Bree Xena Lagdameo-Zamora's P.O.V. Naging buo na ang desisyon naming dalawang mag asawa. Matagal tagal na rin naman simula nang mangyari ang trahedya. Sa ngayon, tinigilan ko na ang pag take ng pills at sinusubukan na namin muli na bumuo ng bata. Bago kami napunta sa desisyong ito ay komunsulta muna kami sa professional. Saka naglabas kami ng saloobin sa isa't isa. Kung kaya ko na ba, kung kaya naba ng katawan ko, at kung kaya na ba ng puso at isipan ko. Hindi lang ang desisyon ko ang masusunod. Pati ang sa kanya, dahil sa relasyong ito ay kaming dalawa ang nakapaloob. "Aren't you tired?" I asked him. Binigay ko sa kanya ang pambahay na tsinelas. Umupo na siya sa may sofa at tinanggal ang kanyang sapatos. "Not really. Hindi naman masyadong busy ngayon sa office," he answered and w

