Chapter 17
Raven's PoV
Hindi ko na mapigilan ang sarili ko na hanapin si Trish. I've been alone and lonely for five years. Deserve ko naman siguro na lumigaya. Ayaw ko nang mamuhay mag-isa. Gusto ko nang may makakasama habambuhay. Kailangan ko ng makakatuwang. Hindi ganito ang plano ko. Nagpaka hirap ako sa ibang bansa dahil naniniwala akong kailangan paghirapan ang mga bagay bagay. Kailangan pagplanuhan kung gusto ng masagana at maalwang buhay. Mauuna ang hirap, pagkatapos naman noon ay magiging maagaan na rin.
Pero bakit ganito ang nangyari? Wala ito sa plano ko. Ang inaasahan ko ay uuwi ako na masaya at kuntento na sa buhay. Nadudurog ang puso dahil kay Zebbie. Sinira niya ang maganda kong plano. Sinira niya ang buhay ko. Tinibag niya ang pangarap ko. Winasak niya ang puso ko.
Kailangan ko na siyang kalimutan at huwag akong ma-guilty sa lahat ng ginawa ko dahil alam niya at ng lahat na minahal ko siya ng buo at naging tapat ako. Husto na ang ilang taong pasakit na binigay niya at sama ng loob. Walang kapatawaran ang ginawa niyang panloloko sa akin, pag huhuthot, at ang pinaka masakit ay pinag palit niya ako sa kababata ko pa mismo- kay Trish.
Siguro ito na ang tamang panahon para lumagay na sa tahimik at sundin ang sinisigaw ng damdamin. Si Trish.
Galit man ako sa kanya pero mas nananaig ang pag-ka-gusto ko sa kanya. marahil dahil iyon sa matagal na kaming magkaibigan. At higit sa lahat. . . Pareho naming na-virginan ang isa't isa. Matagal na nangyari 'yon at hindi naman namin sinasadya ganun pa man, ganun siguro talaga ang consequence ng ginawa namin. Kahit matagal na nangyari yun at hindi sinasadya pero ang sxual attachment namin ay ang hirap makalimutan, hindi pa rin mawala wala kahit pa may ibang babae pa ang dumaan. Iba nga siguro ang epekto ng first kiss at first sx.
Nasapo ko ang aking noo. Hay, iyon nga siguro ang dahilan kung bakit galit na galit si Trish sa akin kaya niya nagawang sirain kami ni Zebbie. Bigla akong napatayo at napag desisyunan ko ng hanapin si Trish dahil hindi ko siya ma-contact.
= = = = = = = = = = = = = = = = = = = =
Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko siyang tinawagan. Ilang mensahe na rin ang nai-type ko pero walang sagot. Hanggang sa isang araw, bigla na lang na “Message not delivered.” Sinubukan kong i-check sa social media, pero lahat ng account niya, hindi ko na ma-access. Blocked na ‘ko at ang iba naman ay deactivated na o deleted.
Tangina. Sineryoso niya talaga 'yon. Matapos niya kaming paghiwalayin ni Zebbie at paibigin ako ay bigla na lang niya akong iiwan at bigla na lang mawawala na parang bula.
Sa una, ayaw ko pang umalis ng bahay. Baka kasi bumalik siya. Pero habang lumilipas ang mga araw, lalo akong nababaliw. Hindi na ‘to normal. Hindi na 'to galit lang para na siyang nawala at walang bakas na nag exist siya.
Nasaan ka na ba Trisha!
Kaya sinimulan ko siyang hanapin. Sa campus kung saan siya minsang nagsabi na may kaibigan. Wala siya roon. Pinuntahan ko 'yung favorite niyang coffee shop sa may kanto, 'yung lagi naming tinatambayan pag gusto niyang makalanghap ng ibang hangin pero wala pa rin siya. Kahit ‘yung luma niyang boarding house, pinuntahan ko na rin. Wala.
Ang tanga ko. Bakit ko pa pinatagal ang paghahanap sa kanya, baka nagpaka layo layo na siya?
Sa sobrang desperado, napadpad ako sa lugar na never ko inakalang pupuntahan ko, sa simbahan. Isang maliit na chapel sa dulo ng subdivision kung saan dati niya akong dinala nung down na down ako. Gusto ko lang sana tumahimik. Umupo. Mag-isip. Pero pagpasok ko sa loob, halos hindi ako makapaniwala sa nakita ko.
Nandoon siya. Si Trish. Nakaupo sa likod, tahimik, nakapikit. Hawak ang cellphone sa kaliwang kamay, habang nakatanaw sa kawalan. Ang payapa ng mukha niya, pero bakas sa katawan niya ang pagod.
