Chapter 16
Raven's PoV
“Rav, patawarin mo 'ko. Rav, mahal kita. . .” sabi ni Zebbie na tumutulo ang luha habang nakaluhod.
Patatawarin ko na ba siya? Sa mahabang panahon, ngayon ko lang ulit narinig ang mga salitang gusto kong marinig mula kay Zebbie.
Lumalambot ang puso ko dahil sa pinapakita ni Zebbie. Ngayon lang siya nagmaka-awa sa akin, lalo pa ang lumuhod. Ano pa bang kulang para hindi ko siya mapatawad?
“Ze–” Naawa na ako kay Zebbie ngunit nang napatingin ako kay Trish, biglang nabaling sa kanya ang lahat ng awa na dapat ay kay Zebbie ko ibibigay.
Nakita ko kasi ang malungkot na mga mata ni Trish. There is something in her sad eyes that moves me. Ayaw na ayaw kong makita ang malulungkot na mga mata niya. Nasasaktan ako.
“Tumigil ka na, Zeb. I had enough,” sabi ko at umakyat na sa master's bedroom kung nasaan naroon ang mga mamahalin niyang gamit, mga branded na damit at sapatos, at imported na mga makeup at pabango.
Habang humahakbang ako sa bawat baitang ng hagdan. naririnig ko ang pag sunod ni Zebbie. Binilisan ko ang pag hakbang at nagmadaling maglakad papuntang kwarto namin.
Dali-dali kong kinuha ang pinakamalaki kong maleta at sinimulang iimpake ang mga damit niya at mga gamit.
“Anong ginagawa mo, Rav!” sigaw ni Zebbie at hinawakan ang kamay ko. Pinipigilan ang bawat mahablot kong damit.
“Tinutulungan kang mag-impake ng gamit mo, para hindi ka na mahirapan sa pag alis sa pamamahay ko.” Idiniin ko pa ang salitang 'pamamahay ko' para iparating sa kanya na bahay ko ito, ako ang masusunod, at hindi ko na siya gustong manatili pa sa sarili kong bahay.
“Hindi! Hindi mo pwedeng gawin 'to sa'kin!” patuloy niya sa pagsigaw at pag pigil niya sa kamay ko.
“Huwag mo 'kong hawakan,” mariing sabi ko. Sabay hawi sa kamay niya. “Nandidiri ka sa'kin 'di ba? Ayaw mong magpahawak. Ayaw mong hinahawakan kita–”
“Sino bang nagsabi—”
“Tama na. Hindi ko na hahayaan na dumampi ni ang dulo ng daliri mo sa ano mang parte ng katawan ko.”
Binuhat ko na ang maleta at binaba ito hanggang labas ng gate. Hinihila ni Zebbie ang kamay ko at pilit na hinahatak pabalik sa loob ng bahay.
“Anak ng … Ano ba Raven! nakakahiya ‘tong ginagawa mo sa'kin!”
Nakakahiya raw ang ginagawa ko, eh siya ang gumagawa ng eskandalo. “Kung ayaw mong marinig ng kapitbahay, manahimik ka. Just leave my house in peace.”
She stomped her foot in anger. Nanlilisik ang kanyang mga mata. Hindi niya matanggap na ginagawa ko sa kanya ngayon ang gaya nito.
Tinulak niya ako at nagtangkang pumasok sa loob. Agad ko siyang hinarangan sa pinto,
“San ka pupunta? Hindi ka na welcome sa bahay ko.”
“Kung talagang maaatim mong palayasin ako, pwes, kukunin ko mga alahas ko!”
Hinablot ko ang braso niya at nag ngingitngit ang ngipin ko sa galit. “Alahas mo? Kailan pa? Kailan ka pa nag trabaho para magkapera at mabili ang mga sinasabi mong alahas mo?”
Lalong sumama ang titig niya sa akin. Hindi naman ako nagpatinag. “Leave,” mariin kong sabi at wala na siyang magawa kundi ang talikuran ako.
Pero imbis ng dalhin ang maleta niya palabas ng gate, binuksan niya ang pinto ng kotse. Bago pa siya makapasok sa loob nito ay hinila ko na siya palayo ng kotse ko.
“Damn you, Raven! Pati ba naman itong kotse!”
“Bakit naman hindi? Eh kotse ko 'to.”
“Pero nasa pangalan ko ito naka register!”
“Talaga ba? Naka- register sa pangalan mo? How sure are you?”
Bigla siyang natigilan at tumulo ulit ang luha. “Regalo mo 'yan sa’kin. . . Akin na 'yan–”
“Sige lang. Dalhin mo 'yan, i-byahe mo. Hintayin mo na lang ang kasong carnapping-”
Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko. Hindi ako gumanti, ni hindi ko siya hinawakan. “ok na ba? Pwede ka na bang mawala sa buhay ko?”
= = = = = = = = = = = =
Tatlong araw na ang lumipas mula nang pinalayas ko si Zebbie sa bahay. Hindi ko rin inasahan na aalis si Trish pagkatapos noon. Wala siyang sinabi. Wala man lang paalam. Basta isang araw paggising ko, wala na siya. Pati mga gamit niya, nawala na rin.
Tahimik ang bahay. Walang ingay, walang kaluskos, walang boses ni Trish sa kusina habang nagtitimpla ng kape. Wala rin si Zebbie na laging reklamo ng reklamo sa dami ng hugasin, hindi naman siya ang nag huhugas. Naiwan akong nag-isa. Nag- iisa sa bahay na pinaghirapan ko para sana sa amin ni Zebbie at ng magiging mga anak namin.
Akala ko sanay na ako sa ganito. Akala ko, okay lang sa akin ang katahimikan dahil sa Kuwait, mag-isa lang naman ako at napag tagumpayan ko ang homesickness. Pero habang tumatagal, mas lalo lang sumisikip ang dibdib ko. Hindi ito katulad ng mga tahimik na gabi na gusto ko noon. Iba ito. Ito 'yung klase ng katahimikang may halong lungkot, may halong bigat. I've never been so lonesome like this before.
Dapat si Zebbie ang iniisip ko. Dapat siya ang inaalala ko, 'di ba? Pero bakit si Trish ang bumabagabag sa isip ko? Bakit siya ang nami-miss ko?
Nami-miss ko ang mamahalin niyang ngiti na minsan lang niya ipakita. Nami-miss ko kung paano siya tahimik lang pero laging nandiyan. Yung presensiya niyang kahit hindi nagsasalita, nakakagaan ng loob. Nami-miss ko ‘yung mga titig niya, 'yung mga titig na parang alam niya kung anong iniisip ko kahit wala akong sinasabi. Mga pasimpleng sulyap sa akin. Nami-miss ko ang luto niya.
Nakakainis. Ang dami kong sinira. Ang gulo-gulo ko. At ngayon, ako na lang ang naiwan sa sarili kong kagaguhan.
Tahimik ulit. Kinuha ko ang tasa ng kape na nakalimutan kong inumin. Malamig na. Parang kulang ng tamis. Parang lahat na lang kulang. Kulang ang kulay ng paligid. Kulang ang sinag ng araw. Kulang ang buhay ko.
Trish. Sana bumalik ka na.
Huminga ako ng malalim, tumayo, at nag desisyon. Hahanapin ko si Trish at susuyuin.
ABANGAN ANG SUSUNOD NA CHAPTER…