Chapter 12 Raven's PoV Matapos naming mag-inuman sa tabing-dagat, hindi ko na nga alam kung itutulog ko na lang ang init na nararamdaman ko o susundin ang sinusupil na damdamin. Tunay na ba talaga ang nararamdaman ko kay Trish? Habang patagal nang patagal ko siyang tinititigan habang walang malay at walang pang itaas, lalo akong nahuhumaling. Lalong nag-iinit. Parang tinutulak ako na magkasala. Humiga ako sa tabi niya. Wala naman akong balak na galawin si Trish ngayon, sapat na sa akin na makita at maramdaman ni Zebbie na nagbabago na ang pakikitungo ko dahil kay Trish na mas pinili niya kaysa sa akin. “Good night, Trish,” bulong ko at pumikit na. Pagkatapos ko yon sabihin ay naramdaman ko na lang ang pag pulupot ng bisig ni Trish sa aking bewang sabay bulong sa aking tenga ng, “g

