Chapter 14
Raven's PoV
"Rav, bakit-"
Sa kalagitnaan ng masaya naming pag-uusap ni Trish ay lumapit si Zebbie.
"Yes, Love?" sagot ko sa tanong niyang hindi kumpleto. Ngumiti pa nga ako na waring wala akong kamuang muang.
"Rav... Bakit hindi pa tayo umuwi? Hapon na. Gagabihin na tayo sa daan," sabi niya.
Hay, Zeb—
Uwian na ba?
Sabay sabay ang atungal ng tropa dahil uwian na.
Pero alam ko naman na hindi talaga iyon ang gusto ni Zebbie na sabihin.
Pero tama rin naman si Zeb, hapon na at gagabihin na kami sa pag uwi kaya kanya kanya na kaming pag gayak para maka-uwi na.
Masaya naman ang naging out of town reunion namin kaya nagpa-alam kaming walo sa isa't isa na may ngiti sa labi.
= = = = = = = = = = = = = = = = = =
Tahimik ang biyahe pauwi mula sa beach. Ako ang nagmamaneho, si Zebbie sa tabi ko, as always. Si Trish ay nasa likod. Walang imikan. Tila normal lang, pero alam kong hindi. Hindi man sabihin pero may tensyon sa pagitan naming tatlo. Lahat kami may iniisip, pero ako lang ang ngiting-ngiti sa loob. Unti- unti nang natutupad ang plano.
Pagdating sa bahay, walang nagsalita. Parang ordinaryong araw lang. Si Trish dumiretso sa guest room. Si Zebbie naman ay dumaan sa kusina. Ako, naupo sa sofa, nagtanggal ng sapatos, nag-unat. Ah kapagod. Chill lang, parang walang kasalanan.
Pero ilang minuto lang, bumalik si Zebbie. Nakatingin sa akin na parang tigre na ako ay aatakihin.
“Akala mo ba hindi ko napapansin?” panimula niya, paos ang boses pero may bagsik. “May lihim kayong relasyon ni Trish, ‘di ba?”
Napatingin ako sa kanya, kunot-noo, kunwari nagulat. “Ha? Anong pinagsasabi mo? Love, yung nakita mo kaninang umaga. Sinabi ko na 'di ba, lasing lang kami pero natulog lang kami ni Trish. Walang --”
“Raven, cut your bllsht! ‘wag mo akong lokohin. Kanina pa ako nananahimik. Lahat ng kilos niyo, yung mga sulyap, yung mga simpleng hawak, yung lambingan niyo, akala mo ba bulag ako at hindi ko nakikita? Hindi ako manhid para hindi makaramdam!”
Napailing ako, pinipigilan ang tawa. Hindi dahil nakakatawa, kundi dahil sa wakas, nadala ko na siya sa gusto kong estado, mainit, seloso, at emosyonal.
“Zebbie, baka naman nagi-imagine ka lang,” sagot ko, mahinahon pero may diin. Of course, nang-aasar lang ako. I'm not taking her seriously.“Friends lang kami ni Trish. Bakit mo biglang iniisip ‘yan?”
“Friends?” halos mapasigaw siya. “Friends bang tawag sa mga naglalambingan sa harap ng lahat? Na halos maghalikan na sa tubig habang nagtatawanan ang tropa? Anong tingin mo sa akin, tanga?”
Natahimik ako sandali, hindi dahil wala akong masasabi, kundi dahil ayokong madulas. Hindi ako aamin. Hindi ko ibibigay sa kanya ang magaang na parusa. Kulang pa ang sakit.
“Kung may problema ka, sabihin mo. Pero wag mong idamay si Trish. Ayaw ko lang na nag-aaway tayo dahil sa... Imagination mo, or better yet, insecurities.”
“Imagintion? Insecurities?” Tumulo na ang luha niya, pero hindi niya pinahiran. “So kasalanan ko? Wala kang balak aminin, no? Kahit halata na?”
Nagkibit-balikat ako. “Anong aaminin ko kung wala namang dapat aminin?”
Doon na siya tuluyang pumutok. “Damn you! Akala mo ba hindi ko nararamdaman? Bawat tingin mo sa kanya, bawat hawak. . . iba na, Rav. Iba na!”
Tumahimik ako. Hindi dahil guilty. Kundi dahil proud ako. Dahil sa wakas, siya na ang naghahabol. Siya na ang nasasaktan.
“Kung iniisip mo ‘yan, wala na akong magagawa,” sabi ko, malamig. “Pero hindi ibig sabihin totoo lahat ng iniisip mo.”
“Ang sama mo,” aniya, umiiyak na pero pilit pinatatag ang boses. “Sinadya mo akong saktan.”
Dito na ako umalma. Nagpantig na ang tenga ko sa mga sinabi niya. Ako pa talaga? Saang lakas ng loob kaya niya hinugot lahat ng mga pinagsasabi niya?
Nilapitan ko siya at kita ko sa gilid ng aking paningin, lumabas si Trish ng kwarto at nakatunghay sa amin. Tumitig ako sa mga mata ni Zebbie.
"Ako ba? Ako ba talaga ang may lihim na relasyon kay Trish?"
Nakita ko kung papaano nanlaki ang mga mata niya at bigla siyang natahimik na parang binuhusan ng malamig na tubig.
Aamin na kaya siya?
ABANGAN ANG SUSUNOD NA CHAPTER. . . comment naman po kayo para malaman ko kung may nagbabasa pa nito. salamat. gagawin ko po ito free hanggang matapos. bahala na si dreame mag lock, pero matagal pa po yun sigurado. kaya abangan niyo na po mga UD ko, Follow niyo na rin po ako.