Chapter 19

1115 Words
Chapter 19 Trisha's PoV “I'm sorry, Trish. Babawi ako. Pwede mo ba akong bigyan ng chance?” Napapikit ako sandali nang marinig ko ang boses niya, mahina at puno ng pagsisisi. Parang biglang bumigat ang dibdib ko. Hindi ko alam kung iiyak ba ako o matutuwa sa sobrang gulat. Ilang beses ko ba inisip ang ganitong eksena sa isip ko? Yung siya ang lalapit. Siya ang magsusumamo. Siya ang hihiling na mapansin ko at sasabihing mahal niya rin ako. Pero ngayon, heto na siya sa tabi ko. Yakap yakap ako. Totoong-totoo. Hindi imahinasyon. Hindi panaginip. Napatingin ako sa kanya. Sa mga mata niyang hindi na puno ng galit o pag hihiganti. Wala ring pagmamataas o sumbat. Puro paghingi lang ng tawad at pag-asang marinig niya ang "oo" mula sa akin. Gusto kong sumagot agad. Gusto kong tumalon sa tuwa. Pero binalot ako ng pag-aalinlangan. Natatakot pa rin ako. Paano kung saktan niya ulit ako? Paano kung hindi pala ito totoo? Kung ginagawa niya lang ito dahil hindi pa rin siya tapos sa pag hihiganti? parte pa rin ito ng mga plano niya para makabawi sa lahat ng sakit na pinaramdam namin ni Zebbie? Paano kung pagbigyan ko siya ngayon, tapos... balewalain niya na naman ako bukas? Worst, iiwang wasak gaya ni Zebbie. Huminga ako nang malalim. Sinubukan kong kontrolin ang t***k ng puso ko na parang sasabog sa lakas. Kahit anong pilit kong itago, alam ko sa sarili ko na masaya ako. Ang tagal kong hinintay maramdaman na pinipili ako, hindi dahil sa paghihiganti, kundi dahil sa mahal niya ako. Pero hindi ko rin pwedeng basta-basta ibigay ang buong tiwala ko ulit. Kailangan niyang patunayan na sincere siya. “Raven…” bulong ko, halos hindi ko makilala ang sariling boses ko sa sobrang kaba. “Hindi ko alam kung kaya ko magtiwala. Natatakot pa ako.” Ngumiti siya, 'yung ngiti niyang palaging bumabalot sa puso ko ng init. “Hindi kita mamadaliin,” sagot niya. “The fact na harap harapan mong sinasabi sa akin 'yan, that only proves, gusto mo ring sumugal. Basta nandito lang ako. Maghihintay ako, kahit gaano pa katagal. I've waited and sacrificed for five years sa babaeng niloloko lang ako, ngayon pa kaya na natagpuan ko na ang babaeng worth fighting for.” At sa unang pagkakataon, kahit puno pa ako ng takot, pinili kong ngumiti. Dahil sa ilalim ng lahat ng sakit at pangamba, gusto kong maniwala na totoo na siya ngayon. Hindi pa man humuhupa ang pagbilis ng pintig ng dibdib ko mula sa init ng aming pagsasalo ni Raven sa sofa, bigla na lang akong napaangat. Umupo ako at kinuha ang panloob kong damit sa sahig, pilit binubura sa katawan ko ang bakas ng kapusukan. Hindi ako makatingin nang diretso kay Raven habang suot ko muli ang aking underwear. Tahimik lang siya, nakasandal sa sofa, nakatitig sa akin. Sa huli, napilitan din siyang isuot ang boxer shorts niya, kahit bakas pa rin sa mukha niya ang nanunuksong ngiti. Gusto niyang bumalik sa lambingan kanina, pero ayoko na, masakit na ang private part ko sa tindi ng pag bayo niya sa akin. Kaka-ayos ko pa lang ng mga strap ng bra ko nang biglang bumukas ang pinto nang malakas. “Trish!” Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ang pamilyar na tinig. Si Zebbie. Nakataas ang kilay, galit na galit, at tila handang manakit. Hindi ko alam kung paano siya nakapasok pero ngayon, huli na para magtago o magpaliwanag. Nahuli niya kami, huli sa akto, hindi man magkapatong ni Raven, pero sa nadatnan niyang ayos namin ay imposible nang ipagkaila na walang nangyari sa amin. Lumapit siya sa akin nang mabilis at sa isang iglap, parang gusto niya akong saktan. Hindi pa yata siya tapos sa pananabunot sa akin noong nakaraan. Pero bago pa man niya ako maabot, pumagitna na si Raven, suot lang ang kanyang boxer shorts, nakaharang sa pagitan namin. "Enough, Zebbie," malamig pero mariin ang boses ni Raven. "Ano pang ginagawa mo rito? Pinalayas na kita ‘di ba?" Namula si Zebbie sa galit at ang mga kamao niya ay nakatiklop. Hindi ko siya kailanman nakita nang ganoon kapuno ng hinanakit at poot. Para siyang bulkan na sumabog, hindi na kayang pigilan ang emosyon. “Ito ang plano niyo 'di ba?” sigaw niya. “Hindi pa ba sapat na pinalayas ako? Ikaw agad ang pumalit, Trish? Sa ex fiance ko? Masaya ba? Fulfilled ka na ba at sumakses ka na? Masaya bang mang-agaw ng fiance ng iba?” Napakagat ako sa labi, hindi makapagsalita. Hindi ko rin maipaliwanag sa sarili ko ang nararamdaman ko, galit, hiya, at sa ilalim ng lahat ng iyon, isang kapirasong pag-amin na tama siya. May mali sa ginawa namin. "Umalis ka na, Zebbie," nakakatakot ang tinig ni Raven bagamat kalmado lang at hindi siya sumisigaw. "Bago pa lumala ito at kaladkarin na naman kita palabas." Pero hindi umalis si Zebbie. Sa halip, tiningnan niya ako nang puno ng hinanakit, bago tumingin kay Raven na para bang gustong patayin ito sa tingin. "Bababalikan ko kayo. Hindi matatapos ito dito," banta niya, ang boses niya ay puno ng poot. At sa isang nanlilisik na tingin ang pinukol niya sa akin pagkatapos ay kay Raven tinalikuran niya kami at padabog na isinara ang pinto. Tahimik kaming naiwan ni Raven, kapwa hingal at hindi makapagsalita. Sa kabila ng kaba, ramdam ko ang paghawak niya sa kamay ko ng mahigpit parang nagsasabing hindi niya ako papabayaan. Pero kahit ano pa ang sinabi ng haplos niya, alam kong ang gabing ito ang magiging simula ng tunay naming pagsubok, hindi lamang laban sa galit ni Zebbie kundi pati na rin laban sa sariling konsensya ko. Hindi ako handa sa naging consequence ng ginawa ko. Hindi ko akalain na maku-konsensya ako sa ginawa ko kay Zebbie. Ito naman ang plano ko. Ito ang gusto kong mangyari. Pero bakit ganito ang kinalabasan ng puso ko? Inuusig ako ng konsensya. Isang mahigpit na yakap mula sa aking likuran ang nagpabalik sa akin sa wisyo. “Don't feel guilty, Trish. Siya ang may malaking kasalanan sa akin. Siya ang lubos na nanakit. She deserves every pain, every pain she's feeling right now. She deserves this misery.” Ang bulong na iyon ang nagpakalma sa akin at napa pikit na lang ako. Ang dating sa pangarap ko lang na iniisip na mangyari, ngayon ay nagkakatotoo na. Ang maramdaman ang init ng yakap ni Raven. Ang sarap sumandig sa malapad niyang dibdib at magpasakop sa matipuno niyang mga bisig. Gusto ko itong maramdaman, hindi lamang ngayon kundi pang habambuhay. “Trish, pwede bang ayusin na natin ang lahat? Pwedebang manligaw?” ABANGAN ANG SUSUNOD NA CHAPTER. . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD