Chapter 1-The Royal Continents
Sa isang restaurant may apat na tao ang nag-uusap. Tinadyakan ng isang lalaki sa binti yung isa pa. Nang-holdap ang mga ito at nagkataong nandoon ang dalawang miyembro ng royal Continents.
"S-Sor-ry! Di po namin sinasadya!"ang pagmamakaawa nung lalaki at akmang sisipain niya ulit yung isa pa nang ,pigilan siya ng kanyang kakambal.
Napabuntung-hininga na lang sa galit si Europe dahil kahit magwala siya dun ay masasapak lang siya ng kanyang kakambal na si Asia. Napalingon si Europe sa dalawang lalaki na ngayon ay magkayakap na dahil matinding nerbyos at sakit ng katawan na kanilang inabot.
"Di sinasadya? Kung di sinasadya bakit ganun ang ginawa niyo? Di ba sinasadya ang pagdadala ng baril sa loob ng restaurant para mangholdap?"ang galit na sigaw ni Europe.
Pinalagutok ni Europe ang kanyang kamay at akmang bubugbugin yung mga holdaper nang magsalita ang isa sa kanila.
"Nagigipit lang po kami! Hindi naman namin alam na nasa loob ang Royal Continent!"ang sabi nila at nangangatal pa ang mga ito sa takot.
Asia
Napasapo ako sa aking ulo dahil sumasakit na ang ulo ko sa ginagawa ng aking kakambal. Lumapit ako at saka tinitigan sila sa kanilang mga mata.
"Okay ganito ang gawin natin. Ipapasok namin kayo sa isang branch ng convenient store namin. Dun kayo magwork! And besides ayaw namin ng late. Sa ngayon ang gawin niyo na lang ay ang maglinis ng mga kinalat niyo sa Resto. Humingi kayo ng dispensa sa mga naagrabyado niyo,"ang sabi ko at saka nagtungo sa pintuan palabas ng resto.
Tumakbo si Europe at saka ako hinarangan.
"Pero!"pinutol ko na ang sasabihin ng kakambal ko na si Europe dahil alam kong aangal siya sa ginagawa ko.
"No buts!"ang sabi ko at saka binuksan ang pintuan para mag-walk-out.
Napasabunot na lang sa kanyang sarili si Eu at saka lumabas na rin ng resto. Ngayon alam niyo na siguro kung bakit Royal Continents ang tawag sa amin. We are named after the continents. They say we are good gangsters . Pero para sa amin we're not. Kung magaling kaming makipaglaban eh di sana hindi mao-ospital yung bestfriend namin na siyang leader ng aming grupo. Pero kahit anong iwas namin sa gulo ay di maiiwasang mapalaban kami dahil sa were-so-called sagabal sa mga plano. Minsan din sumasali kami sa mga events upang pigilan ang events na dinadala ang pangalan ng eskwelahan namin. Ang kaso itinigil na namin after ng insidente ng kaibigan namin.
Okay lang kahit kami yung masaktan. Mabilis namang gumaling ang mga sugat at injuries namin. Hindi ko alam para ngang may abnormalities ang mga katawan namin eh. Ang kaso hindi maiiwasang mag-alala ang mga kasama mo. Sumakay ako sa kotse at sumunod na sumakay si Europe. Pumuwesto siya sa driver seat dahil maging delubyo ang buhay niya kapag ako ang humawak ng manibela.
“Nababaliw ka na ba? Ikaw lang ata ang pinaka-usbaw na nilalang na nakilala ko? Nang holdap na nga ng restaurant tapos nagawa mo pang bigyan ng trabaho?”ang singhal ni Eu.
Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa tinawag niya akong usbaw. I really want to punch his face right now.
"Wag kang mag-alala kung gagawa man sila ng kalokohan i-diretso mo sila ng ICU. And make sure mag-eend up sila na may endotracheal tube sa kanilang mga bibig kapag binubog mo sila,"ang cold na sabi ko at napabuga na lang ng hangin ang aking kakambal.
