Akari Matapos ang isang linggong pagsasanay nina Elina dito sa Chikara Realm ay nagpaalam na sila pabalik ng Mystic Realm. Nagkasundo naman ng Hari ng Sedna, Hari ng Techno na hindi na matutuloy ang kasal. Nakahinga naman nang maluwag si Akemi at Clifford dahil sa desisyon na iyon. Nagbukas naman ang bagong kasunduan sa pagitan ng Techno at Medius Regnum. Hindi lang ang pag-iisang dibdib ang kanilang napagkasunduan pati na rin ang kalakalan sa dalawang kaharian sa magkaibang Realm. Nandito kami sa canteen dahil lunch break na. Umorder ako ng fries, burger, choco mousse, yema cake at isang blueberry milkshake. Pagharap ko ay muntik ko nang maihagis ang aking pagkain dahil isang multo ang aking nakita. Lumingon-lingon pa ako dahil baka may nakakakita rin sa kanya. Napansin kong abala ang

