Chapter 9 Raven's PoV “Sino yan?” tanong ko nang mabulabog ang pagbabalik tanaw ko sa nakaraan dahil may kumakatok sa pinto. Hindi ko alam kung si Zebbie ba iyon o si Trish. “Love, buksan mo. Bakit naka sara 'tong pinto?” Walang kagana gana akong tumayo. Si Zebbie ang kumakatok. Nadismaya ako nang marinig ang boses ni Zebbie, siguro kasi, si Trish ang inaasahan ko at gusto kong makita. Habang lumalakad ako patungo sa pintuan, iniisip ko si Trish. Ano na kaya ang ginagawa ni Trish? Binuksan ko ang pintuan habang ang isip ko ay naglalakbay papunta kay Trish. Bumungad agad ang naka busangot na mukha ni Zebbie nang pinagbuksan ko siya ng pinto. “Bakit mo ‘ko pinaglolock ng pinto?” Mapupungay ang mga mata niya ngunit ang tono ng boses niya ay galit. Amoy alak. Naglasing nga. M