By the way, I'm Asia Rin Ashbell. Twenty years old. Isa sa Royal Continent, at ang member ng Midnight Monarch. Alam ko ang weird ng pangalan namin. Kahit ako nagtanong kay Mom kung bakit yun yung name namin. Sabi niya na sa amin nung ipinagbubuntis niya raw kami ay naghahanap daw siya ng magandang lugar sa mundo. Then nagtanong ako kung bakit hindi nalang Antartica ang pinangalan sa akin ang kaso binato niya naman ako ng tablet.
Yes tablet. Ang sakit nga eh! Eto namang si Europe ang mas kawawa sa amin eh binato naman siya ni Mom ng encyclopedia and take note! Naka-hard bound pa! Ganun din ang sinabi niya! Eh di talagang kambal kami sa aming ginawa! Pinaharurot ni Europe ang sasakyan dahil kailangan naming bumalik sa school dahil sabi nga ni Mom ,”Education is the treasure they cannot steal.”
Pagdating namin sa school ay sumalubong sa amin ang mga estudyante pero agad silang sinungitan ni Eu kaya nagsilayuan sila. Kung anu-ano na lang ang naririnig ko tuwing dadaan kami. Sana pala nagdala na lang ako ng earphone para di ko naririnig ang mga cringe nilang mga usapan.
"Wow! Ganda talaga ni Asia!"ang sabi ng isang lalaki mukhang kinulang sa aruga dahil ang dugyot ng hitsura.
Bahala ka diyan! Di kita type!
"Gwapo mo Len! Marry me!"ang sabi ng isang babaeng mukhang oil on canvas sa kapal ngng kanyang make-up.
Landi naman nito. Eh kung mag-aral ka kaya! Sayang ang tuition uy!
"Len make love with us!"ang sabi ng isang babae na mukha namang acrylic paint ang ginamit sa kapal ng kanyang make-up at kanyang pagmumukha.
I scoffed with her statement! What the actual fudge? Napatingin naman ako kay Eu na parang wala lang siyang narinig. Sinundot ko sa tagiliran si Eu kaya naman napatingin naman siya.
"Oi Eu hahayaan mo na lang ba na ganyan ang mga babaeng yan? Karumi ah. Masyadong nagbababa ng palda nila para sa'yo,"ang bulong ko sa kanya.
"Just ignore them, Asia. I don't really care if they are acting crazy. Di sila ang type ko,"ang sabi niya at patuloy na naglakad.
Habang naglalakad kami ay may humarang sa amin na lalaki. Hindi ko alam kung anong trip ng mga ito? Wag silang humarang sa daraanan ko.
"Hi Asia! Can I have a date with you on Saturday?"ang sabi ng isang lalaki na may bitbit na delphinium.
Di ko alam kung bakit masyadong big deal sa aking bulaklak na 'to. It reminds me of someone. Hindi ko lang matandaan kung sino. Parang may kulang at tuwing nakikita ko ang bulaklak na ito ay halo-halo ang nararamdaman ko.
"Ah. I have to go,"ang sabi ko at naglakad palayo dahil hindi ako komportable sa kanya.
Europe
I'm Europe Len Ashbell. Twenty years old at isang pasaway na estudyante ng Zynther University. We're-so-called sagabal sa buhay dahil mga dakilang pakialamero kami ni Asia. They consider as a gangster dahil part kami ng Midnight Monarchy. Tinatawag rin kami na Royal Continents dahil sa name namin. And Royal Continents are members of Midnight Monarchy since tinuturing kaming Prince and Princess d’on.
Nandito na ako sa classroom namin at sa kasamaang palad ay hindi kami magkaklase ni Asia dahil magkaiba kami ng course na kinuha. ECE ang tinake ko at siya naman ay BS Chem.
