Chapter 15
Raven's PoV
"Ako ba? Ako ba talaga ang may lihim na relasyon kay Trish?"
Nanlaki ang mga mata ni Zebbie. Hindi niya inaasahan ang tanong ko. Hindi tuloy niya alam kung anong isasagot.
"Anong... A-ano ibig mong sabihin?" nauutal niyang tanong habang nakatingin sa akin na waring nahuli sa akto na may ginagawang kababalaghan.
"Stop acting as if you don't know, Zebbie. Dahil alam na alam mo kung anong pinagsasabi ko."
"Hindi ko nga alam! Putangina naman!" hiyaw niya sa tonong gigil na gigil at ang paa niya ay pinadyak pa sa sobrang galit.
Hindi ko na rin mapigilan ang emosyon ko. Hinablot ko ang braso niya at mahigpit itong pinisil habang matiim na nakatitig sa kanyang mga mata. Naramdaman ko ang paglambot ng kanyang mga binti at napa-uwang ang kanyang bibig dahil sa pagkagulat at marahil ay takot. Hindi kami nag-away ng ganito. Hindi ko pa siya kailanman sinindak ng tingin gaya ng ginagawa ko ngayon.
"Bakit ginawa mo. . . ginawa 'to sa'kin? Ano bang ginawa kong masama sa'yo? Minahal kita ng buo, Zebbie. Hindi ko deserve na gaguhin. Bakit?"
Tumulo ang luha ko dahil sa kirot. Ang dami ko pang gustong sabihin. Marami-rami ang naipon kong sama ng loob sa aking puso. Pero hindi na kaya ng lalamunan ko ang magbitaw pa ng isang salita. Parang may kung anong nakabara.
"H-hindi ko alam 'yan--"
"Fvck you, Zebbie! Sige lang pannindigan mo 'yang kasamaan mo."
Gigil na gigil ako pero wala na akong magawa. Binitawan ko na ang braso niya.
Hindi ko lubos maisip na hanggang ngayon ay harap-harapan niya akong niloloko. Na hanggang dulo ay paninindigan niya ang panloloko niya sa akin. Binigyan ko na siya ng pagkakataon na umamin.
Pero wala. Wala siyang balak umamin, lolokohin niya ako at gagawing tanga hanggang sa mag-sawa na siya sa akin. Kapag naubos niya na ang pera ko.
“Lumayas ka na. . .” sambit ko. Bagamat malumanay pero may diin at gigil.
Lalong nanlaki ang mga mata ni Zebbei. Hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig.
“You sure, Rav? Are you scaring me?” nakangisi pa niyang tanong at nagkibit-balikat.
Ganyan ba talaga siya ka-confident na hindi ko siya kayang iwan? Nakakairita ang ngisi niya, ang sarap burahin. Tignan na lang natin kung makaka-ngiti ka pa mamaya.
Ako naman ang ngumisi pagkatapos ay sinamaan siya ng tingin. Pipigilan ko ang pagpatak ng luha ko. Hindi, hindi na luluha pang muli dahil sa babaeng ito. Hindi niya deserve ang kahit na isang patak ng luha ko. “Tingin mo talaga hindi ko kaya nang wala ka? Ilang taon akong nagtiis na wala ka sa tabi ko, tiniis ko ang lahat dahil sa'yo. Para bigyan ka ng masagana at maalwang buhay. Masaya at buong pamilya. Hindi man kasing yaman na gusto mo, pero yung buhay na sapat at hindi magkukulang. Lahat tiniis ko, Zebbie. Kahit ang tawag ng laman. . .”
Tumigil ako saglit. Tutulo na kasi ang luha ko. Sobrang sakit. Napakasakit na sabihin ang mga ganitong salita. Lumunok ako para matanggal ang bara sa aking lalamunan.
“Kaya kong mawala sa buhay ko. Ano bang silbi mo sa'kin? Hindi ikaw ang nagpapakain sa'kin, wala kang biniling gamit para sa akin. Ayaw mong magpa galaw, ni magpa halik. Pagmamahal mo lang ang hinihingi ko, hindi mo pa kayang ibigay. So, sino sa atin ang hindi kayang mamuhay mag-isa? At kapag iniwan na kita, saan ka na pupulutin? Ayaw mong mag-trabaho. Ang gusto mo lang, lokohin ako.”
Nagingilid na rin ang luha niya, napapag-tanto niya na rin siguro na nauntog na rin ako at kaya ko na siyang iwan.
Bigla niyang hinawakan ang mga kamay ko ngunit agad ko rin itong tinabig. “Sorry, Love. Kung ano man ang kinagagalit mo, pag usapan natin. Please—”
“Tama na, Zebbie! Kung hindi ko pa malalaman, patuloy mo lang akong gagaguhin at pag mumukhaing tanga. Hanggang kailan, Zebbie? kapag naubos mo na ang pera na pinahirapan ko? kapag wala na akong silbi sa'yo, iiwan mo na ko—”
“No! Rav, please—”
Tinulak ko ang balikat niya bago pa niya ako maabot.
