Chapter 54 “Kailangan niyang ibalik ang anak ko.” Nakakuyom ang mga kamao ni Raven habang patungo sa kanyang sasakyan. Sinundan naman siya ng asawa niyang si Trish. Hindi niya pinayagan si Trish na sumama sa kanya. Agad niyang sinara ang pinto ng kotse para hindi makapasok ang aligagang asawa. Hindi nagpatinag si Raven kahit na nagmamaka-awa si Trish na sumama at hinahampas hampas na nito ang bintana. Ibinaba niya ang bintana para sabihin ang mga katagang magpapa=kalma sa asawa. “Trish, sweetheart, umuwi ka na. Bantayan mo si Ate Let. Mas kailangan ka niya. Huwag ka mag-alala, kaya ko sarili ko. Pangako, ibabalik ko ang anak natin,” matatag na pangako ni Raven. Pinatakbo niya na ang kotse at sumulyap pa side mirror para matanaw ang asawa. Naawa man siya sa itsura nitong naka salampak

