pamamahay ko, ilang hakbang lang ang distansya namin. Iniisip ko ang nakaraan namin ni Trish. Kung saan kami nanggaling at nagsimula.
Mahirap lang kami noon. Pero si Trish, mas mahirap. Ako, kahit papaano, buo pa ang pamilya ko. Ang tatay ko, tricycle driver. Simpleng tao. Tahimik pero mabait. Tuwing papasok kami sa school, sinasabay na lang namin si Trish sa tricycle. Wala siyang pamasahe madalas, ni wala nga siyang minsan baon. Hindi naman kasi malayo ang school namin, pwede lakarin kaso sobrang init at nakakapagod din. may tricycle naman kami kaya sinasabay na namin siya.
Si Trish, lumaki sa poder ng tiyahin niya. Hindi ko alam kung anong eksaktong nangyari sa nanay at tatay niya, basta ang sabi niya, naghiwalay na raw ang mga 'yon. Minsan lang niya ikuwento, at kung magsalita siya tungkol doon, parang walang emosyon. Pero ramdam mo. Ramdam mong may sakit sa likod ng mga salita niya.
Flashback. . .
Ang tita niya na kumupkop sa kanya ay masungit. Lagi na lang nakakunot ang noo. Wala pang alas-sais ng umaga, sumisigaw na.
“Trish! Linisin mo 'yan!”
Para bang kasambahay ang tingin sa kanya at hindi kadugo. Minsan, nahuli ko siyang umiiyak sa likod ng paaralan. Nakaupo sa semento, hawak ang medyas niyang may butas. Tinabihan ko siya. Tahimik lang kami ng ilang minuto. Tapos, bigla na lang siyang nagsalita.
“Alam mo, minsan iniisip ko, mas mabuting wala na lang ako.”
Hindi ko alam ang isasagot ko. Kahit naman kasi mahirap lang ang pamilya ko pero masaya naman kami. Kaya kahit kailan, hindi ko yata mauunawaan ang nararamdaman niya.
END OF FLASHBACK . . .
Napabalikwas ako sa aking kinahihigaan.
“Hindi kaya? Hindi kaya iyon ang dahilan? Kasi si Trish ay. . .”
ABANGAN ANG SUSUNOD NA CHAPTER. PLS ADD TO LIB IBA KO PUNG ESTORYA. THANK YOU.