Bree Xena Lagdameo-Zamora's P.O.V. "What are you saying there?" Brianedon asked her. "Duwag ka, Kuya," saka siya mabilis na nag-peace sign. Hindi na lang siya pinansin ni Brianedon. Bagkus ay humarap ito sa akin. "Huwag kang masyadong magpapaniwala diyan," babala niya sa akin. Natawa na lang ako sa kanilang dalawa. Para silang aso't pusa. Pero sa totoo naman ay mahal na mahal nila ang isa't isa. Pinagpatuloy na namin ang pagkain namin. May halong kwentuhan at tawanan. Hanggang bukas lang pala sila rito. Bumisita lang talaga dahil na-miss na raw nila kami. How sweet of them. Gabi na ngayon at nasa kanya kanyang kwarto na. Nakasandal kaming pareho sa may headboard at nagkukwentuhan. "You look really happy while watching your parents," pagbubukas ko sa topic. Kung hindi ako nagkak

