Chapter 8 Raven's PoV “Hindi kaya? Hindi kaya iyon ang dahilan? Kasi si Trish ay. . . in love sa akin?” Iyon ba ang dahilan? Alam kong gusto niya ako pero hindi ko akalain na ganito niya ako kagusto. Iyon ba ang dahilan? O nag aassume lang ako? Napapikit na lang ako at inalala ang nakararaan. Bittersweet childhood memories. FLASHBACK. . . Grade three pa lang kami noon pero alam ko na agad: may mali sa buhay ni Trish. Hindi lang sa paaralan, kundi lalo na sa bahay ng tiyahin niya kung saan siya naninirahan. Tahimik siya. Hindi siya ‘yung tipong magpapaawa o magpapansin, pero ramdam mong may mabigat siyang dinadala kahit na bata pa. Hindi siya sumasabay sa laro o nakikipag usap. Madalas nasa tabi lang, nagmamasid. Sa tuwing recess naman ay lagi siyang nawawala, nagpapa- alam na ma

