Chapter 10 Raven's PoV Ngayon, nakahiga si Zebbie sa kama namin, walang malay, walang palag, nakaladlad ang mga hita at cleavage. . . Ito na ang pagkakataon kong gumanti sa lahat ng pasakit na pinaramdam niya sa akin. Tinititigan ko ang kabuuan niya, simula ulo hanggang paa. Ito ang babaeng pinapangarap ko. Dati. Hindi na ngayon. Kinasusuklaman ko na siya. Kinapopootan. Pinandidirihan. Lumabas na lang ako ng master's bedroom. Iniwan ko si Zebbie na nakahiga, walang malay, hindi ko na siya pinalitan ng damit. Wala na akong amor sa babaeng minsan kong minahal nang buong buo. Ganun ko minahal si Zebbie that it hurts so much hanggang sa naging manhid na at wala na akong maramdamang pagmamahal o pag-care man lang. Bumaba ako at natulog sa malawak na sofa ng living room. Ayokong maka