Gusto ko siyang lapitan agad. Gusto kong hilahin siya, yakapin siya, sabihing sorry sa lahat ng nagawa ko. Pero nanatili akong nakatayo lang sa likod. Para akong bata na natatakot lumapit sa taong mahal niya dahil baka tuluyan na siyang layuan.
Pero hindi ko na kaya. Lumapit ako. Dahan-dahan at umupo ako sa tabi niya.
“Trish,” mahina kong tawag.
Napatingin siya sa akin. Walang gulat sa mata niya. Wala ring galit. Pero wala ring tuwa. Kapwa kami hindi alam ang gagawin sa mga sandaling iyon.
“Anong ginagawa mo rito?” tanong niya.
“Hinahanap kita,” sagot ko agad. “Sa lahat ng lugar na alam kong puwede mong puntahan. Lahat ng lugar na may koneksyon sa ‘yo. Pero hindi ko akalaing dito pala kita makikita.”
Tahimik siya. Bumalik ang tingin niya sa altar.
“Akala ko ito ang gusto mong mangyari, 'yung mag away kami ni Zebbie at mag hiwalay,” dagdag ko.
“Gusto ko nga, ganun nga” mahinahon niyang sagot. “Pero hindi ibig sabihin ay papatulan na kita.”
Napayuko ako. Tinanggap ko ‘yon. Ramdam kong hindi pa siya handang bumalik. Pero heto na ako, humahabol.
“Sorry,” sabi ko. “Hindi ko alam kung saan magsisimula, pero totoo ‘yung hinahanap kita kasi hindi ko na kayang hindi ka makita.”
Hindi siya sumagot. Pero tumayo na siya at tinalikuran na ako. Iniwan na naman niya ako na mag-isa.
“Trish, I won't let you go and leave me for the second time,” sabi ko pero sapat na para marinig niya iyon. Patunay na malinaw niya akong narinig dahil huminto pa siya saglit, waring iniisip kung anong isasagot.
“Nakaganti na ako. Naparamdam ko na sa'yo kung ano ang pakiramdam ng pina-asa at iniwan,” sabi niya habang nakatalikod sa akin. Kahit pa hindi ko nakikita ang mukha niya at ang malungkot niyang mga mata, alam kong punong-puno ng luha ang puso niya. Sa tono niya at garalgal na boses, alam kong umiiyak siya.
Sinundan ko siya hanggang sa paglabas ng simbahan. Hinablot ko ang pulsuhan niya bago pa siya maka layo. Hindi naman siya nanlaban pa. Hinayaan niya lang ang kamay ko. Ayaw niya sigurong gumawa ng eksena gaya ng ginawa namin ni Zebbie sa bahay.
O baka gusto rin niyang pigilan ko ang pag-alis niya at habulin ko siya. Wala mang kasiguraduhan ang naiisip kong ito, umaasa at susugal ako sa katiting na pag-asang ito. “Hindi ko na hahayaang mawala ka ulit, Trish” sabi ko at hindi na siya binigyan ng pagkakataon na sumagot pa.
Hinila ko ang pulsuhan niya papuntang kotse at hindi naman siya umangal pa. Kahit na labag sa kalooban niya pero tahimik lang siyang sumama sa akin. Binuksan ko ang pinto ng passenger's seat para maka upo na siya. “Saan mo 'ko dadalhin?” tanong niya na walang halong emosyon.
“Sa bahay,” simple kong sagot.
Pero dito na siya umalma. “May bahay ako. Doon mo 'ko dalhin.”
“Sige,” sagot ko at pumasok na sa kotse.
Habang nasa byahe kami ay hindi kami nag kibuan. Tahimik lang siya at ako naman ay seryosong naka focus sa daan habang nagmamaneho.
Pero sa kalagitnaan ay nataranta na siya nang mapansing iba ang daang tinatahak namin.
“Hindi ito ang papunta sa lugar ko. Sa bahay mo 'to papunta–”
“Paano ko naman malalaman kung saan ang bahay mo, eh hindi mo naman sinasabi kung saan.”
Napabuntong hininga na lang siya at hindi na umimik pa. Hinayaan na lang niyang makarating kami sa bahay ko.
Ginarahe ko na ang kotse at hindi siya agad bumaba, inalalayan ko pa siya.
“Bakit mo 'ko dinala rito? Sabi ko sa tinutuluyan ko–”
“We need to talk,” sabat ko dahil gusto ko na siyang angkinin ulit.
“Ano bang pag-uusapan natin? Bakit hindi mo na lang sabihin dito?”
“Doon tayo sa kama. . . and let our bodies talk.”
ABANGAN ANG SUSUNOD NA CHAPTER . . .