Chapter 53 Trisha’s PoV Pagdating namin sa bahay ni Zebbie ay nagkagulatan pa kaming apat nang pinagbuksan niya kami ng pinto. Nagkatinginan kaming apat, ako, si Raven, si Zebbie, at ang isang lalaki. Pamilyar ang mukha niya— si Marvin Lemmings. Nag-kibit balikat si Zebbie at tumaas ang kilay. “At anong trip niyong dalawa? Hindi ba kayo maka move on sa akin at gusto niyo pang isampal sa mukha ko na kasal na kayo–” “Nasaan ang anak ko!” hiyaw ko. Hindi ko pinatapos ang sinasabi ni Zebbie. Nanlaki ang mga mata niya. “What are you saying? Hindi ko alam kung anong pinagsasabi mo. Malay ko ba kung nasaan ang anak mo–” Lalong nanlaki ang mga mata ni Zebbie. “Wait, may anak ka?” Natigilan ako saglit. Totoo bang hindi niya alam na may anak ako? Na may anak kami ni Raven? Kung ganun hindi si

