Bree Xena Lagdameo-Zamora's P.O.V. Nakauwi na kami sa Pampanga at nagbalik na naman sa realidad. Nagising ako na sobrang sakit ng katawan ko. Parang bang pinupukpok ito ng martilyo sa sobrang sakit. Ang ulo ko rin ay kumikorot. Daig ko pa ang nahang over. Mabilis akong napatayo at napatakbo ng maramdaman kong masusuka na ako. Nagtungo na ako sa may banyo at doon ko inalabas lahat. Tubig lang iyon kaya naman mas masakit sa pakiramdam. Naramdaman ko si Brianedon sa aking likuran. Tinipon niya ang buhok ko at hinaplos ang aking likuran. Patuloy pa rin ako sa pagsuka at para bang walang tigil iyon. "What is happening to you? May nararamdaman ka bang iba pang masakit?" nag-aalala na nitong tanong. Tumingin ang namumula kong mga mata sa kanya. Sanhi na rin ng pagsusuka ko. Pumiling ako sa

