Chapter 13 Raven's PoV “Ah talaga ba? Pwede na ba akong umamin sa kanya? Na may nangyayari sa atin at tayo talaga ang nagmamahalan?” tanong ko kay Trisha, sabay ngisi. habang naka kibit- balikat pa ako para kunwari ay seryoso. Pero imbes na matuwa ay ngumisi lang din siya at tumango. “Sige lang, Rav. Alam ko naman na naghihiganti ka lang. Go, get your revenge to your heart’s content.” Napaatras ako ng bahagya, para bang binuhusan ako ng malamig na tubig. Tinitigan ko siya ng diretso, walang kurap at pilit na hinahanap kung saan niya itinatago ang emosyon niya. Pero wala akong makita kundi malamlam na mga mata at ang pamilyar na pader na lagi niyang binubuo sa pagitan namin. “Ganun na lang 'yon?” mahinang sabi ko. “Wala ka man lang bang pag-aalala? Wala man lang bang selos?” Nilapita

