Bree Xena Lagdameo-Zamora's P.O.V. Naging masaya ang mga sumunod naming araw roon. Pero kinailangan na rin naming bumalik sa Pampanga. Bukod sa tapos na ang sinadya naming araw, ay naghinhintay na rin ang mga papeles sa kanya. Sa akin naman, ay hinihintay na ako ng restaurant. Hinatid niya ako kanina rito sa restaurant. Hindi na siya bumaba dahil nagmamadali rin siya. May bagong project silang pag uusapan. Sana ay maging successful iyon. Medyo naging mausisa pa ako kung sino ang makakasama niya roon. Baka kasi kasama na naman ang Angela na iyon. Better, hindi ang sagot. He said that Angela is in other country right now. Natandaan ko pa kung paano ko siya komprontahin. "Bakit mo alam?" mataray kong tanong. My hands are crossed in front of my chest. Nakataas din ang isa kong kilay. He

