Chapter 11
Raven's PoV
Nakatingin lang ako sa kalangitan habang nasa dalampasigan kami ni Zebbie. Payapa ang karagatan. Malamig ang simoy ng hangin ngunit tamang tama lang ang buga ng bonfire para manatiling komportable ang pananatili namin sa tabing-dagat.
Maya maya ay dumating na ang common friends namin ni Zebbie, lima sila. Kasama nila si Trish na nasa pinaka likuran. Alam kong awkward para sa kanya na makisama sa mga kaibigan namin ni Zebbie.
“Hay namanitong lovers na 'to, hanggang dito ba naman nagsosolo kayo?” sabi ni Paola at umupo sa tabi ni Zebbie.
“Kaya nga. Magkasama na nga kayo sa bahay, pati ba naman dito, hindi pa rin kayo mapaghihiwalay?” sabi naman ni Johann, magkasintahan sila ni Paola. Mas matagal pa sila sa amin ni Zebbie pero parang wala silang balak na magpakasal. Ayaw pa kasi ni Johann. Hindi pa rin sawa sa buhay- binata.
Silang anim ay umupo sa buhanginan at napapalibutan na namin ang bonfire.
Si Nikko ay may dalang dalawang supot ng beer in can. “Tara, let's drink and be wasted!” sabi niya habang ipinapakita ang dalawang plastik na hawak sa magkabila niyang kamay.
Nagsihiyawan at palakpakan sila na parang mga bata na ngayon lang pinayagan ng mga magulang na magwalwal.
Isa isa kaming binigyan ng beer ni Nikko. Tatanggi sana si Trish pero ako mismo ang naglagay sa kamay niya kaya hindi na siya nakatanggi pa.
Nagsimula na si Von sa masarap na usapan. Hindi man maka-relate si Trish pero dahil nakakatuwa at hindi nakaka-inip ang pag kwento ni Von kaya pati si Trish ay naaaliw sa kanya na makinig.
Napuno ng tawanan at asaran ang kwentuhan namin, mostly tungkol sa mga terror teachers namin noong college at mga love story noon, yung mga nagsisimulang manligaw. Nakakatuwa rin balikan ang good old days.
“Oh my gosh, naalala ko pa si Rav, kung gaano siya ka- head over heels kay Zebbie,” sabi ni Vina.
“Nagpatulong pa nga sa'kin 'yan para mapalapit kay Zeb,” segunda ni Johann. At lahat sila ay nagtawanan. Puro kantyaw at asar ang natanggap ko, ganun din si Zebbie.
Hindi ko alam kung dahil sa alak o kilig kaya namumula ang mukha ni Zebbie.
Napangiti na lang ako ng mapakla dahil na-realize ko, bakit naman kikiligin si Zebbie sa akin? Hindi naman niya ako totoong mahal. So, malamang gawa ng alak ang pagba-blush niya.
Inubos ko na ang isang bote, wala akong pakialam kung gumuguhit sa lalamunan ko ang alkohol nito. Kahit anong gawin ko talaga, hindi masanay sanay ang bibig ko sa alak.
Napatingin ako kay Trish na nasa tabi ko. Tulad ng lagi, tahimik lang naman siya. Ngingiti kung may nakakatuwa sa paligid. Dahil katabi ko lang naman siya, kaya madali kong nailapit ang sarili ko sa kanya at inamoy ko ang kanyang buhok pababa sa kanyang leeg nang pasimple lang.
Agad din niyang iniwas ang kanyang sarili. Binalik ko ang tingin ko kay Zebbie. Tama ako, nakatingin nga si Zebbie sa amin. Masama ang titig niya. Sa akin ba siya galit o kay Trish? Hindi ko alam, at wala akong pakialam.
Gusto ko lang mang-asar, mag-relax, at mag higanti. Ayaw kong ma-stress, magalit, at magmukmok dahil kay Zebbie. Unti-unti niya na yatang nararamdaman na ayaw ko na sa kanya. Hindi na ako ang Raven na nababaliw sa kanya.
Magda-dalawang oras na yata kaing nagkukwentuhan at nag iinuman. Umiiyak na si Paola, si Von ay maingay na, si Nikko, humihilik na yata.