“Maraming babae sa mundo, Zebbie. Hindi lang ikaw. Mas maraming higit sa'yo. At higit sa lahat, mas maraming babae na deserving sa pag ibig ko. Ngayon pa na may iba na akong mahal . . .”
Napalitan agad ng matalas na titig ang mga mata na kani-kanina lang ay maluha-luha na sa pagmamaka-awa. Napatingin siya sa likod niya at nakita niya roon si Trisha na nakatingin sa amin. Agad ding ibinalik ni Zebbie ang tingin niya sa akin na waring may tinatanong pagkatapos ay umiling-iling.
“Si Trish?”
Hindi ko na magawang sumagot pa dahil nilusob niya na si Trish.
Nasa bungad ng kusina si Trish, hawak ang kanyang dibdib. At si Zebbie, bigla na lang sumugod sa kanya.
“Walanghiya ka!” sigaw ni Zebbie.
Napako ako sa kinatatayuan ko. Hindi agad gumalaw ang aking katawan dahil ito na ang pinakahihintay ko. Ito na 'yun, Rav. Ito na ang hinihintay mong sandali na makitang nasasaktan si Zebbie at sila na mismo ni Trish ang mag-away at mag decide na mag-hiwalay.
Nanonood lang ako, hindi pa makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari.
Sinabunutan ni Zebbie si Trish. Mahigpit. Para bang doon niya ibinuhos ang lahat ng galit at sakit na matagal niyang kinimkim.
“Akala mo ba hindi ko nakikita? Akala mo ba hindi ko nararamdaman? Niloloko mo lang ako!” tuloy-tuloy si Zebbie, nanginginig ang tinig. “Damn you! You slvt! Disgusting wh0re!”
Si Trish, tahimik lang. Hindi siya lumalaban. Hindi man lang niya inawat si Zebbie. Tanggap lang niya ang mga salita, ang sakit. Nakayuko siya na parang hindi na siya lalaban pa. Bagamat tahimik lang siya pero alam kong nagtatanim siya ng sama ng loob at buhay ang galit sa dibdib niya.
At doon ako mas nainis. Hindi kay Zebbie kundi kay Trish.
“Bakit mo hinahayaan?” bulong ko sa sarili ko. Bakit hindi siya sumasagot? Bakit niya hinahayaan si Zebbie na ganituhin siya? Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako para kay Trish. Dapat very satisfying ang nasasaksihan ko. Umpisa na nang katuparan ng paghihiganti.
“Tingin mo ba hindi ko naramdaman kung gaano na kayo ka-close? ‘Yung mga sulyap, ‘yung mga hawakan, akala niyo ba bulag ako?” patuloy ni Zebbie habang nangingilid ang luha sa mga mata.
At isang sampal ang binitiwan niya. Malakas. Malutong. Tumama sa pisngi ni Trish, pero nanatili pa rin itong tahimik. Ni hindi siya tumingin sa akin. Ni hindi siya umiwas. Sinalo niya ang lahat ng galit ni Zebbie.
Pero sa ikalawang beses na nagtangkang manampal si Zebbie, doon na kumilos si Trish. Hinawakan niya ang kamay ni Zebbie para pigilan ang muling paglapat ng palad nito sa kanyang pisngi.
“Tama na,” mahina niyang sabi, pero buo ang tinig. “Tama na, Zebbie. Ako ba ang lintang sumisipsip kay Rav? Ako ba gumagamit sa kanya para lang masunod lahat ng luho? Ako ba? Huh! Ako ba ang nanloloko kay Rav!”
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Lumapit ako agad, hinawi ko ang katawan ko sa pagitan nila. Pumagitna na ako kahit gusto ko pa sanang mag-away pa sila. Magsiraan, magsakitan.
“Bitawan mo na siya,” mariin kong utos kay Trish.
Halos hindi ako pinansin ni Zebbie. Pero kapwa na sila bumitaw sa isa't isa.
“Alam ko namang ikaw ang dahilan ng lahat ng ‘to, Raven!” hinarap niya ako, punong-puno ng galit. Nabaling na ang atensyon at tensyon nila sa akin. Ako pa talaga ang may kasalanan? Hindi ko alam kung ano ang nagustuhan ko kay Zebbie at ganito ako nagpabulag sa kanya at hindi ko nakita ang masama niyang ugali.
“Sige na, kasalanan ko na. Kaya lumayas ka na lang. Huwag mo nang hintayin na kaladkarin kita palabas ng pamamahay ko—”
“Rav, please!
Pagmamaka-awa ni Zebbie. Alam niyang desidido na ako na palayasin siya. At hindi ko inaasahan ang pag luhod niya, lalo na sa sunod niyang sinabi.
“Rav, patawarin mo 'ko. Rav, mahal kita. . .” sabi niya na tumutulo ang luha habang nakaluhod.
Patatawarin ko na ba siya?
ABANGAN ANG SUSUNOD NA CHAPTER.