Inaantok ako sa subject naming dahil Calculus ang tinuturo ng prof namin kaya naman napapahikab ako. Sinamaan naman ako ng tingin ng prof namin dahil sa paghikab ko nang malakas. Makikita ko ang pagkapikon sa kanyang mukha dahil ayaw na ayaw niyang may humihikab sa klase niya. Sa sobrang inis niya ay tinawag niya ako. Yung tipong top to the lungs.
"Mr. Ashbell! Are you feeling sleepy to my class? Then answer the problem on the board now!"ang sabi ni Sir Fritz na akala mo ay may PMS.
Pahamak talaga 'tong matandang 'to! Agad akong nagtungo sa unahan at sinulat yung sagot. Nang matapos na ako ay dumiretso sa desk ko at umuob dahil di ko na talaga kaya ang subject na ‘to dahil masyadong masakit sa ulo.
"Very good Mr. Ashbell,"ang sabi niya at nagpatuloy na siya sa pagsusulat sa glass board.
Ewan ko ba sa matandang ‘to? I feel to call him tanda kahit na kasing-edad lang namin siya. Sumilip ako nang bahagya at nakita ko na napailing na lang siya at nagpatuloy lang siya sa pagdidiscuss hanggang sa matapos ang first period in the afternoon. Boring! Bakit kasi pinag-aaralan yang lintik na x and y yan? Di naman ginagamit sa tindahan yan eh! Iniimagine ko palang na gumagamit ng x and y sa tindahan baka walang magtangkang magnegosyo. Napatingin ako sa aking phone at nakita ko ang message ni Ace sa amin. Agad kong inopen at bumungad ang pangalan ni Ace.
‘Guys! May battle mamaya! Midnight Monarchy vs. Lightning Killers. Yan ang napagkasunduan. Tell Asia.’
Agad kong nireplayan si Alas. Wala akong pake kung makita man ako ni tanda. I have many stocks of phone. Regaluhan ko pa siya.
‘She can't make it today. All of you, you need to do that without us. I'm so sorry.’
Pagkatapos ng klase, ay naglakad ako patungo sa field at dinama ang simoy ng malamig na hangin. Dito ako pumupunta kapag may mga agam-agam ako sa buhay. Kaya naman mas masarap matulog dito natulog kaysa sa classroom na anytime ay pwede kang batuhin ni Sir Fritz ng mahiwaga niyang libro ng Calculus.
"Nakakatamad!"ang sigaw ko at humiga sa damuhan.
Mas masarap pagmasdan ang langit kapag nakahiga sa damuhan. Kailan nga ba kami huling natuwa sa pagtingin sa langit? Siguro noong mga bata kami. Too bad, nawala namin ang mga alaala namin when we we’re driving on our way home. Hanggang ngayon ay wala kaming maalala sa nangyaring aksidente sa amin dalawang taon na ang nakakalipas.
"As usual,tamad ka pa rin!"ang sabi ni Miss Sakura na nakapameywang kaya naman bumangon ako agad.
Baka kasi makakita ako ng di dapat makita lalo na’t nakaskirt si Miss Sakura. Mahirap na, amasona pa naman si Miss Sakura.
"Teka anong ginagawa mo rito?"ang tanong ko at saka pinagpagan ang sarili ko.
"Wala ka talagang sinasanto eh ano? Can you share your thoughts?"ang sabi niya at saka umupo siya sa tabihan ko.
Napabuntung-hininga na lang ako dahil kukulitin ako nito nang walang humpay kapag di ako nagshare. Sa lahat ng professor ay siya ang pinaka-close ko. Pumahalumbaba ako at saka nagsimulang magsalita tungkol sa agam-agam ko.
"There was an event and gusto kong pumunta but my twin sister, she forbid me in going to that event,"ang sabi ko at ibinuntong ko sa aking paghinga kung gaano ako ka-dismayado sa desisyon ni Asia.
"Hmmm. I see. She wants to protect everyone she loves,"ang sabi ni Miss Sakura.