Ang init ng bonfire ay unti-unting humupa habang ang mga kaibigan ko ay nagsimula nang magpaalam. Ang magkasintahang Paola at Johann ay nagrenta ng cabin para masolo nila ang isa't isa, habang ang dalawa sa aming grupo ay sa mismong buhanginan na natulog dahil sa sobrang kalasingan. Si Zebbie naman ay maagang nagpaalam at nagtungo sa isa sa mga kubo upang magpahinga. Pero alam kong galit siya sa akin. Tinotoyo yata. Akala naman niya ay susundan ko siya at susuyuin.
Nanatili lang ako sa buhanginan. Binabantayan sina Von at Nikko na kapwa wala nang imik dahil tulog na sa sobrang kalasingan.
Naiwan kaming dalawa ni Trish sa tabing-dagat na gising pa, inuubos ang ntitirang mga beer. Tahimik siyang nakaupo, nakatingin sa malayo, habang ako ay nagmumuni-muni sa mga nangyari sa nakalipas na mga araraw
“Ang ganda ng buwan, no?” tanong niya, na may bahagyang ngiti sa labi. Hindi ko inaasahan na kakausapin niya ako.
“Oo, parang lahat ng problema ay nawawala kapag tinitingnan mo 'yan.”
Tumango siya, ngunit makikita sa kanyang mga mata ang pagod at lungkot. Hindi ko maiwasang mapansin na medyo lasing na siya, ang kanyang mga galaw ay mabagal at hindi na masyadong sumasagot..
“Trish, are you okay?” tanong ko, may pag-aalala sa boses.
“Oo naman. Bakit gusto mo ba talagang hindi ako ok?Medyo nahihilo na ako…” sagot niya, habang sinusubukang tumayo ngunit nawalan ng balanse.
“Lasing ka na. Tayo na sa cabin.”
Maingat kong inakay si Trish, ngunit nang makita kong hirap siyang maglakad, binuhat ko siya papunta sa kubo na apat sana kaming lalaki ang magkakasama, Ako, sina Von, Johann, at Nikko. Pero dahil nagsolo na sila Paola at Johann, nagkagulo tuloy kung sino ang roommate. Tutal, himbing na himbing na sina Von at Nikko sa dalampasigan, secured naman doon kaya bahala na sila.
Pag dating sa kubo ay wala akong nadatnan na tao. Nasa kabilang kubo sigurado sina Zebbie at Vina. Nahihilo na rin ako gawa ng alak at antok kaya inilapag ko na si Trish sa isang kama. Dalawa ang kama sa kubo na twin size.
“Salamat, Raven…” bulong niya habang naka pikit.
Umupo ako sa tabi niya, pinagmamasdan ang kanyang maamong mukha habang natutulog. Sa kabila ng lahat ng nangyari, hindi ko maiwasang makaramdam ng awa at pag-aalala para sa kanya.
Tama pa ba itong ginagawa ko? nakokonsensya na ba ako? Alam ko namang may nagawa talaga akong kasalanan sa kanya. Hindi ko lang maamin. Marahil iyon nga ang dahilan kaya galit na galit siya sa akin. At nagawa niyang gamitin si Zebbie para maghiganti.
Ang gabi ay tahimik, tanging ang tunog ng alon ang maririnig. Habang nakaupo ako doon, iniisip ko kung paano kami napunta sa ganitong sitwasyon. Ang mga alaala ng nakaraan ay bumabalik, at hindi ko maiwasang magtanong sa sarili kung ano ang susunod na mangyayari.
Sa gitna ng katahimikan, naramdaman kong nag iinit na ang katawan ko. Hinubad ko ang damit ko, tanging boxers lang iniwang saplot sa katawan ko.
“Electric fan–” bulong ni Trish habang tulog.
Kanina pa bukas ang electric fan at bukas din ang bintana, dumadaloy ang sariwang hangin sa loob kaya presko naman. Gawa ng alak kaya tulad ko, pareho kami ng nararamdaman. Nag iinit ang mga katawan namin.
At dahil hindi na niya matiis ang init, siya na mismo ang nag hubad ng kanyang t shirt na fitted. Naghubad siya habang nakapikit, tulog.
Tumambad tuloy ang malusog niyang dibdib.
At hindi na ako nakapagpigil…
ABANGAN ANG SUSUNOD NA CHAPTER…