“Pero nakakasakal naman na everyday kailangan kong tumanggi? Gustong gusto ko talaga pumunta sa event na yun! And hindi na ako bata para bantayan!”ang sabi ko at saka muli akong napahiga sa damuhan.
Bumuntung-hininga siya at halatang mabigat sa pakiramdam ang kanyang ikukuwento. This is the unusual side of her. At talagang nakakapanibago ito. Kaya naman humiga muli ako sa damuhan dahil hindi ko mapigilan ang antok ko. Piningot niya naman ako sa aking tenga dahil alam niyang tutulugan ko lang siya. Hindi ako nagpatinag kaya naman sinimulan niya na lang ang pagkukuwento.
“Alam mo dati, may kaibigan kami. She loves to protect everyone. She was so selfless to the point na hindi niya na naiintindi ang sarili niya,”ang kwento ni Miss Sakura kaya naman napabangon ako.
Na-curious ako sa kwento ni Miss Sakura kaya naman nagtanong ako.
“Nasaan na po siya ngayon?”ang tanong ko ngunit nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata.
“She left on this world already.She died in front of her beloved fiancee. She protect his fiancee upang hindi ito mapahamak from other people na gustong manakit sa kanya. At ang kapalit nun ang buhay niya,”ang kwento ni Miss Sakura.
I feel guilty after kong marinig ang kwentong iyon. Hahayaan ko na lang ang event na yun. Ayokong umabot sa point na matulad ako sa friend ni Miss Sakura.
Sa sobrang tsismoso ko ay nagtanong ulit ako.
“Sino po pala ang fiancee niya?”ang tanong ko dahil na-cucurious ako kung sino yun.
“Kilala mo siya. The one you called tanda. Si Fritz,”ang sabi ni Miss Sakura kaya naman nanlaki ang mga mata ko.
Di ko alam na may tragic story si Tanda? Tss. Kaya pala parang laging nagmemenopause si Tanda, heart broken pala. Naantala ang pakikipag-usap ko kay Miss Sakura nang marinig ko ang boses ng aking kakambal. Ano ba naman 'to? Kung kailan nasa magandang topic na saka naman biglang sumingit ang napakabait kong kapatid.
"Eu! Ano ba? Tayo na! Uuwi na tayo!" ang sigaw ni Asia kaya naman pinagpagan ko ang sarili ko dahil baka may d**o pa ako sa aking ulo.
"Oo, nariyan na!" ang sabi ko at saka tumayo.
Aalis na sana ako nang bigla akong kinapitan ni Miss Sakura sa aking sleeve.
"Would you please introduce me to her?" ang sabi ni Miss Sakura kaya naman tinawag ko si Asia.
"Yeah. Asia come here first! May ipapakilala ako sa’yo!"ang sigaw ko kaya naman lumapit siya.
"Fine!"ang sigaw niya.
Habang lumalapit si Asia napapansin ko na nanlaki ang mga mata ni Miss Sakura. May mali ba sa mukha ni Asia? Bakit ganito makatingin si Miss Sakura?
"Bakit mo ako pinapunta dito Eu?! Don’t tell me ipapakilala mo sa akin girlfriend mo?" ang naiirita na tanong ni Asia.
"Actually I want you to meet Miss Sakura Rogue," ang sabi ko at saka nagbago ang expression ni Asia.
Lumambot ang kanyang expression at saka iniabot ni Asia ang kanyang kamay kay Miss Sakura.
"Nice to meet you,"ang sabi ni Asia at saka ngumiti.
Tapos iniabot niya ang kanyang kamay kay Miss Sakura at nagtitigan na para bang sila yung mag-bestfriend na matagal nang hindi nagkikita.
"Miss Sakura, this is Asia Rin Ashbell, my twin sister," ang sabi ko at tinitigan ako ni Miss Sakura na parang naluluha.
"N-Nice to meet you,too. O, mukhang malapit nang magdilim you need to go home," ang sabi ni Miss Sakura at agad niyang dinivert ng topic.
Magtatanong sana ako kung may picture siya ng kanyang friend. Di ko alam bakit ganun ang expression niya nang makita niya si Asia. Ang kaso hinatak ako ng aking magaling na kakambal kaya naman hindi ko na naitanong kay Miss Sakura.
Nagpaalam na kami kay Miss Sakura at saka umalis ng mabilisan. Masyadong weird si Miss Sakura, di ko alam kung may tinatago ba siya o kung sadyang misteryosa lang siya. O sadyang ganun lang ang mga accelerated? Balita ko sobrang misteryoso sila. Ah bahala na nga! Pinasasakit lang nito ang ulo ko!
Sakura
Pagkaalis nina Europe ay hindi na napigilan ng luha ko na kumawala.
“Sa wakas, pagkatapos ng dalawang taon na paghahanap sa’yo. Natagpuan ka na namin, Akari,”ang sabi ko at saka pinunasan ang aking luha.
Agad akong nagtungo ng Faculty room upang ibalita ang nakita ko. Halos mabangga ko ang ibang estudyante sa sobrang pagkasabik.
"Pasensya na, nagmamadali lang!" ang sabi ko sa lahat ng mga nakakasalubong ko na mga nabangga ko.
Gusto kong malaman nila na nakita ko na si Akari. After two years na pagkawala nang kanyang bangkay, may hinuha kami na ipinadala siya dito sa mundo ng mga Hamstrung lalo na't tinulungan kami ng isang miyembro ng Legendary Council na si Miss Nemia Forrester at doon namin na-kumpirma na nasa mundo nga mga Hamstrung si Akari.
Nang makarating ako sa Faculty room, ay pilit kong hinabol ko ang aking hininga. Naabutan ko si Jin na nagliligpit ng kanyang mga gamit. Wala na rin ang mga Hamstrung dito kaya malaya na kaming makakapag-usap.
"Oh Sakura? Bakit ka hingal na hingal diyan? Bakit namumugto yang mga mata mo? Wag mong sabihin na pinaiyak ka ni Shin?" ang tanong ni Jin at saka lumapit sa akin.
Umiling ako at muling pinunasan ang luha ko.
"Nope. I just saw someone that lasts to our heart. She hasn't changed a bit," ang sabi ko at nakita kong nabitawan ni Aichi ang kanyang mga test papers na hawak.
Lumapit sa akin si Aichi at saka hinawakan ako sa aking balikat.
"Don't tell me nakita mo na siya?"ang tanong ni Aichi at nakikita ko ang pagkasabik sa kanyang mga mata.
Tumango ako bilang pagsang-ayon. Napakapit ako sa aking dibdib dahil masyadong masakit ang nakita ko kanina.
"Ang kaso may problema,"ang sabi ko at tiningnan nila ako.
Huminga ako nang malalim at kumukuha ako ng tamang tiyempo upang sabihin ang masamang balita. Alam kong hindi nila iyon magugustuhan.
"Anong problema?"ang tanong ni Aichi at hinatak niya ang malapit na swivel chair at naupo siya dun.
Napakagat ako ng labi. Kailangan nilang malaman ang totoo. Kaya mo yan Sakura.
" She can't remember us. And also she changed her name,"ang sabi ko at pumatak na naman ang luhang pilit kong pinipigilan.
Napahampas naman si Aichi sa mesang malapit sa kanya. After all these years sinisisi niya pa rin ang sarili niya sa nangyari kay Akari. Napatingin naman ako kay Aichi at nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Napalunok ako at tinitigan si Jin.
"Then what is her name?" Jin asked and her voice was cracked as a plenty of tears fell down on her face.
You can't blame her either. Nandun siya nung araw na pinatay si Akari at ang masaklap ay wala siyang kalaban-kalaban noong mga panahong iyon.
"She is Asia Rin Ashbell," I answered and I looked at them with full determination.
At last, the search is over. Akari, we found you.